Chapter 43 - You Are My Life

31.3K 680 36
                                    

ACE'S POV

I was walking downstairs when I saw her, coming out of her room. Mukhang kaliligo niya lang dahil basa pa ang buhok niya.

"Good morning," I smiled at her, as sweetly as possible.

"Good morning din," she greeted back. Masaya ako dahil alam kong hindi magtatagal at babalik na rin siya sa 'kin.

"Anong gusto mong kainin? We're out of stockts kaya magpapa-deliver na lang ako." She went straight to the refrigerator, grabbing a box of fresh milk.

"Pancake." Kahit na tipid lang siyang magsalita, masaya pa rin ako dahil kinakausap na niya na 'ko at sumasagot na siya sa mga tanong ko. Kinuha ko 'yong cellphone ko para makapagpa-deliver na 'ko agad. Gutom na rin kasi ako. Pagkatapos niya namang uminom ng gatas, bumaling siya sa 'kin. "Ace," he looked up at me, "bakit parang hindi ka nagulat noong nagkita tayo sa restaurant at narinig mong tinawag akong Keycee ni Ryan?" she asked, curious.

I walked towards her and hold her hand, both. "Do you think I would hug and kiss you in my office if you weren't her?" Kumunot ang noo niya. "I don't kiss and hug someone who isn't my wife." Napalunok siya sa sinabi ko at biglang namula ang mukha niya. She's blushing and I find it cute. "I did it because I already know the truth. I'm sorry, I didn't tell you. I just want you to act normal and be comfortable so I pretend na hindi ko pa alam."

He looked up at me again. "Sino'ng nagsabi sa'yo?"

"Hindi na mahalaga 'yon. Ang importante nalaman kong ikaw ang asawa ko." Hindi agad siya nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa 'kin, sa mata ko.

"Uh...Ace.," she started. Nakatayo pa rin kami at magkaharap. "P-paano kung...kung maisip ko na...hindi na bumalik sa'yo?"

Nalungkot at natakot ako sa sinabi niya. Paano nga ba? Siguro hindi ko kakayanin. "Don't say that. Akala ko ba bigyan lang kita ng panahon para makapag-isip?" Hinawakan ko 'yong pisngi niya at hinaplos 'yon using my thumb finger. "I'll give you the time you needed, so don't say that again, okay?" Binitawan ko na siya at ako naman ang pumunta sa harap ng refigerator para kumuha ng maiinom. Pakiramdam ko kasi nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niyang hindi na siya babalik.

"Ace..." she turned to me.

"Hindi ko kaya," sagot ko agad sa kaniya pagbaba ko nang baso. "Hindi ko kakayanin, Keycee." I turned to her and met her gaze. "Isang taon akong nabuhay pero para rin akong patay. Do you know what I mean? Para kong pasyente na naka life support na lang. Humihinga 'ko dahil sa life support pero walang kwenta ang paghinga ko dahil wala na ang buhay ko. Dahil wala ka na sa 'kin. Napakahirap." I put the glass down and took a step forward so we could face each other closer. "Keycee, you are my life at hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa 'kin. Oo, sabihin mo nang mahina akong lalaki, na duwag ako, pero dahil 'yon sayo. I never thought I would be like this because of you." Pumatak na naman 'yong luha niya. "Don't cry. I don't wanna see you like this." I pulled her closer and hugged her tightly, rubbing her back so she could feel better.

KEYCEE'S POV

Noong dumating na 'yong pina-deliver ni Ace na pagkain, agad niya 'yon inayos para makakain kami. Nagreklamo pa ako dahil marami siyang inorder, samantalang pancake lang naman ang ni-request ko.

"Para may lunch na rin tayo mamaya," sabi niya sabay ngiti. Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita. Ilang sandali pa, biglang tumunog 'yong cell phone ko na nakapatong sa mesa. Tinitigan ko lang 'yon dahil nakita kong si mama ang tumatawag. "Sino 'yan?" baling ni Ace sa 'kin. Napansin niya sigurong wala akong balak sagutin 'yon.

"Si mama," I simply said.

"Answer it, baka importante."

Bumuntong-hininga ako bago ko sundin si Ace. Hindi na 'ko tumayo sa upuan ko para lumayo.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon