RHIAN'S POV
Dalawang taon?
Nag-init na naman ang mga mata ko nang maisip ang sinabi ni Zen na dalawang taon na raw ang lumipas, pero sa 'kin ay para bang saglit lang. Linggo... buwan... gano'n lang ang pakiramdam ko na tagal nang pagtulog ko. And waking up was kind of like emerging from deep waters. It took me a few days to actually be fully aware. Before that, it felt like time was skipping at random. The last proper memory I had was being surrounded by doctors on a table with insanely bright high-powered lights pointed at me. I was sweating from the heat of them but still felt like I was freezing, because of all the blood I'd lost.
Then I remember a doctor cauterizing my nose to stop the blood coming from there and even through all the pain of my body trying to tear itself apart, having a white-hot chunk of whatever shoved into my nose was still enough to make me scream.
After that I was out for, I don't know how long, but just like what Zen told me... two years.
And the worst memory was when I was still in a coma and I could feel people hold my hand and I could feel the nurses bathing me, but I couldn't move or open my eyes, I just couldn't do anything, and it was terrifying!
I could feel the nurses washing my hair and body, and I just wanted to wake up because I felt violated. Pero kahit ano'ng pilit ko at pagsisikap ko, hindi ko magawa.
There was also a time na habang nakapikit ako, nakakarinig ako ng iba't-ibang mga boses na hindi ko maintindihan ang sinasabi. Para akong nasa ibang bansa na iba ang lenggwahe at sobrang nakakatakot dahil pakiramdam ko ay may gagawin sila sa 'kin na masama. Pakiramdam ko ikinulong ako sa isang lugar na madilim, walang kahit isang liwanag at itinali ako para hindi makawala o makatakas. It was scary as hell. Even now, natatakot pa rin ako sa tuwing maaalala ko 'yon.
Nabaling ko ang tingin sa picture frame na nasa bedside table habang nakaupo ako sa gilid ng kama. It was me, Ace and the other guy na Zen ang pangalan. Hindi ko pa siya masyadong maalala dahil parang blurry pa ang mga bagay-bagay sa isip ko. Pero ang pangalan niya ay parang pamilyar nga.
"Rhian, anak..." Lumingon ako sa pinto nang bumukas 'yon, kasunod ang pagpasok si mommy. Kahit papaano ay nakilala ko na sila ni daddy kaya nabawasan na ang lungkot sa mukha nila, hindi katulad noong unang beses akong nagising na talagang hindi ko sila nakilala.
"Bakit po?" Lumapit siya sa 'kin at nakangiting hinaplos ang buhok ko.
"Hindi makakadalaw si Ace ngayon. Bukas na lang daw pagkatapos ng klase." Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Lalong bumigat ang pakiramdam sa dibdib ko. Nalungkot at nasaktan ako oo, pero pinilit kong ngumiti nang bahagya kay mommy.
"Ayos lang po. Bukas na lang. Pagod na rin ako, gusto ko nang magpahinga." Hindi ko na siya nahintay pang makasagot, agad akong humakbang palapit sa kama at saka na ako nahiga, patalikod para hindi niya makita ang umaagos kong luha. Hindi ako ayos. Hindi. Masakit.
Hindi naman siya ganito sa 'kin. Parang kahapon o noong nakaraang linggo lang ay halos magkandarapa pa siya sa pagpunta sa 'kin sa tuwing sasabihin kong kailangan ko siya. Minsan pa nga, kahit hindi ko siya tawagan ay kusa niya akong pinupuntahan. Sinanay niya ako nang gano'n. Sinanay niya ako na palagi siyang nasa tabi ko. Pero ngayon, kung kailan kailangan na kailangan ko siya...doon pa niya ayaw dumating.
Pakiramdam ko natulog lang ako at paggising ko... biglang...wala na akong halaga.
Hindi bale. Kung ayaw niya akong puntahan...p'wede naman siguro na ako na lang ang magpunta sa kaniya.
ACE'S POV
Namumula pa rin ang mga mata ni Keycee dahil iniyakan niya ako kanina noong pilit ko siyang ginising kahit antok na antok pa siya. Apat na oras kasi ang biyahe namin at kung hindi ko siya pipilitin bumangon, pareho kaming mahuhuli. Alas sais na ngayon at dapat before 11:00 AM ay naroon na kami. Sana lang ay walang traffic.
![](https://img.wattpad.com/cover/6305381-288-k498893.jpg)
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...