Chapter 37 - Come Back To Me

35.1K 746 119
                                    

KEYCEE'S POV

Tahimik lang si Ace habang nagmamaneho pabalik sa apartment. Gano'n rin ako, hindi ako kumikibo dahil busy ako sa pag-iisip kung paanong gagawin ko sa carrots mamaya para hindi niya makain. Mahahalata naman kasi niya ako kapag hindi ko isinama 'yon sa iluluto ko.

"So, you can cook?" baling sa 'kin ni Ace nang mapansin niyang tahimik ako. 'Yon pa ang isang pinoproblema ko, hindi talaga ako marunong magluto, nagmagaling lang ako kanina kasi alam niyang di naman marunong magluto si Keycee.

"Hmm," I hummed as a response, without looking at him. Medyo kinakabahan na 'ko. Paanong luto ba ang gagawin ko? Naturingan akong HRM pero hindi ako marunong magluto. Well, marunong naman basta may katabi akong recipe na may procedure. Pero sabagay, may internet naman. Magse-search na lang ako. Kaso paano 'yong carrots? B'wisit na carrot 'yan! Ipapahamak pa yata ako!

Pagdating namin sa apartment nagtulong na kaming ibaba 'yong mga pinamili namin at ipinasok sa loob. S'yempre si Ace ang nagbayad using his black card.

Inayos ko muna 'yong mga dapat ilagay sa refrigerator para makapag simula na 'ko, habang si Ace ay nakaupo sa mesa at pinapanood bawat kilos ko.

"You need help?" Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa 'kin.

"No. I can do this alone." Tiningnan ko siya at mukhang wala siyang balak umalis sa kusina. "Hindi ka ba aakyat sa taas?"

"No. I'd love to watch you cook." Seryoso ang mukha niya, ni hindi man lang siya ngumiti.

"Pero mas masarap ako-"

"I know." Natameme ako at napalunok nang putulin niya 'yong sasabihin ko.

"Mas masarap akong magluto kapag walang nakakakita," I repeat. Hindi man lang niya kasi ako pinatapos, nag-iba tuloy 'yong meaning ng sinabi ko. Parang minamanyak niya 'ko nang very light. Bigla naman s'yang natawa nang bahagya.

"Okay, I'll go upstairs, tawagin mo na lang ako kapag pakakainin mo na 'ko." Ngumisi siya bago umalis.

Kapag pakakainin ko na s'ya? Eh, kung pakainin ko kaya siya nang maraming carrots?

Nagsimula na 'kong mag-search ng recipe ng menudo. Binasa ko lang 'yon saglit 'tsaka ko na hinugasan 'yong baboy. Kumuha ako ng chopping board at kutsilyo para simulan na ang pag murder sa kaniya. Hiniwa-hiwa ko na 'yon sa tamang size at hindi ko alam kung tama ba 'yong pinaggagawa ko. Sunod kong kinuha 'yong carrots sa brown na paper bag at parang bola kong shinoot sa basurahan. Pero agad din akong napatakbo do'n para kunin 'yon nang maalala kong isasama nga pala 'yon sa menudo.

Nang mahugasan ko 'yong carrots ay agad ko na 'yon binalatan at hiniwa. Pagkatapos kong igayak lahat ng kailangan ko ay nagsimula na 'ko sa pagluluto.

***

Nang matapos akong magluto ay kusang sumulpot si Ace sa kusina, kahit na hindi ko pa naman siya tinatawag. Nagtaka pa 'ko dahil ang bilis niya. Hindi ko tuloy alam kung umakyat ba talaga siya kanina o hindi at nagtago lang para panoorin ako.

Pareho kaming nakatingin sa niluto ko na ngayon ay nakahain na sa mesa, at pinagmamasdan 'yon. "Akala ko ba marunong kang magluto?" baling niya sa 'kin.

Napangiti naman ako. "Oo nga. HRM ako, 'di ba?"

"Bakit ganito? Patingin nga ng recipe mo?" Inilabas ko agad 'yong cell phone ko at ipinakita sa kaniya 'yong pinaggayahan ko. "Bakit magkaiba ang itsura? Parang mas masarap 'yong nasa picture. Maputla 'yong luto mo."

Parang nagpanting ang pandinig ko sa sinabi niya. "Paanong hindi sasarap 'yan, naka photoshop 'yan! Tingnan mo nga 'yong itsura, halatang may filter!" inis kong sabi. Laitin ba 'yong luto ko? Sinunod ko naman 'yong nasa recipe pero hindi pa rin talaga sila naging magkamukha. "Kung ayaw mong kainin 'yang luto ko, 'yang nasa picture ang kainin mo. Nguyain mo 'yang cell phone ko nang mabusog ka!" Inis akong umupo at nagsimula ng kumain. Natatawa naman siyang sumunod at umupo na rin.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon