Chapter 12. Bad Deal

20.2K 536 40
                                    

KEYCEE's POV

Sabay kaming nagising ni Ace—no, medyo nauna pala siya. Ang sabi niya tinitigan niya lang daw ako habang natutulog ako. Oh, 'di ba parang hindi kapani-paniwala.

Sabay din kaming nag-almusal, medyo gulat pa nga si Yaya Miranda dahil kakaiba raw ang kilos ni Ace ngayon. Hindi raw katulad dati na pati siya ay ramdam ang pagiging cold sa 'kin ni Ace, at syempre, natutuwa naman si yaya.

Sinabay na rin niya ako papasok sa school. Sana nga totoo na 'to at hindi panaginip. Sana maging ganito na lagi siya araw-araw at hindi na siya maging istrikto katulad dat—

"Baba na," he snapped me out of my thought.

Lumingon ako sa kaniya nang nagtataka. "Ha?"

"Sabi ko, baba na."

Wait? Pinapababa niya ba talaga 'ko? Pero akala ko ba okay na kami?

"Where are we anyway?" tanong niya sa 'kin. Napansin niya siguro ang pagsimangot ko.

"Malapit sa school," mahina kong sagot.

"Yeah, that's why I told you to get out, unless you want them to see us getting out of my car together," he replied, not leaving my gaze.

"Ibig sabihin dito sa school back to dati ulit tayo?"

"Gano'n nga, Miss Dela Vega," seryoso niyang sagot.

I huffed. "Fine! Sir Lee!" I said and immediately got out, closing the door hardly. "Kung 'di ka lang g'wapo, hmf!" Inangat ko pa ang kamao o para ambangan ng suntok si Ace kahit malayo na 'yong kotse niya.

***

After break time, tumambay muna kami nila Ryza at Christia sa tapat ng gym. Malapit na kasi ang P.E time namin. Ang problema hindi ko pa dala ang P.E uniform ko kaya hindi ko alam kung makakapasok ba ako mamaya. Sobrang sungit pa naman ng bakla naming teacher sa P.E.

"Omg!" sigaw ni Ryza after kong haplusin ang mukha ko. May tubig kasi na bigla na lang tumapon sa 'kin. Tiningnan ko 'yong mga bata sa likod ko at sa tingin ko sila ang may gawa no'n. Mga elementary sila.

"Sorry po ate, hindi po namin sinasadya," sabi ng isang bata. E, ano pa nga ba ang magagawa ko? Mukhang hindi naman nga nila sinadya. Pero bakit sa 'kin pa tumapon 'yong tubig na nakalagay sa timba nila? Bakit hindi na lang kay Ryza o Christia? Pambihira naman! Wala na nga akong pamalit na P.E tapos nabasa pa 'yong uniform ko?

"Okay lang, sige na bumalik na kayo sa klase n'yo," sagot ko sa kanila at saka ako ngumiti. Umalis na sila agad, 'yong dalawang kaibigan ko naman nakatingin lang sa 'kin.

"Para kang basing sisiw, bes! Sige na magpalit ka na sa cr, bilis!" Halos ipagtulakan pa 'ko ni Ryza. Hindi ba nila naisip na wala akong dalang P.E uniform? Paano naman kaya ako makakapagpalit? Nakakahiya pa tuloy ang itsura ko.

Sino kaya ang p'wede kong utusan para kumuha ng P.E uniform ko sa bahay? Hindi ko naman p'wedeng utusan si Yaya Miranda na pumunta rito dahil busy siya. Hindi rin p'wede si Ace dahil may klase pa siya nang ganitong oras. Ano na'ng gagawin ko? Pinagtitinginan pa 'ko ng ibang estudyante dahil sa itsura ko.

Teka. E, kung doon kaya muna 'ko sa office ni Ace? Wala naman ibang tao ro'n dahil nagkaklase pa siya.

Tama! Do'n na lang muna 'ko.

***

'Wag na kayong magtaka kung bakit ako nakapasok. HAH! Malakas yata ako kay manong guard. Wala pa naman si Ace kaya p'wede muna 'kong magtanggal ng damit, papatuyuin ko muna 'yong uniform ko.

Pumunta 'ko sa secret room ni Ace at kumuha ng hanger. Ini-hanger ko 'yong blouse ko, tumapat ako ro'n at hinipan para mas mabilis matuyo. Kaso mukha lang akong tanga sa ginagawa ko kaya kumuha na lang ako ng folder na mukhang hindi ginagamit para gawing pamaypay.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon