Chapter 87. Revenge

6.2K 136 3
                                    

KEYCEE'S POV

"Oh, hija? Bakit kayo lang? Nasaan ang asawa mo?" bungad sa amin ni Yaya Miranda matapos niya kaming pagbuksan ng pintuan ni Ryan. Alas nuebe na ng gabi at sa kaniya ako sumabay pauwi. Ni hindi ako nagsabi kay Ace dahil sa sobrang inis ko.

"Ewan ko po ro'n. Wala po akong pakialam sa kaniya. Kahit hindi s'ya umuwi ngayong gabi, makakatulog naman po ako nang mahimbing, naghihilik pa." Nagsalubong ang kilay ni yaya sa naging sagot ko. "Ya, nagugutom po ako. May pagkain po ba tayo?"

"Mayro'n. Halina kayo, maghahain na ako." Nauna siyang naglakad papunta sa kusina at bumuntot naman kaming dalawa ni Ryan.

Matapos maghain ni Yaya, muli siyang nagtanong tungkol kay Ace, kung bakit daw hindi namin ito kasabay. Si Ryan naman ang sumagot dahil alam niyang wala akong balak pag-usapan ang taong 'yon. Sinabi niya kay Yaya na baka pauwi na rin daw ito. Nang makumbinsi si Yaya ay nagpaalam na siya sa amin at tumungo na sa kaniyang kwarto para magpahinga tutal ay kumain naman na raw siya. Binilin pa niyang iwan na lang namin sa sink ang pinagkainan, bukas niya huhugasan, pero sinabi kong si Ryan na ang bahala ro'n.

"Lagot talaga ako nito kay Kuya Asyong..." napapailing niyang sabi habang diretso ang tingin sa akin. Magkaharap kami sa mesa at nagsisimula ng kumain.

"Kumalma ka, Ryan. Hindi 'yon magagalit! Ako'ng bahala."

"Ikaw bahala, ako kawawa?" Kumunot pa ang noo niya. Ang totoo kasi, noong tinawagan ko siya para sabihin na sa kaniya ako sasabay— nagdalawang isip siya. Baka raw kasi malintikan siya sa pinsan niya kapag nalaman na isinakay niya ako lalo na raw at hindi ako nagpaalam. Sinubukan ko naman siyang dramahan at sinabi kong magco-commute na lang ako pauwi kung ayaw niya. Kaya hayun, napilitan din siyang isabay ako kahit labag talaga sa kalooban niya. Ayaw niya kasi akong bumiyahe mag-isa dahil delikado raw. "Malakas ang pakiramdam ko na pauwi na 'yon. Malapit na."

"Wala. Malayo pa 'yon. Baka nga hinihintay pa rin ako no'n sa opisina n'ya. Tutubuan na s'ya ng ugat do'n, pustahan!" Humalakhak pa ako nang bahagya bago muling isubo ang pagkain sa hawak kong kutsara.

"Feeling ko narito na s'ya. Nararamdaman ko na ang espiritu n'ya, masyadong malakas. Parang hindi kaya ng powers ko," seryoso niyang sabi habang ako naman ay nakayuko pa rin sa plato ko, abala sa paghiwa ng pork belly. Bakit ba masyado siyang nag-aalala? Hindi naman siya p*patayin ng pinsan niya.

"Ace, kung totoong narito ka pakigalaw nga ang baso," nangingiti kong sabi sabay subo sa karneng nakatusok sa tinidor. Natigilan naman ako sa pagnguya nang bigla ngang umangat ang baso ng inumin ko na nasa gilid ko lamang. At nang lingunin ko kung sino ang kumuha no'n, bahagya akong napatulala. Si Ace, nakatayo sa bandang likuran ko. Bakit ang bilis n'ya?!

"Are you happy?" sarkastiko niyang tanong sa 'kin matapos niyang tunggain ang tubig ko at ibinaba nang wala na 'yon laman. Bakit hindi ko namalayan na dumating siya? Sabagay, nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko siya nakitang pumasok sa kusina. Si Ryan ang nakakita kaya siguro nasabi niyang ramdam niyang narito na ito. "Hindi mo man lang ako nireplayan. Do you know how much I've waited for you?" Salubong ang kilay niya, bahagya rin namumula ang mukha na palagay ko ay dahil din sa inis.

"Do you know how much my legs hurt?" I shot back. Tinaasan ko siya ng kilay at saka ako tumayo sa upuan ko para harapin siya. Bigla rin kasing bumalik ang pagka-badtrip ko nang maalala ko ang pagpapatayo niya sa akin kanina sa room. Hanggang ngayon nga ay ramdam ko pa rin ang sakit ng binti ko!

"I know and I'm sor—"

"Tapos na 'ko," baling ko kay Ryan na ngayon ay pinaglipat-lipat ang tingin sa aming mag-asawa. Hindi ko na siya hinintay makasagot, napilitan na akong tumalikod at humakbang palabas sa kusina dahil kumukulo ang dugo ko sa pinsan niyang nagngangalang Asyong!

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon