KEYCEE'S POV
Kahit naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya ay hindi ko nagawang gumanti ng halik dahil ang malakas na pagkabog pa rin ng dibdib ko ang nangingibabaw sa 'kin. Pinilit ko 'yon pigilan, kinakalma ko ang sarili ko para magawa kong gumanti ng halik sa kaniya. Pero bago ko pa man magawa ay bigla na siyang tumigil. Inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin. Dahan-dahan ko namang idinilat ang mga mata ko at agad siyang napayuko nang maabutan ko siyang nakatitig. Tila bigla siyang nahiya.
"Let's go. Lalamigin ka." Hindi niya alam kung hahawakan niya ba ako sa braso para alalayang makaahon sa pool. Atras-abante ang kamay niya na parang gusto niya akong hawakan pero pinigilan niya. Bigla kasi kaming naging awkward sa isa't-isa. "You go first..." Bahagya siyang lumayo sa akin para paunahin ako. May sementong hagdan naman sa isang sulok kaya mabilis akong nakaahon.
Nang pareho na kaming wala sa tubig, agad kong napansin ang suot kong blouse dahil halos nakabakat na ang dibdib ko. Wala kasi akong suot na bra—nipple pad lang—kaya agad kong pinagkrus ang mga kamay ko sa chest ko lalo pa at napansin kong tinapunan ni Ace 'yon ng tingin.
Simula kasi kahapon ay napansin kong humigpit ang mga bra ko at para akong nasasakal, kaya pansamantala ay nipple pad ang ginamit ko para hindi bumakat ang dapat bumakat.
Agad naman nag-iwas ng tingin si Ace nang sulyapan ko siya at makita kong nakatingin din siya sa mga kamay kong nakatakip sa dibdib ko.
"P-Pasok na 'ko..." Nahihiya akong humakbang at nilagpasan siya. Pero ilang sandali pa lang ay naramdaman ko na rin ang pagsunod niya sa 'kin.
Bahagya ko siyang nilingon, isang metro ang pagitan namin at para bang nahihiya siyang dumikit. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay at makaakyat sa hagdan ay hindi niya tinangka na lumapit nang husto. Nasa unahan ako at nasa hulian naman siya. Daig pa namin ang sumusunod sa social distancing.
At noong nadaanan ko ang pinto ng kwarto niya ay bahagya akong nailang. Nag-isip pa ako kung dapat ba akong huminto ro'n para makasama siya o didiretso na lang sa isang pinto—sa kwarto ko.
"Kumain ka na?" Nakahawak na 'ko sa doorknob, ready na sana akong pumasok pero napahinto pa ako sa tanong niya. Naroon siya sa tapat ng kwarto niya—papasok na rin sana.
"Hindi pa..." baling ko sa kaniya. Mahina ang boses ko pero alam kong narinig niya ako.
"Magbihis ka agad para makakain ka na. After one hour, ako naman." Matapos niyang sabihin 'yon ay agad na siyang pumasok sa kwarto niya. Narinig ko pa ang pag-lock niya ro'n na bahagya kong ikinalungkot.
Oo, may kaba pa rin sa dibdib ko. Pero sinubukan ko naman nang iparamdam sa kaniya kanina sa pool na hindi na ako lalayo. Kaya nga niyakap ko siya kahit na gusto kong bumitaw. Pero bakit ngayon siya naman ang parang lumalayo sa 'kin?
Sana makita n'ya ang ginawa kong schedule.
Pumasok na rin ako sa kwarto ko at agad dumiretso sa banyo para mag-shower, tutal ay basa na rin naman ako. Pagkatapos ay agad akong nagbihis. Pinili ko 'yong isa sa mga night gown na binili niya para sa 'kin. Kulay cream, spaghetti strap at hanggang kalahati lang ng hita. Bahagya rin akong nag-ayos para kahit papaano ay maagaw ko ang atensyon niya mamaya.
Gusto kong subukan na sabayan siya sa pagkain kaya sinadya kong hindi lumabas agad sa kwarto ko. Nagpalipas muna ako ng isang oras. Sinadya ko rin buksan nang bahagya ang pinto para marinig ko kapag lumabas na siya.
Ilang sandali pa, nang marinig ko na ang pagbukas at pagsara niya sa pinto, pati na rin ang footsteps niya ay agad na akong tumayo. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin para siguraduhin na hindi ako katanggi-tanggi sa paningin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/6305381-288-k498893.jpg)
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...