Chapter 106. Meeting Time

5.5K 126 11
                                    

KEYCEE'S POV

Hanggang sa matapos ang huli naming klase, tahimik lamang ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng nerbyos nang mabasa ang text ni Rhian.

Gusto n'yang makipagkita sa 'kin pero sa ano'ng dahilan?

"Bye, Jian!" Kumaway sa 'kin si Marian at Jezza. Ni hindi ko namalayang naakay na pala nila ako sa labas ng department dahil abala ang isip ko kay Rhian, kung makikipagkita ba ako sa kaniya.

"Bye. Ingat kayo!" Kumaway rin ako sa kanila pabalik at saka ako ngumiti nang bahagya. Nang tuluyan na silang makalayo ay agad kong inilabas ang cell phone ko para sana tawagan si Ace at ipaalam sa kaniya na nagtext sa 'kin si Rhian, ang first love niya. Pero hindi ko pa man siya natatawagan, nakita ko na agad ang text niya, one hour ago.

"Wifey, something came up. Hindi tayo magkakasabay umuwi. Kinausap ko na si Ryan. Ihahatid ka n'ya. See you later, baby."

Napabuntong-hininga ako matapos ko 'yon mabasa. Kasunod no'n ay narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Ryan. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses niya at natanaw ko s'ya sa 'di kalayuan, naglalakad palapit sa 'kin.

Ni hindi man lang n'ya sinabi kung saan s'ya pupunta?

RYAN's POV

Bandang alas kwatro pa lang ng hapon noong tumawag sa 'kin si Ace. Ibinilin niyang isabay ko na lamang si Keycee pauwi dahil may aasikasuhin daw muna siya. Inusisa ko pa nga kung ano 'yon pero hindi naman niya sinabi. Ibinilin pa niya na sa bahay nila Keycee kami dumiretso, 'yong bahay nila ni Tita Steph na malapit lang para hindi na apat na oras ang maging biyahe namin. Susunod na lamang daw siya.

"Sa 'kin ka na sumabay, bilin ni Kuya Asyong," sabi ko nang magkaharap na kaming dalawa. Gamit ko na kasi ang sasakyan ko kanina noong pumasok kami. Nakita ko ang susi sa paso ng bonsai na saging, 'yong nasa papunta sa kusina. Hindi ko alam kung sino'ng naglagay ro'n.

"Bakit daw? Nasa'n ba s'ya?" taka niyang tanong, nakakunot pa ang noo. Pero nagkibit-balikat lang ako dahil kahit sa 'kin ay hindi naman sinabi. Inaya ko na siya at naglakad na kami patungo sa parking space kung nasaan ang sasakyan ko.

"Gusto mo bang sumama sa 'kin?" tanong ko nang pareho na kaming makasakay sa loob. Nakasimangot na kasi siya, halatang badtrip.

"Saan?"

"May double date ako ngayon. Ayoko namang ihatid ka sa inyo tapos iiwan lang kitang mag-isa ro'n." Matagal siyang nag-isip bago sumagot.

"Sige. Sama na lang ako sa'yo. Ako ang bodyguard mo."

KEYCEE'S POV

Ang totoo, hindi ako mapakali kaya pumayag na lamang ako na sumama kay Ryan. Ayokong maiwan sa bahay nang mag-isa, lalo pa at hanggang ngayon ay naiisip ko ang pakikipagkita sa 'kin ni Rhian. Idagdag pa ang pag-alis ni Ace at 'yong sinabi niyang importanteng gagawin.

Ayokong ma-stress dahil alam kong hindi 'yon makakabuti sa baby ko. Mag-uusap na lang siguro kami ni Ace pag-uwi niya. Ayoko naman isipin na si Rhian ngayon ang inaasikaso niya.

Pero what if tama ako? Napailing ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi talaga healthy ang pag-o-overthink.

***

Halos kalahating oras ang tinakbo ng sasakyan ni Ryan bago kami makarating sa isang fine dining restaurant.

"Sasamahan mo ba 'ko sa table o hihiwalay ka?" baling niya sa 'kin habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Malamang hihiwalay! Baka isipin agad ng ka-date mo na babaero ka kapag nakitang magkasama tayo!"

"Mas okay nga 'yon, e! Para ekis na agad ako sa kan'ya." Natawa pa siya nang bahagya.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon