CONTENT WARNING!
Please note: The following chapter contains sexual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised.
KEYCEE'S POV
"Sigurado ka, hubby?" Kunot-noo akong nakatingin sa kaniya. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.
"Do I look like I'm joking?" Seryoso siyang sumulyap sa 'kin saglit bago muling ibalik ang tingin sa daan. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako at nalamang asawa ko na ang lalaking gusto niya. Na-eexcite naman ako dahil sa wakas, makikita ko na rin siya at p'wedeng-p'wede kong ipagmalaki sa kaniya na sa 'kin na si Ace. Pero s'yempre hindi ko naman gagawin 'yon. Kailangan kong mag-behave. "Kapag pinuntahan ko s'ya, gusto ko kasama kita. Para makilala ka rin n'ya dahil ayoko s'yang umasa na katulad pa rin kami ng dati. Mas lalong hindi makakabuti 'yon sa kan'ya."
"Paano kapag hindi n'ya natanggap?"
"Kailangan n'yang tanggapin sa ayaw at sa gusto n'ya. Maaaring mahirap at masakit 'yon para sa kan'ya. Pero mas maraming masasaktan kung ipipilit n'ya pa rin ang bagay na hindi na p'wede pa."
***
Gabi na kaming nakauwi ni Ace sa bahay. Tulog na rin Yaya Miranda dahil nakapatay na ang ibang ilaw. Sa sala na lamang ang nakasindi dahil naroon si Ryan, nakatulog sa couch habang nakabukas ang tv. Marami rin pinagbalatan ng chichirya at cup noodles ang nasa center table kaya naman napailing si Ace nang makita ang mga kalat na 'yon.
Pinauna na niya ako sa kwarto dahil dumaan pa siya sa sala para patayin ang tv at para na rin daw gisingin si Ryan at palipatin sa guest room na okupado nito. Hindi ko nga alam kung bakit siya narito, wala naman kasing binanggit sa 'kin si Ace. Pero ayos lang naman sa 'kin kaysa naman aalog-alog kami sa pagkalaki-laking bahay na 'to.
Pagpasok ko sa kwarto niya, agad kong kinuha 'yong bathrobe ko para mag-half bath dahil init na init ako. Naka-aircon naman ang sasakyan niya pero hindi ko alam kung bakit ako inalinsangan.
Bago ako pumasok sa banyo ay dumating na rin si Ace. May kausap siya sa phone at alam ko na agad na mommy 'yon ni Rhian dahil narinig ko ang paghingi niya rito ng pasensya na hindi siya makakadalaw ngayon dahil alanganing oras na. Alas dies na kasi ng gabi. Bukas na lamang daw pagkatapos ng klase.
Nang matanggal ko na lahat ng saplot ko sa katawan, itinali ko naman paitaas ang buhok ko para hindi 'yon mabasa at saka ko binuksan agad ang shower at itinapat doon ang katawan ko. Hindi ako gumamit ng heater dahil feel ko ngayon ang malamig na tubig.
Inabot ko 'yong shower gel at ginamit 'yon sa katawan ko. Pero hindi pa man ako nagtatagal sa loob, narinig ko ang pagkatok ni Ace sa pinto. "Can I join you?"
Nag-aalangan ko naman tinungo ang pintuan para pagbuksan siya kahit na masama ang kutob ko sa pagsabay niya sa 'kin. Sa tingin ko kasi ay may hidden agenda siya.
Bumungad agad sa 'kin ang matamis niyang ngiti. Bumalik ako sa tapat ng shower kaya siya na ang nag-lock ng pinto. Hinuhad niya ang suot na damit at agad akong tumalikod nang alisin na rin niya ang huling saplot sa ibaba. Shems!
Naramdam ko ang paglapit at pagdikit niya sa 'kin kaya napalunok ako nang bumangga sa likuran ko 'yong alaga niya.
Bigla siyang lumayo sa 'kin at sinindi niya ang faucet sa bathtub. Kinuha niya rin 'yong liquid soap at essential oils para lagyan 'yon. Balak n'ya pa yatang magbabad kung kailan gabi na.
Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at inabala ko naman ang sarili ko sa pagto-toothbrush at pagsasabon ng mukha at katawan. Pero medyo nahiya akong sabunin 'yong ano ko dahil kahit hindi ako diretsong nakatingin kay Ace, alam kong pinagmamasdan niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/6305381-288-k498893.jpg)
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...