Chapter 142

14.6K 282 1
                                    

KEYCEE's POV

Hawak ko ang litratong ibinigay ni Rhian habang papasok ako sa loob ng bahay namin ni mama. Kunot ang noo ko na pinagmasdan iyon oras na makaupo ako sa sofa.

Paano 'to naging pagmamay-ari ni Ace?

Naisipan kong kuhanin ang cell phone ko para tawagan siya at tanungin, pero line busy naman.

"Akala ko ba kukuha ka ng gamit? Bakit nakaupo ka pa d'yan?" Tumabi sa 'kin si Jezza at inagaw sa kamay ko ang hawak kong litrato. "Ikaw 'to?"

Agad akong tumango. "Oo."

"Ang cutie pie mo naman dito. Mukhang hindi makabasag pinggan." Napangiti pa siya habang pinagmamasdan iyon.

"Inabot 'yan sa 'kin ni Rhian kanina. Ang sabi n'ya ibigay ko raw kay Ace."

"Bakit daw?"

"Kay Ace raw kasi 'yan. Pagmamay-ari raw ng asawa ko at si Zen pa ang nagpapabigay. Overthink malala tuloy ako kung paano 'to naging sa kan'ya samantalang hindi ko nga maalala na may ganitong picture pala ako. Tingnan mo nga, oh! Hindi ako nakatingin. Mukhang stolen pa 'yan!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at napapailing na tumungo sa kwarto para magsimulang mag-impake ng ilan kong gamit na naiwan dito sa bahay. Naipon kasi 'yon dahil sa tuwing nag-i-stay kami rito ni Ace ay hindi ko naman naiuuwi ang mga gamit ko. "Jezzaaaa! Halika, tulungan mo 'ko!" sigaw ko nang hindi siya sumunod sa akin.

Kaya nga ako nagpasama sa kaniya ay para may makatulong din pero mukhang ako rin yata mag-isa ang kikilos. Hirap pa naman ako dahil nararamdaman ko na ang bigat ng tiyan ko.

"Sandali lang!" tugon niya pabalik kaya napilitan pa ako na hintayin siya.

Ilang sandali lang narinig ko na ang footsteps palapit. Hawak nito ang kaniyang cell phone at busy sa pagta-type. "Sino'ng ka-text mo?"

"Si Marian."

"Oh, ano'ng sabi n'ya?"

"Tinanong ko lang kung kumusta s'ya tapos ang reply n'ya sa 'kin wala raw akong pake! B'wisit talaga 'yon..." Ibinulsa na niya ang cell phone sa likuran ng kaniyang pantalon at saka ako tinulungan sa pagkakarga ng mga damit sa maleta.

"Himala yata na hindi bumuntot sa 'tin ngayon si Marian?" taka kong tanong. Hindi naman kasi siya gano'n. Sa pagkakatanda ko nga ay wala pa kaming lakad na hindi siya kasama. Kahit saan kami magpunta ni Jezza, kasama rin namin si Marian.

"Importante ang lakad n'ya ngayon. Ako nga rin sana may aasikasuhin, eh. Kaso kawawa ka naman kung ikaw lang mag-isa rito lalo na't busy rin si Prof. Lee at Ryan."

"Si Ryan?" Nagsalubong ang kilay ko. "Pa'no mo nalaman busy ang isang 'yon?"

"Obvious naman sa mga story n'ya sa social media."

"Ah. Naka-follow ka ba sa kan'ya?"

"Friends kaya kami, hello!" Tinaasan pa niya ako ng isang kilay. "At saka, famous na si Ryan ngayon. Daming followers sa social media. Nagsimula 'yon noong nag-upload s'ya ng video n'ya na kumakanta." Nagpatuloy pa ang kuwentuhan naming dalawa hanggang sa mapadpad ang usapan namin sa asawa ko. Bigla kasi siyang nagtanong kung kailan ko raw sasagutin si Ace.

"Hindi ko pa alam," tipid kong sagot.

"Pakipot ang peg? Dapat sagutin mo na. Kahit naman kasi mag-asawa na kayo, parang araw-araw ka pa rin n'yang nililigawan, kaya bakit mo pa paghihintayin 'yung tao?"

Agad akong napaisip sa sinabi ni Jezza. May point siya. Ramdam ko naman ang pagmamahal ni Ace sa akin dahil walang araw na hindi niya iyon ipinapakita. Bigla tuloy akong nasabik makauwi para makita siya at ibigay na sa kaniya ang matamis kong oo na pinakahihintay rin niya.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon