Chapter 143

5K 81 2
                                    

THIRD PERSON POV

Mula sa pagkakahiga sa kama ay wala sa sariling nakatitig si Carlo sa kisame habang inaalala ang nangyari bago ang aksidente. Batid niya na si Stephanie ang mapapahamak noong mga oras na iyon kaya sinubukan niyang gumawa ng paraan upang walang masamang mangyari sa kaniyang mag-ina.

Oo. Alam niya na buntis si Stephanie dahil minsan niya itong pinasundan at doon niya nalaman na sa OB Gyne ito nagpunta. Alam niya rin na siya muli ang ama ng dinadala nito ngunit nagkunwari siyang walang alam sapagkat hinihintay niya na ito mismo ang magsabi sa kaniya.

Ngunit sa pakiwari niya ay wala sa plano ni Stephanie na ipaalam sa kaniya ang totoo. At lalo niya iyon nakumpirma noong tumakas ito sa hotel at nagpunta sa kanilang villa.

Batid niya na ang katotohanang natuklasan nito ang nagtulak kay Stephanie upang lalong lumayo. At hindi niya ito magawang sisihin dahil naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Pinagsamantalahan niya ito noon at ipinapatay ang kaniyang asawa. At alam niya na hindi lamang basta galit, kun'di poot ang nakatanim sa dibdib ni Stephanie dahil sa nangyari.

Kaya kinabukasan matapos ang aksidente— noong nalaman niyang umalis ito ng bansa ay hindi na siya nakialam pa. Ngunit batid niyang hindi siya matatahimik lalo na at may dinadala ito sa sinapupunan. Kaya't upang maging panatag ang kaniyang isip ay gumawa siya ng paraan upang mabantayan ito, ngunit sa ibang paraan.

Saka na lamang siguro niya ito kauusapin kapag lumipas na ang galit nito sa kaniya. Wala man kasiguraduhan kung kailan, ngunit maghihintay siya sa araw na iyon.

Muli siyang bumalik sa ulirat nang tumunog ang kaniyang cell phone, nakapatong iyon sa side table. Sinikap niyang tumayo upang sagutin ang tawag na mula sa kaniyang ama.

"Ikaw ba ang nasa likod ng pagkamatay ni Vince Dela Vega?" bungad nito sa kaniya na siya niyang ikinagulat. Napalunok siya at hindi agad nakakibo. Paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon gayong napaka-confidential nito at tanging sila lamang ng kaniyang pinagkakatiwalaang tauhan ang nakakaalam? "Carlo, are you there? I'm asking you!"

Pumikit ito nang mariin at nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga bago sagutin ang kaniyang ama. "Yes. Ako nga. Ako ang nagpapatay kay Vince."

"Bakit mo ginawa 'yon?! He's your &^%$*#"

"Bakit?" Isang pamilyar na boses ang kaniyang narinig na naging dahilan din para hindi na niya matapos pang pakinggan ang kaniyang ama na nanggagalaiti sa kabilang linya. Ipinihit niya ang sarili at nilingon ang gawing pintuan. Doon ay nakita niya ang kaniyang anak na si Keycee—masama ang tingin nito sa kaniya at bahagya pang nanggigilid ang mga luha.

KEYCEE's POV

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko palapit sa lalaking dahilan ng pagkamatay ng papa ko. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko pati laman. Dahil ngayong lumabas na mismo sa bibig niya na siya ang nagpapatay kay papa ay mas lalong kumulo ang dugo ko. Na para bang gusto ko siyang saktan. Parang gusto ko siyang gantihan sa ginawa niya.

"K-Keycee...anak..."

Nagsalubong ang kilay ko sa itinawag niya sa 'kin. Anak? Masarap sa pakiramdam ang tawagin kang anak, pero bakit noong sa bibig niya na iyon lumabas—bigla akong nainis? Ang sakit sa tainga. Nakakasuka.

"Bakit mo 'yon nagawa kay papa? Ano'ng kasalanan n'ya sa'yo at kailangan buhay n'ya ang kuhanin mo!" Hindi ko napigilan ang boses ko. Halos um-echo 'yon sa buong kwarto, tila nakalimutan kong nagdadalang-tao ako dahil sa galit. Maging ang mga luha ko ay nagbabadya na rin, ngunit nananatili ang tingin ko sa kaniya.

Nag-attempt siyang humakbang palapit sa 'kin pero agad din siyang tumigil dahil umatras ako palayo. "Anak..."

"H'wag mo 'kong ma-anak-anak! Hindi mo 'ko anak!" Umiling ako nang paulit-ulit. "Ang bait-bait ng papa ko...b-bakit mo 'yon nagawa sa kan'ya?" Sinubukan niyang ibuka ang bibig para sana sumagot ngunit wala namang lumabas doon dahil parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung paano magsisimula. "Ano? Bakit ayaw mong sumagot?!"

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon