Chapter 40 - I Missed You, Too!

14.8K 326 16
                                    

KEYCEE'S POV

"Keycee?!" sabay na tawag sa 'kin ni Pinky at lolo. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla.

Naramdaman ko namang napatayo si Ryan dahil dinig ko ang pag-atras nang upuan niya. Hindi ako makapagsalita lalo na ngayong nabaling ang tingin ko kay Ace, na nakatingin din sa 'kin. Natatakot ako. Natatakot akong malaman niya na ako nga si Keycee.

"K-Keycee...Is that you?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Pinky. Kahit papaano naman natatandaan ko siya. Pinsan siya ni Ace at nagkita na kami dati. Siya ang nag-tutor sa 'kin noon kaya ako pumasa sa exam sa math. Hindi ko siya sinagot at yumuko lang ako. Hindi ako makapagsalita. Wala na. Sira na. Sira na ang pagiging Jian ko. Alam kong alam na ni Ace ngayon na ako nga si Keycee, dahil isang malaking ebidensya na ang pagiging magkasama namin ngayon ni Ryan. Biglang tumulo 'yong luha ko. Ang tanga ko talaga! Dapat pala tinanong ko muna si Ryan kung sino 'yong lolo na tinutukoy niya. "Keycee...oh my gosh!" Lumapit agad sa 'kin si Pinky at niyakap ako.

"Keycee, iha. Ikaw nga ba 'yan? P-paanong...?" Sa boses ni lolo halatanag naguguluhan rin siya. Sino ba naman ang hindi maguguluhan, eh, ang alam nila ay patay na 'ko. Bumitaw sa 'kin si Pinky at hinawi ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Hindi ko na magawang mag-angat nang tingin kay Ace dahil nahihiya ako. Nakayuko na lang ako habang tumutulo ang luha. Lumapit sa 'kin si lolo at siya naman ang sumunod na yumakap sa 'kin.

"Ang buong akala namin—" hindi naituloy ni lolo ang sasabihin niya dahil pagbitaw niya, tumakbo na agad ako palabas dahil sa sobrang hiya. Nahihiya ako na nalaman nilang nagsinungaling ako tungkol sa pagkamatay ko.

"Keycee!" narinig kong tawag sa 'kin ni Ryan bago ako tuluyang makalayo. Sana Jian na lang ang itinawag niya sa 'kin.

Nagtatakbo ako palabas sa restaurant habang umiiyak. Laking pasalamat ko na lang dahil walang masyadong tao noong makalabas na 'ko hanggang sa kalsada. Pero para 'kong tanga dahil iyak pa rin ako nang iyak, at sa patuloy kong pagtakbo, natalisod ako at napigtas 'yong sandals ko.

Wala na. Tapos na. Alam kong ito na ang katapusan ng pagiging Jian ko.

RYAN'S POV

Kinakabahan ako habang naghihintay kina lolo kaya naman hindi ko magawang kausapin si Keycee. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon nang dalawa kong pinsan na ipapakilala niya ngayon sa 'kin.

Nahalata kong naiinip na rin si Keycee kaya siguro naisipan niyang tumayo at tumanaw na lang sa glass wall, sa labas. Maya-maya pa, naramdaman kong humakbang siya papunta sa malaking pintuan.

"Keycee, sa'n ka pupunta?" baling ko sa kaniya noong akma niyang bubuksan ang pinto. Pero hindi niya 'ko sinagot dahil bigla na 'yon bumukas bago pa man niya hawakan ang doorknob. Bumungad si Lolo, Ace at isang babae na hindi ko pa kilala kaya napaatras si Keycee.

"Keycee?!" Daig pa ni lolo ang nakatita ng multo, gano'n din 'yong babae. Kahit ako ay natulala rin, pero hindi dahil tinawag nilang Keycee si Jian, kun'di dahil sa pagtataka kung bakit kasama ni lolo si Ace. Kumunot ang noo ko habang iniisip ko ang posibilidad na sila 'yong pinsan ko.

"K-Keycee...Is that you?" tanong no'ng babae kay Keycee. Pero nagtaka ako nang mabaling ako kay Ace dahil parang hindi man lang siya nagulat na makita si Keycee. Parang wala lang sa kaniya, hindi katulad ni lolo at nang isang babae na gulat na gulat. "Keycee...oh my gosh!" Lumapit at yumakap kay Keycee 'yong babae, habang si Keycee ay umiiyak.

"Keycee, iha. Ikaw nga ba 'yan? P-paanong...?" Lumapit din si lolo sa kaniya at niyakap siya saglit. "Ang buong akala namin—" at hindi pa man naitutuloy ni lolo ang sasabihin nang biglang tumakbo si Keycee palabas.

"Keycee!" tawag ko sa kaniya kasabay rin nang pagtakbo ko para sana sundaan siya pero hinarang ako ni Lolo. "Mag-uusap tayo, Ryan," sabi niya sa 'kin 'tsaka naman siya bumaling kay Ace at sinabing, "Sundan mo ang asawa mo, mag-usap kayo." Tumango si Ace at sinundan nga si Keycee.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon