Chapter 45 - Future Husband

12.9K 291 46
                                    

KEYCEE'S POV

"Ace, hindi na 'ko bata. I'm already eighteen." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at iniangat ko ang sarili ko para halikan siya sa noo. "And I think I'm ready to do it."

Matagal na katahimikan ang bumalot sa kwarto ko. Hindi siya nagsasalita. Feeling ko tuloy na-reject ako. Nakatingin lang kasi siya sa 'kin at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ayaw niya ba? Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim bago nagsalita.

"I'll think about it," sabi niya at tumayo na. Lumabas siya sa kwarto ko. Natulala naman ako habang nakatingin sa pintuan ko na isinara niya.

Tinanggihan niya 'ko? Hindi ako makapaniwalang p'wede pala 'yon.

Sa inis ko at pagkapahiya, naisip ko na lang humiga at pumikit. Imbes na isipin ko ang pangre-reject sa 'kin ni Ace, mas inisip ko na lang 'yong mas malaking problema na kailangan kong harapin.

STEPHANIE'S POV

Pagkatapos kong makausap si Keycee, nag-drive na ulit si Kuya Edie pabalik sa mansion. Pero malas dahil nasiraan kami at sa lugar pa na walang masyadong dumadaang sasakyan.

"Kuya Edie, okay na ba?" tanong ko paglabas ko sa kotse. May inaaayos siya sa harap no'n pero hindi ko naman alam kung ano.

"Naku ma'am, mukhang kailangan ko po munang dalhin sa talyer. Kung gusto n'yo po, maglalakad na lang ako at ihahanap ko kayo ng taxi sa banda ro'n. Wala po kasing nagdadaan dito."

Nag-aalinlangan man ay pumayag na rin ako, kaysa ma-stuck kami at abutin ng dilim sa lugar na 'to. Nakakatakot pa naman dahil wala talagang nagdaraan. "Mabuti pa nga Kuya Edie."

"Sige po ma'am, pumasok na lang po kayo sa loob ng sasakyan. I-lock niyo po ang mga pinto at 'wag po kayong lalabas hangga't wala ako." Tinanguan ko na lang siya. Mabait talaga 'yang si Kuya Edie kahit noon pa. May edad na siya kaya para ko na rin siyang ama. Noong makapasok na 'ko sa loob ng sasakyan, 'tsaka pa lamang siya umalis. Sinunod ko rin ang sinabi niya at ini-lock ko ang mga pinto pagpasok ko.

Bakit ba naman kasi masisiraan na nga lang kami ay dito pa sa hindi mataong lugar?

***

Halos isang oras na 'kong naghihintay pero wala pa rin si Kuya Edie. Nakakaramdam na rin ako ng takot dahil papadilim na, idagdag pa na mag-isa lang ako rito at walang kasama. Nasa gilid pa nang daan ang sasakyan at nakahinto sa may ilalim ng isang puno. Paano na lang kung may biglang mang-holdap sa 'kin dito? Paano kung may biglang kumatok sa bintana at tutukan ako ng baril? Paano na lang kung—

Halos malaglag 'yong puso ko nang bigla ngang may kumatok sa bintana ng kotse, sa gilid ko. Kinakabahan akong lumingon sa taong 'yon para tingnan kung sino siya. Medyo madilim na pero naaaninag ko pa naman, at alam kong hindi 'yon si Kuya Edie dahil hindi sila magka-built ng katawan. Ayokong lumabas dahil baka kung sino ang taong 'to at bigla na lang may gawin na masama sa 'kin.

Kumatok ulit siya, pero hindi ko pa rin binuksan dahil gaya nang bilin ni Kuya Edie, 'wag daw akong lalabas hanggat wala siya. Alam kong hindi siya 'yong lalaki sa labas kaya hindi ko pa rin binubuksan 'yong pinto.

Bigla naman nag-vibrate 'yong cellphone kong nasa loob ng bag ko. Nang ilabas ko 'yon, agad kong nabasa sa screen ang text na galing sa hindi ko kilalang number.

"Open the door, Stephanie! This is Carlo."

Ilang segundo akong nakatulala sa screen ng cell phone ko bago mag-sink in sa 'kin 'yong nabasa ko. Si Carlo?

Lumingon ako sa bintana para sinilip 'yong lalaki na kumakatok sa labas kanina. Nakatayo siya sa gilid at hawak ang cell phone niya. Nakasuot siya ng kulay puting long sleeves, nakatupi 'yon hanggang sa siko niya at naka tuck-in sa itim niyang pants. Bakit ba hindi ko 'yon napansin kanina? Naisip ko na masama siyang tao at baka holdaper. Pero meron bang holdaper na naka ayos pa nang attire?

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon