Chapter 82. Ace & Rhian

5.9K 135 2
                                    

KEYCEE'S POV

Nang imulat ko ang mga mata ko, sumulyap agad ako sa suot kong relo. Alas dose na. Hindi ko namalayang nakaidlip ako nang umiiyak at hindi man lang kumain dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Bumangon ako sa couch dahil kahit papaano naman ay hindi na ako masyadong nahihilo. Paano 'ko nasabi? Nagawa ko na kasing humakbang at lumapit sa desk ng asawa ko para tirahin 'yong mga pagkain na iniwan niya ro'n.

Inuna kong kainin 'yong kanin at chicken. Sa sobrang gutom ko, pati ang para dapat kay Ace ay nilantakan ko na rin. Isinunod ko pa ang buger at fries. Nang maubos ko ang lahat ay tinungga ko naman ay softdrinks, kasunod ang pagkalakas-lakas kong dighay.

Thanks, God.

Muli akong lumapit sa couch para kuhanin ang uniform kong nakasablay ro'n. Kailangan ko na magbihis dahil ala-una ang klase ko.

Pero nabadtrip ako nang mahirapan akong pag-abutin ang lock no'n. Para akong sinasakal dahil hindi ako makahinga. Bakit biglang sumikip?

Nilingon ko ang mesa ni Ace at pinagmasdan ang mga pinagkainan ko. Pano'ng hindi sisikip, eh, nilamon mo lahat!

Tiniis ko na lang na masikip ang palda ko at saka na ako nagdesisyong umalis. Daig ko pa ang magnanakaw sa hating-gabi habang palabas sa pinto. Lingon dito, lingon doon, dahil natatakot ako na may makakita sa akin at ano pa ang isipin. Ibang klase pa naman ang takbo ng pag-iisip ng iba. Bahagyang kibot, issue agad.

Maayos at matiwasay naman akong nakalabas sa opisina niya nang walang nakakakita kaya agad akong nagtext kina Marian at Jezza para tanungin kung nasaang lupalop sila.

Mabilis pa sa alas kwatro ang reply ni Marian at sinabing nasa classroom na sila kaya agad akong nagtungo roon.

Pagdating ko sa room—nasa pintuan pa lang ako, papasok—malapad na agad ang ngiti sa 'kin ng dalawang d*monyo kong kaibigan. At kinantahan pa nila 'ko habang naglalakad palapit sa kanila.

"Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna, sasayaw ng chacha, ang saya-saya!" Napatingin tuloy sa kanila ang iba naming kaklase.

"Kung ang bulaklak ay bumubuka, kayo naman ay bumobobo!" ganti ko nang tuluyan na akong makalapit. Naupo agad ako sa upuan ko, nakapagitna ako sa kanila.

Inilapit nila nang husto ang mga mukha sa 'kin at pabulong akong ini-interview tungkol sa bakasyon namin ni Ace at kung ano raw ang update sa itinuro nila sa 'kin.

"Successful ba?" May mapanuksong ngiti sa labi ni Jezza.

Natawa naman si Marian at bumulong din. "Hulaan ko, ihi lang pahinga mo, 'no?"

Hindi ko napigilang ngumiti dahil nahahawa ako sa tawa nila. Kaya naman mas naging dahilan 'yon para lalo nila akong asarin. Pero agad ko rin silang sinaway dahil nagtitinginan na sa amin ang mga marites sa classroom. "Tigilan n'yo muna 'ko. Masama pakiramdam ko, parang nagdidilim paningin ko sa inyo," biro ko pa.

Marami pa silang mga itinatanong sa 'kin pero hindi ko na sila sinagot dahil agad akong dumukdok sa armchair ko, kasunod ang paghihikab ko.

Inaantok na naman ako.

ZEN'S POV

"Why do you need to go there?" Tiningnan ko nang seryoso si Rhian habang magkaharap kaming nakaupo sa sofa. Maaga akong pumunta rito sa kanila sakay ang magara kong motorsiklo na ginagamit ko sa racing, dahil nagpapasama siya sa 'kin na puntahan si Ace sa eskwelahan na pinapasukan nito.

Ayaw ng mommy niya na umalis siya lalo na at kailangan niya pang maka-recover nang husto, pero siya ang mapilit at nakikiusap.

Gustuhin man din siyang samahan ng magulang niya, hindi nila magawa dahil takot siyang sumakay sa kotse. At alam namin na dahil 'yon sa car accident na nangyari noon.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon