KEYCEE'S POV
Pagpasok ko sa classroom naroon na lahat ng classmate ko at pati na rin ang prof namin sa Psychology.
"Good afternoon, ma'am. Sorry, I'm late." Yumuko ako nang bahagya bilang paggalang bago ako tuluyang humakbang papunta sa upuan ko.
"Bakit ka late?" tanong ng prof namin pag-upo ko.
"Traffic po kasi," I lied. Kanina kasi pagpasok ko sa main gate, hinarang ako ng guard dahil wala akong suot na school ID. Sinabi niyang hindi raw ako p'wedeng pumasok. E, wala pa naman talaga akong ID dahil bagong transfer lang ako. Kapapa-ID ko lang noong isang linggo, ang sabi sa 'kin ay next week ko pa raw p'wedeng kuhanin. Kaso noong sinabi ko 'yon sa guard, hinanapan naman ako ng gate pass. Tapos ako naman si tanga na, ulyanin pa, naiwan ko ang gate pass sa bahay kaya nakipagtalo pa ako sa guard para lang payagan akong pumasok.
"Okay class, since ngayon ko lang hahawakan ang block na 'to gusto kong makilala kayong lahat. Magpakilala kayo isa-isa, dito sa harapan." Tiningnan ni ma'am ang kaklase kong nakaupo sa pinakaunahan at sinenyasan na tumayo, kaya naman nagsunud-sunod na hanggang sa makarating sa 'kin.
Tumayo na rin ako para magpakilala.
"My name is Key-" napahinto ako saglit bago ko pa mabanggit ang dati kong pangalan. "My name is Jian Perez, 19 years old." 'Yon lang ang sinabi ko at umupo na rin ako agad. Sobrang nilimitahan ko lang ang pagpapakilala ko.
Pagkatapos ng 'introduce yourself session' pinaglabas naman kami ng prof namin ng papel at gumawa raw kami ng sarili naming explanation sa tanong na, 'As an HRM, why do we need to study psychology?' So ayun, sumunod na lang ako. Hindi ko na sasabihin sa inyo ang mga sinulat ko, sa 'kin na lang 'yon, baka kasi pagtawanan niyo pa ako.
After ng Psychology subject namin, English+ naman ang kasunod. After ng English+ vacant ko na, 1 and ½ hours ang vacant ko dahil 4:30 pa ulit ng hapon ang last subject ko.
Dahil Tuesday ngayon, wala si Ryan. Wala akong makakausap. Umaga kasi ang klase niya kapag TTH, so pupunta na lang muna ako sa library para magpalipas ng oras.
Pagdating ko sa library pumirma muna ako sa log book. Wala pa kasi akong ID kaya hindi ako makapag-log in sa computer. Kailangan kasing i-enter doon ang ID number.
Naglakad na ako papunta sa pinakadulong mesa. Paborito kong lugar ang dulo ng library para kahit matulog ako ay walang makakapansin sa 'kin.
Kaso mayro'n naman akong katapat na lalaki. Nasa kabilang table siya, mukhang professor. Natutulog din yata. Nakadukdok kasi siya sa table.
Umupo na lang ako at dumukdok na lang din para makapagpahinga.
THIRD PERSON'S POV
Nagising si Ace dahil sa pag-vibrate ng cell phone niya. Nag-alarm kasi ito pero vibrate mode lang para hindi siya makaabala sa mga estudyanteng nag-aaral sa library.
Agad niyang inayos ang mga gamit at saka tumayo dahil oras na ng kaniyang klase.
Paalis na sana siya nang biglang malaglag ang susi ng kotse niya sa katapat na mesa kung saan may babaeng estudyante na nakadukdok at mukhang natutulog din. Buti na lang ay hindi ito nagising sa ingay na likha ng susi niyang bumagsak sa mesa nito.
"Good afternoon, sir," bungad ng mga estudyante sa kaniya pagpasok niya pa lang ng room. Naririnig niya na rin na may mga babaeng nagbubulungan at sinasabing ang gwapo niya raw at parang kinikilig pa ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.
KEYCEE'S POV
Patulog pa lang ako nang may bumagsak na bagay sa mesa kung saan ako nakadukdok. Pero hindi ako nag-angat ng ulo dahil sa sobrang antok ko. Pumikit ako hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras dahil nakaidlip na ako.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...