ACE'S POV
Kararating lang namin ni Keycee sa bahay. Nauna siyang pumasok sa loob. Medyo nahuhuli naman ako dahil kinuha ko pa ang mga gamit namin sa compartment bago sumunod sa kaniya.
Pansin ko rin ang sasakyan ni Ryan sa kabilang garahe kaya alam kong narito na siya. At pagpasok ko sa main door, siya agad ang sumalubong sa 'kin. Malapad ang ngiti niya at may bibit na plastik ng mangga.
"Thirty thousand lang ang isang kilo, Kuya Asyo—Ace."
"Nakita na ba ni Keycee 'yan?"
"Oo. Pero sinimangutan n'ya lang ako."
"Kung hindi n'ya pinansin 'yang mangga mo, kahit presyuhan mo pa ng isang milyon 'yan, hindi ko 'yan babayaran." Nilagpasan ko siya at sinundan ko si Keycee na kasalukuyang paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
"Pero nahirapan akong maghanap ng mabibilhan nito!" sigaw pa niya.
"Paghirapan mong ibalik sa binilhan mo!" sigaw ko pabalik sa kaniya. Hindi isinara ni Keycee ang pinto ng kwarto dahil alam niyang may bitbit akong mga gamit kaya agad akong nakapasok sa loob. "Akala ko ba gusto mo ng indian mango? Bakit hindi mo pinansin 'yong bitbit ni Ryan?" Hinubad ko ang suot kong jacket at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nakakapagod ang biyahe.
"Hindi gano'n ang gusto ko..." Napabalikwas ako ng bangon nang mahalata kong garalgal ang boses niya, tipong nagpipigil ng iyak. Agad akong tumayo at tinabihan siya sa paanan ng kama kung saan siya tahimik na nakaupo at nakayuko.
"What's wrong, wifey?"
"Gusto ko 'yong nakatusok sa stick at nakababad sa garapon na may tubig tapos may alamang na katabi! Ano'ng gagawin ko sa mangga ni Ryan! Hindi pa hugas! May lupa-lupa pa 'yong balat! Hubbyyyyyy!" Nagulat ako sa bigla niyang paghagulgol. 'Yong iyak pa naman niya, hindi basta-basta, kun'di iyak na akala mo inapi ng buong mundo. Bakit ba s'ya nagkakaganito dahil lang sa mangga? "Hindi 'yon mukhang indian mango! Salahulang mangga 'yon!" she added.
"Ssssh. Don't cry, wifey. Bababa ako. Papadilaan ko kay Ryan 'yong mga lupa sa mangga. Wait here." Humalik ako sa noo niya bago ko siya iwan sa kwarto. Pero habang pababa ako sa hagdan hindi ko maiwasang matawa sa itsura. Hindi lang ako makatawa kanina dahil seryoso ang pag-iyak niya at ayaw ko siyang sabayan dahil baka pagsimulan pa 'yon ng world war 3.
Sakto namang nakasalubong ko si Ryan na palabas sa kusina, may bitbit na tasa ng kape at namumuwalan sa kinakain niyang clubhouse sandwich.
"Ngain..." 'Yong kain niya, naging ngongo sound na dahil punong-puno ang bibig niya.
"Nasaan 'yong mangga?"
"Ngasa mamurahan. Mwakit?"
"Lunukin mo nga muna 'yang nasa bibig mo! Hindi kita maintindihan!"
"Mauunod Nguya Anyong!" Hinintay ko siyang malunok 'yong nasa bibig niya at humigop pa muna ng kape bago ako sagutin. "Sabi ko nasa basurahan na. Bakit?"
"Bakit mo tinapon?!" Nagmadali akong pumasok sa kusina at dumiretso sa basurahan para hanapin 'yong mangga. Pero hindi ko 'yon nakita ro'n.
"Joke. Nasa ref." Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa 'kin at paniguradong nakita niya kung paano ako magkalkal sa basurahan na parang isang gutom na asong naghahanap ng makakain.
Agad akong tumayo at tiningnan siya nang masama. "Are you f*cking kidding me?"
"No, sir. Sorry, my fault. Maiwan na kita." Tinalikuran niya ako nang natatawa.
"Sa'n ka pupunta?!"
"To the moon, sir!" Hindi na niya ako nilingon at dire-diretsong umalis. Napilitan tuloy akong ibalik ang mga basura sa trash can.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Novela JuvenilHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married his strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...