Chapter 50 - Parted

27K 608 43
                                    

KEYCEE'S POV

Agad akong bumaba sa sasakyan noong natumba si Ace dahil sa pagsuntok sa kaniya ni Zen. Naupo ako sa harap niya para maging magkapantay kami.

Nang iangat niya ang mukha niya sa 'kin nakita ko 'yong sugat sa gilid ng labi niya, may dugo 'yon. Nag-init ang ulo ko kay Zen kaya nilingon ko siya at tiningnan nang masama.

Binalik ko 'yong tingin ko kay Ace at inalalayan ko siyang makatayo. Kinuha ko rin 'yong panyo sa bulsa ko at dinampian 'yong dugo sa gilid ng labi niya. Habang dinadampian ko 'yon, hinawakan niya 'yong kamay ko, tapat ng pulso, 'tsaka niya ko tiningnan sa mata. Nangugusap 'yong mga mata niya at kahit hindi pa man siya nagsasalita, parang naintindihan ko na agad kung ano'ng gusto niyang iparating sa 'kin.

"Let's go home," mahina niyang sabi. Gusto kong maiyak dahil 'yon nga ang nabasa ko sa mata niya. Para siyang nagmamakaawa na umuwi na 'ko at bumalik sa kaniya. Ngayon ko mas naramdaman 'yong pagsisisi noong iniwan ko siya sa apartment habang tulog siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa desisyon ko na 'yon.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti habang nanggigilid ang mga luha ko. "Mmm. Uuwi na tayo." Napangiti siya dahil sa sinabi ko.

Hindi ko na nilingon si Zen at hinayaan kong akayin ako ni Ace papunta sa sasakyan niya na nakaharang sa harap ng sasakyan ni Zen.

Pero narinig ko rin ang paghakbang at pagsunod niya sa 'min. Natigilan kami pareho ni Ace at napalingon kay Zen nang hilahin niya ang isang kamay ko. Pareho na silang nakahawak sa wrist ko.

"Sa inyo ka uuwi, hindi sa kaniya. Tara na." Hinila niya 'yong kamay ko pero gumamit din ng pwersa si Ace para pigilan ako. Medyo sumakit 'yong buto ko sa braso dahil sa ginawa nilang paghila sa magkabilang kamay ko.

Hinila ko 'yong kamay ko na hawak ni Zen 'tsaka ko siya tiningnan. "Umuwi ka mag-isa. Hindi ako sasama sa'yo!" inis kong sabi sa kaniya at saka ako bumaling kay Ace. "Let's go."

***

Sampong minuto na yata ang lumipas simula no'ng iwanan namin si Zen pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikibo si Ace. Tahimik lang siyang nagda-drive. Kanina pa 'ko sumusulyap sa kaniya at pansin ko na parang may malalim siyang iniisip.

Kaya ba hindi niya 'ko tinatanong?

"Ace," baling ko sa kaniya. Hindi ko na kaya ang katahimikan. Gusto kong humingi ng tawad at magpaliwanag sa kaniya. "I'm sorry."

Nilingon niya rin ako 'tsaka siya ngumiti. "It's okay. Let's talk later when we got home." Lalo akong nakunsensiya sa ngiti niya.

Bakit ang bait niya? Dapat nagagalit siya sa 'kin ngayon. Dapat tinatanong niya 'ko kung bakit ko siya iniwan sa apartment. Dapat tinatanong niya kung bakit sumama 'ko sa ibang lalaki. Pero bakit gano'n 'yong ngiti niya? Hindi pa man kami nag-uusap, hindi pa man ako nagpapaliwanag, pero dito pa lang ramdam ko na ang pang-unawa niya. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin bigla.

"P'wede ba tayong huminto saglit?"

Nilingon niya 'ko at parang bigla siyang nag-alala kaya agad niyang iginilid ang sasakyan at inihinto 'yon sa isang tabi.

Agad kong inilapit ang sarili ko para maabot ko siya at mayakap. Niyakap ko siya nang mahigpit kasabay ng pag-agos ng luha ko dahil nakunsensiya ako sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya.

Agad niya rin akong niyakap. "Ssssh, it's okay. Don't cry." Hinaplos niya 'yong likod ko habang pinapatahan ako. "'Di ba sabi ko sa'yo nasasaktan din ako kapag nakikita kitang umiiyak? Kaya tumahan ka na."

Dahil sa sinabi niya, imbes na tumahan, lalo pa 'kong napahagulgol. Hindi ko alam na ganito pala magmahal ang isang istriktong tulad niya. Pakiramdam ko tuloy hindi ko siya deserved dahil sobrang tanga ko.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon