Chapter 69. Awake

9.5K 249 13
                                    

KEYCEE'S POV

NAKAUNAN ako sa isang braso ni Ace habang magkayakap kami sa ilalim ng kumot. Sobrang sweet niya sa 'kin dahil pagkatapos namin maligo kanina, after ng love making session namin, siya pa ang nagpatuyo ng buhok ko gamit ang hair dryer.

Humingi rin ulit siya ng tawad kanina at ipinaliwanag niya na plano niya lang daw sana talaga na subukan ako kaya niya nasabi 'yong tungkol sa bartender. Hindi rin daw totoo na uuwi na kami. Sinabi niya lang daw 'yon dahil nainis siyang hindi natuloy ang proposal niya dahil sa pagkukunwari kong nalunok ang singsing. At kahit hindi ko pa man tinatanong kung sino ang kausap niya no'n sa phone, binanggit na niya agad sa 'kin. Si Julian daw, 'yong kaibigan niya. Gusto raw nitong ibenta sa kaniya ang halos kabibili lang na sasakyan noong isang buwan dahil bibili na naman daw ng bago.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa baywang ko, tila ayaw na niya akong pakawalan. Yumakap na lang din ako sa kaniya at isinandal ang pisngi ko sa dibdib niya sabay pikit.

Sobra na ang antok ko dahil sa pagod. Para akong nalumpo dahil akala ko pagkatapos kong gumiling sa kaniya ay tapos na, 'yon pala hindi pa. Kaya minsan 'yong simpleng halik sa labi, masama rin, dahil may pupuntahan at pupuntahan talaga 'yon.

"Wifey..." Kasabay ng mahina niyang pagtawag sa 'kin, hinagod niya nang dahan-dahan ang likod ko na lalong humahatak sa antok ko. Para akong hinehele. Idagdag pa ang mabango niyang amoy.

"Mmm?" Nanatili akong nakapikit at nakayakap sa kaniya.

"Would you mind telling me the reason why you acted like that?" Hindi ako nakakibo sa tanong niya. Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Paano kung magdulot lang 'yon ng galit sa sarili niya kapag nalaman niyang na-trauma ako sa nangyari sa amin noong araw na nalaman niya ang tungkol sa mommy niya?

Yumakap ako sa kaniya nang mas mahigpit pa at mas lalo kong ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. "It's nothing, hubby. Huwag mo na 'yon intindihin."

Agad niyang hinawakan ang braso ko at inilayo ako sa kaniya. Pinagmasdan niya ang mukha ko habang salubong ang kilay.

"Nothing? Hindi ako naniniwala, wifey. Tell me the truth. Tell me what happened." Seryoso niya akong tiningnan kaya napabuntong-hininga ako. Siguro nga kailangan ko rin sabihin 'to sa kaniya para maging aware siya.

Umayos ako sa pagkakahiga, patihaya, sa kisame ako nakatingin. Ilang sandali rin akong nag-isip bago ko sabihin sa kaniya ang totoo. Kung paano ko naalala ang nangyari noong araw na 'yon. Ipinaliwanag ko rin sa kaniya na hindi ito ang unang beses na nagkagano'n ako. Kahit noong magkasama pa kami mama, ilang buwan pa lang matapos ang operasyon ko, sa tuwing makakarinig ako ng mga kalabog o sigawan na parang may nag-aaway, nanginginig na ang buong katawan ko at nakakaramdam na 'ko nang malakas na pagtahip ng dibdib dahil sa nerbyos.

Pagkatapos kong sabihin 'yon sa kaniya, agad siyang natahimik at matagal na hindi kumibo. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin at umayos rin ng higa. Pareho na kaming nakatihaya at nakatutok ang mga mata sa kisame. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kaniya, nahalata ko agad na malungkot siya. 'Yong mata niya parang ibig magluha.

"Hubby..." Bumiling ako at yumakap muli sa kaniya. "Huwag mo na 'yon isipin. Okay na 'ko."

"You're not, wifey." Binaling niya rin ang tingin sa 'kin. "You're not okay. It's not okay. You have trauma and it's because of me. It's my damn fault. It's my f*cking fault..." Naging malamlam ang mga mata niya at bahagya 'yon namumula. Halatang nagpipigil siya ng luha. "I'm sorry, wifey. Hindi ko alam na gano'n ang magiging impact sa'yo ng nangyari noon. I'm really sorry." Bumaling siya muli sa 'kin at ginantihan ako ng yakap, mas mahigpit kaysa sa yakap ko sa kaniya. "I promise, I won't do anything that might remind you of that day."

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon