Chapter 44. Choices

13.1K 245 26
                                    

STEPHANIE'S POV

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong sa 'kin ni Kuya Edie, driver ko siya noong dalaga pa 'ko at noong nasa poder pa 'ko ni mama. At ngayong nasa mansyon na ulit ako, ipinatawag ulit siya para maging driver ko dahil hindi naman ako marunong mag-drive.

"Ayos lang po." Kumuha ako ng tissue sa tissue box na nasa tabi ko sa loob ng kotse at tinuyo ang luha ko. Hindi ko kasi maiwasang maalala 'yong sinabi sa 'kin ni mama noong isang araw.

Pinapupuntahan niya sa 'kin si Keycee para makapag-ayos kami ng papers palipad sa Amerika kung saan sila kinasal ni Ace, para makapag-file raw si Keycee ng divorce.

*FLASHBACK*

Nakasunod ako sa kaniya habang papunta siya sa balcony.

"Mama naman! 'Wag mo naman gawin 'to sa apo mo. Maawa ka sa kaniya." Alam kong ginagawa niya 'to para maipakasal si Keycee kay Zen, anak ni Mr. Richard Hart. "Hindi mo ba napapansin, ma? Ayaw rin ni Zen na magpakasal! Kaya nga tumakas siya sa kanila kahit na next week pa dapat ang flight nila pauwi rito, 'di ba?" 'Yon kasi ang narinig ko noong kausap niya si Mr. Richard thru video call, na umuwi raw mag-isa ng Pilipinas si Zen nang hindi nila alam dahil ayaw rin nito sa ideya na magpakasal sa hindi naman niya kilala. "Hayaan mo na ang mga bata, ma. Hindi ako papayag na ipakasal mo si Keycee."

"Ayaw mo?" baling niya sa 'kin.

"Alam mo na ang sagot ko d'yan, mama."

"Fine, Stephanie. I will stop this, only if you..." she took a pause, at hindi ko alam kung bigla akong kinabahan. Pero I'm willing to take the risk para lang sa anak ko. "marry Carlo."

Natulala at hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Marry him? Si Carlo? 'Yong dating ipapakasal niya sana sa 'kin? Hindi pa rin ba nakakamove-on si mama sa Carlo na 'yon?

Teka, ibig sabihin...wala pa siyang asawa hanggang ngayon? Pero bakit?

"Ma, naman!" reklamo ko. Kahit wala na ang asawa ko, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Mamili ka, Stephaniie. Ipapakasal ko ang anak mo o ikaw ang magpapakasal?"

*PRESENT*

"Ma'am, nandito na po tayo." Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Edie. Nasa tapat na kami ng apartment na tinutuluyan ni Keycee at Ace.

Hindi naka-lock ang gate kaya naman pumasok na 'ko at dumiretso sa loob. Agad ko namang nakita si Keycee, mukhang kagagaling niya lang sa itaas.

"Keycee, anak..." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Tinitigan niya muna ako. Alam kong nagtataka siya sa ayos ko. Hindi naman kasi ako ganito manamit. Pero dahil sa mansyon na ako nakatira, gusto ni mama na maayos ako. Halos ibinili niya ako ng mga kailangan ko, damit, accessories, bag at kung anu-ano pa. Kahit nga mga bagay na hindi ko kailangan ay binili rin niya.

"Ano po 'yong sinasabi n'yong pag-uusapan natin?" Alam kong may tampo pa rin siya sa 'kin. Nararamdaman ko 'yon kahit hindi niya sabihin.

"Keycee, tatanungin kita." Inabot ko ang magkabilang kamay niya at hinawakan 'yon. "Gusto ko na sagutin mo 'ko nang totoo at buong puso. Dito nakasalalay ang katahimikan nating dalawa, anak." Alam kong hindi niya 'ko maiintindihan pero kailangan kong makuha ang sagot niya ngayon.

"Ma..."

"Keycee anak...mahal mo ba si Ace?"

KEYCEE'S POV

"Anak, alam kong nasaktan ka ni Ace dati. Kaya nga tinatanong kita ngayon. Mahal mo pa ba siya?" seryosong tanong sa 'kin ni mama. Ano bang dapat kong isagot? Mahal ko si Ace. Oo, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Pero bakit walang lumalabas sa bibig ko? Isip ko lang ang sumasagot. "Anak, sagutin mo 'ko." Napansin kong namumula ang mata ni mama. Pero bakit kaya niya tinatanong sa 'kin ang bagay na 'to? Anong dahilan? "Kasi ako anak...mahal na mahal ko ang papa mo...hindi ko siya kayang palitan sa puso ko. Papa mo lang ang nandito." Tinapat niya sa dibdib 'yong kamay niya. Naiiyak tuloy ako. Si mama naman kasi ang lakas maka-impluwensya.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon