Chapter 145. Finale

12.5K 161 59
                                    

KEYCEE's POV

"Buti pa sa SM may bonus! Tayo, ang laki ng ambag natin sa proposal n'ya, hindi man lang tayo binigyan ng bonus!" Dinig ko ang paghihimutok ni Ryan habang malapad naman ang ngiti kong nakatitig sa singsing na suot ko. Nasa food court kami nina Jezza, Marian pati na rin itong si Tito Betlog ng tatlo kong kurimaw. Hinihintay kasi namin si Ace dahil ang sabi niya ay sabay raw kaming mag-lunch.

Hindi na rin ako masyadong kinakabahan na makita ng mga tao na magkasama kami dahil bakit naman ako kakabahan? Asawa ko siya. G'wapo pa, matalino, macho at masarap. Dapat nga maging proud ako na malaman ng iba na siya ang ama ng mga dinadala ko.

Tulad kanina pagdating namin sa school. Kung dati ay hindi kami sabay na lumabas ng sasakyan niya—kanina ay nagsabay na kami. At nakita iyon ng ibang mga estudyante na naging dahilan ng kanilang bulong-bulungan. Lalo na noong sumunod ako kay Ace sa opisina niya. Halos malaglag ang panga ng karamihan nang makita nila akong pumasok sa loob. Kaya naman noong oras na ng klase at nakabalik na ako sa room ay daig ko pa ang na-link sa isang sikat na celebrity kung titigan nila ako.

"Paano kang bibigyan, e, mali ang p'westo mo? You will marry me. Hindi mo man lang binigyan ng choice si Jian!" Si Marian.

"Hindi mali ang p'westo ko! Mali lang ng dinampot si Jezza. Nagkapalit kami ng hawak," dipensa nito.

"Tara na nga umorder. Ang tagal ni Prof. Lee. Gutom na mga alaga ko sa tiyan." Tumayo si Marian sa upuan niya kaya agad siyang sinundan ni Jezza.

"Ano ba'ng mayro'n sa singsing na 'yan at kanina mo pa tinitingnan? Makakain mo ba 'yan?" baling sa 'kin ni Ryan nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa mesa.

Sinulyapan ko naman siya at sinamaan ng tingin. "Tigilan mo nga muna 'ko, Ryan. Ang aga-aga pa, pinagdidilim mo na agad ang paningin ko."

Magsasalita pa sana siya nang marinig namin ang boses ni Ace. "Wifey." Pareho kaming napalingon dito. Kasama niya ang isa ring Professor sa department namin. Si Prof. Arthur. Palapit sila sa amin at maging ang ilang estudyante sa paligid ay nagulat sa itinawag niya sa 'kin. "Sorry. Medyo nagtagal ako. By the way, sir. This is my wife."

Sabay kaming tumayo ni Ryan para harapin sila. Isang awkward na ngiti ang pinakawalan ko nang iabot ni Prof. Arthur ang kamay niya sa akin. Hindi ko rin kasi inaasahan na ipapakilala ako ni Ace hindi bilang estudyante niyang bobo—kun'di bilang asawa niya.

"H-Hello po. Hehe." First meeting yarn? Kung maka-hello naman ako parang hindi ko siya nakakasalubong sa department.

"Ako na lang yata ang nahuhuli sa balita. Hindi ko talaga inaasahan na ikaw ang misis nitong si Ace." Bahagya pa siyang natawa na parang ikina-insulto ko naman.

So, ano'ng inaasahan n'ya?

"Gutom ka na ba?" Muling nabaling ang tingin ko kay Ace dahil sa tanong niya.

"Ako, hindi pa. 'Yung mga anak mo, oo." Sinadya kong lakasan nang bahagya ang boses ko para marinig din ng ibang mga estudyanteng nanghahaba ang leeg dahil nakikiisyoso sa amin.

"Maupo ka na. Ako na'ng o-order."

THIRD PERSON POV

MONTHS LATER...

(Wedding day)

Kahapon pa ay magkahiwalay na ang mag-asawa. Si Ace ang naiwan sa kanilang bahay, kasama si Ryan. Samantalang si Keycee naman ay naka-check-in na sa hotel kung saan ito rin ang magiging reception pagkatapos ng kanilang gagawing sumpaan.

"Naayos mo ba 'yung pinagawa ko sa'yo?" Seryoso niyang binalingan ang kaniyang pinsan na kasalukuyang dinadamitan ng sarili nitong stylist. Si Ryan kasi ang kaniyang magiging best man.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon