KEYCEE'S POV
"Anak," dahan-dahang humakbang si mama palapit sa 'kin, pero bawat paghakbang niya ay sinasabayan ko nang pag-atras kaya agad din siyang huminto. Tulad ko umiiyak din siya at nanginginig ang mga kamay habang nakaunat 'yon para abutin ang baril na nakatutok sa sintido ko. "H-huwag mong gagawin 'yan...h-hindi kayo maghihiwalay ni Ace...hindi ka ikakasal sa iba...a-alis kayo ni Ace dito...kaya pakiusap, ibaba mo na 'yan. Nagmamakaawa ako sa'yo, anak." Tanging pag-iling lang ang naisagot ko kay mama kaya tinakpan niya ang bibig niya gamit ang mga kamay 'tsaka siya humagulgol. 'Yong mga salitang 'yon ay hindi ko sa kaniya gustong marinig kun'di kay lola.
"Keycee, ibaba mo 'yan...please." Pati si Christia ay nagsimula na rin makiusap sa 'kin. Si Ryza naman ay tahimik na umiiyak. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak samantalang malaki ang ambag niya sa gulong nangyayari ngayon sa buhay ko.
Binaling ko ang tingin ko kay lola. Bakas din ang takot at pag-aalala sa mukha niya habang nakatulala sa 'kin.
Biglang bumalik sa alaala ko ang una naming pagkikita. Sobrang bait niya. Sabay kaming kumain at palagi siyang nakangiti noon habang magkausap kami at nagkukwentuhan.
Pero ang mga ngiti niyang 'yon, hindi ko na makita ngayon. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong pagkakataon. Na kailangan pang may masaktan dahil lang sa makasarili niyang desisyon.
Why can't things just work out the way I want them to?
"Akala ko kapag pamilya...susuportahan ka kung saan ka masaya. Palalakasin ang loob mo kapag nanghihina ka. Aalalayan ka kapag hindi mo na kaya. Pero bakit...bakit ganito?" Patuloy sa pag-agos ang luha ko habang nakatingin kay lola. "Bakit kayo pa ang nagbibigay sa 'kin ng sama ng loob? Bakit kayo pa ang nagiging dahilan para manghina at mawalan ako ng pag-asa?"
"Keycee, put it down. I'm begging you..." Narinig ko ang boses ni Ace na nakikiusap at parang maiiyak. Pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay lola dahil gusto kong malaman kung ano'ng pipiliin niya.
"Ngayon n'yo po sabihin sa 'kin na makipaghiwalay ako kay Ace at magpakasal sa iba." Nanginginig ang kamay ko habang nakatutok ang baril sa sintido ko. "Ngayon n'yo ako diktahan sa dapat kong gawin." Pati ang mga tuhod ko ay parang babagsak na rin. Mas nakakapanghina pala kapag nagpapanggap kang malakas.
"Anak, nakikiusap ako sa'yo..." Hindi pa rin tumitigil si mama sa pag-iyak. "Natatakot na 'ko sa ginagawa mo...pakiusap...ibaba mo na 'yan..."
Sa totoo lang, hindi lang sila ang natatakot sa sitwasyon ko. Ako man ay takot rin. Natatakot ako na baka sa panginginig ng kamay ko ay bigla kong maiputok ang baril sa ulo ko.
Ayokong iwanan si Ace. Ayokong malayo sa kaniya. Hindi ko 'yon kakayanin. Pero kailangan kong tatagan dahil alam kong mahirap pakiusapan si lola. Baka kailangan munang may madisgrasya bago lumambot ang puso niya.
"Mamili po kayo. Hahayaan n'yo akong maging masaya o habang buhay kayong makukunsensya?" Pinilit kong tatagan ang boses ko kahit na ang sakit-sakit na sa dibdib. Pero hindi sumagot si lola dahil nabaling ang tingin niya—nila, sa direksyon ng malaking gate.
ACE'S POV
Nakatutok pa rin sa 'kin ang baril ni Zen habang kay Keycee siya nakatingin dahil sa ginawa nitong pagtutok ng baril sa sarili niya. And seeing her with the gun pointed on her head made my heart ache in an unexplainable way.
The actual, physical pain I felt because of the bruises and wounds Zen has caused me, is nothing compared to the pain I felt when she pointed the gun on her head as the tears streaming down her cheeks. Her eyes were full of pain, begging for freedom and comfort. And I can feel the terrible tightening in my chest just by looking at her— helpless and hopeless.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Novela JuvenilHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...