Chapter 137. Steph & Carlo Part II

4.2K 80 2
                                    

THIRD PERSON POV

Gaya ng natanggap na instruction ni Stephanie mula kay Vince—sa pamamagitan ng text message, ay pumunta siya sa lugar na sinabi nito—sa villa kung saan ito umano nanunuluyan kasama ang kaniyang amo. At may pagtataka sa dalaga dahil ngayon niya lamang nalaman ang tungkol dito. Dati-rati naman ay nagpapaalam ito sa kaniya kapag mag-a-apply sa isang trabaho, ngunit ngayon ay wala siyang matandaan na nagsabi ito sa kaniya na magtatrabaho bilang isang driver. Nagsabi naman pala—iyon nga lang ay kung kailan hired na.

Bahagya siyang napailing bago pindutin ang doorbell mula sa isang malaki at mataas na gate. Alam niyang ito ang lugar na pakay niya kaya hinintay niya na lamang na may magbukas sa kaniya. Ang sabi rin kasi ni Vince sa mensahe nito kanina ay wala raw ngayon ang kaniyang amo, isang linggo raw itong mananatili sa Thailand dahil sa business trip.

"Pasok ka." Nag-angat ng tingin si Stephanie nang pagbuksan siya ng isang lalaking hindi pamilyar sa kaniya. Saglit niya itong hinagod ng tingin. Nakasuot ito ng puting polo, itim na slacks at black shoes. Maganda rin ang pagkaka-wax ng buhok nitong itim na itim.

At imbes na sumunod sa sinabi nito ay nagtanong muna siya. "Nariyan ba si Vince? Vince Dela Vega."

"Nasa loob. Ang sabi n'ya, papasukin daw kita." Hindi kumibo si Stephanie at nag-alangan siyang ihakbang ang mga paa hangga't hindi niya nakukumpirma na naroon nga ang kaniyang kasintahan sa loob.

At upang mawala ang kaniyang pag-aalinlangan ay dinukot niya ang kaniyang cell phone sa likuran ng suot niyang pantalon.

***

Nakaunat ang mga binti ni Carlo habang nakaupo at pinanonood sa screen monitor si Stephanie at ang tauhan ng kaniyang daddy, si Gab, na inutusan niyang kumuha sa cell phone ni Vince. Kita niya sa CCTV footage ang pagdukot ng dalaga sa cell phone nitong nasa bulsa at alam na agad niya na siya ang pakay nitong tawagan kaya't agad niya itong inunahan at pinadalhan ng mensahe.

"Inutusan ko si Gab para pagbuksan ka, babe. Pasok ka na. Naliligo lang ako." Nang mai-send niya iyon ay agad siyang tumayo sa kinauupuang de-kutson na sofa at tumungo sa banyo upang saglit na maligo.

Alam na rin naman ni Gab ang gagawin dahil bago pa man dumating ang dalaga ay nabilinan na niya ito ukol sa inuming inihanda niya. Si Gab ang mag-aabot ng inumin dito at bababa na lamang siya kapag wala na itong malay.

Ilang sandali ang lumipas, paglabas niya sa banyo ay agad niyang binalikan ang screen monitor. At gumuhit sa kaniyang labi ang isang pilyong ngiti nang makita niyang nakahiga na ang dalaga sa sofa at tila mahimbing na ang tulog. Nasa gilid naman nito ang isang traveling bag na sa tingin niya ay naglalaman ng mga gamit nito.

Hindi na rin niya nasilayan si Gab dahil nagbilin siya rito na p'wede na itong umalis sa oras na masiguro nitong naubos na ni Stephanie ang espesyal na inuming inihanda niya. Kaya ang tanging naiwan na lamang sa bahay ay ang isang katulong na si Delia at silang dalawa ng dalaga.

Simpleng t-shirt na kulay old rose at itim na pantalon ang sinuot niya bago magdesisyong puntahan sa baba ang dalaga. Tumayo siya sa gilid nito at pinagmasdan ang maganda, makinis at maamo nitong mukha. Ang ilang hibla ng buhok nito ay bahagya pang nakakubli sa kaniyang pisngi na mamula-mula.

"Sino s'ya?" Agad siyang napalingon nang marinig ang boses ni Delia. Nakatayo ito sa 'di kalayuan sa kanila. Hindi ito gumagamit ng 'po' at 'opo' sa kaniya sapagkat may edad na ito at kung tutuusin ay para na niya itong lola. Bakas din sa mukha nito ang pagtataka habang pinagmamasdan ang dalaga. Ngayon lamang niya kasi ito nakita.

"Magiging fiance ko."

"E, bakit d'yan s'ya natutulog? Gusto mo bang ayusin ko ang guest room?"

"Hindi na, Manang Delia. Sa kwarto ko na lang s'ya. Pakisunod na lang ang gamit n'ya." Matapos niyang sabihin 'yon ay yumuko na siya para buhatin si Stephanie. Agad namang kinuha ni Delia ang bag ng dalaga at sumunod sa mga ito patungo sa itaas— sa silid ni Carlo.

"Iwan ko na rito, ha? At maghahanda na ako ng hapunan." Inilapag ni Delia ang bag ng dalaga sa pang-isahang sofa na nasa kwarto ng binata. At bago siya tuluyang lumabas ay sumagot pa si Carlo sa kaniya.

"H'wag na, manang. Busog pa 'ko. Hihintayin ko na lang magising si Stephanie para sabay na kami."

"O, s'ya. Sige. Ikaw ang bahala."

Nang marinig niyang malayo na ang yabag ng kasambahay ay agad siyang tumungo sa pintuan at isinara iyon. Siniguro rin niyang nai-lock niya ito bago balikan ang dalaga na inilapag niya sa kaniyang malambot na kama.

***

"Boss, hindi pa ba gigisingin ang dalawa? Ano'ng oras na. Baka maabutan sila ng daddy mo rito?" Muling baling ni Gab sa binata, kay Carlo, na ngayon ay humihigop ng kape. Kasalukuyan silang nasa veranda at suot na rin nito ang kaniyang school uniform. Papasok na sana siya sa eskwela ngunit hindi siya tumuloy kanina dahil nais niyang hintayin na magising ang dalawa sa itaas.

At ang dahilan kung bakit narito si Vince sa kanilang villa ay dahil nilamon siya ng kaniyang kunsensya sa nagawa niyang pagsasamantala kagabi sa dalaga. Alam niyang kasusuklaman siya lalo ni Stephanie kapag nalaman nito ang ginawa niya kaya't inutusan niya si Gab na dalhin dito nang sapilitan ang kasintahan nitong si Vince at palabasin na ito ang nakatalik ng dalaga. Kahit na kung tutuusin ay wala ring malay si Vince nang dumating sa villa dahil iyon ang bilin niya kay Gab.

"Hayaan mo muna sila. Aalis din ang dalawang 'yon mamaya." Hindi man niya aminin ay ramdam niya ang sakit sa dibdib dahil alam niyang sa oras na magising ang dalawa ay magkasama na itong lalayo. At ang tanging maiiwan na lamang sa kaniya ay ang maligayang alaala na nangyari sa kanila kagabi ng dalaga.

***

Nagising si Stephanie sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa malaki at maluwang na bintana.

Matinding kirot ng sintido ang kaniyang naramdaman at pakiwari niya ay hindi niya kayang bumangon dahil na rin sa sakit ng katawan. Lalo na ang pagitan ng kaniyang mga hita. At gano'n na lamang ang pagtataka niya nang mapansin na wala siyang suot sa katawan kun'di isang manipis na t-shirt na kulay old rose at tanging underwear naman sa kaniyang pang-ibaba.

At mas lalo pa siyang nagulat nang bumungad sa kaniya ang hubad na katawan ng isang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya at hanggang baywang lamang ang natatakpan ng kumot. Ngunit kahit pa nakatalikod ito ay alam niyang ito ang kaniyang kasintahan na si Vince. At nakumpirma niya iyon nang umusog siya sa gawi nito para silipin ang mukha ng binata na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog.

"Vince?" mahina niyang tawag dito, bahagya rin nakakunot ang kaniyang noo sapagkat wala siyang maalala sa nangyari kagabi. Ang huling bagay lang na malinaw sa kaniyang isip ay noong nasa living area siya at inabutan ng inumin ng lalaking siya ring nagbukas ng gate sa pagdating niya. At ang labis na ipinagtataka niya ngayon ay kung bakit tila pareho silang walang saplot ng kaniyang nobyo na nakatalikod pa rin sa kaniya.

'Ibig sabihin...' saglit siyang natigilan nang maisip na maaaring may nangyari na sa kanila kagabi. Ngunit sa halip na magalit ay gumuhit pa ang tipid na ngiti sa kaniyang labi sa pag-aakalang ang lalaking mahal niya ang nakauna sa kaniya. Si Vince.

Umusad pa siya para lumapit nang husto at saka niya ito niyakap. Wala man lamang siyang naramdaman na pagsisisi sa kaniyang pagsuway sa ina at pagsama sa kaniyang nobyo. Dahil para sa kaniya ay ito ang pinakamainam na desisyong gagawin niya sa buhay.

Ayaw niyang maikasal sa lalaking hindi niya mahal at makulong sa isang relasyon na alam niyang sisira lamang sa kaniyang kaligayahan.

Ano ngayon kung walang kaya sa buhay ang lalaking sinamahan niya? Ang mahalaga ay masaya sila. Nangako naman ito sa kaniya na magtatrabaho at hindi siya pababayaan kapag nagsasama na sila. Sapat na ang bagay na iyon para sa dalaga kaya nagdesisyon siyang makipagtanan dito.

"Hmmm..." Bumitaw si Stephanie nang bahagyang kumislot ang kaniyang nobyo. Bumiling ito paharap sa kaniya at nagtataka siya nitong tiningnan. "Babe?" 

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon