KEYCEE'S POV
Naiwan kami sa balcony ng kwarto ni lola, nakatanaw kami sa kaniya habang bitbit ang tsaa niya palabas ng kwarto. Nang tuluyan na siyang makalayo, humarap agad ako kay Ace at gano'n din siya sa 'kin.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Bahagya pa rin nanggigilid ang mga luha ko dahil sa saya na makita siya at malamang hindi siya pumunta sa first love niya.
Pero sa halip na sagutin ang tanong ko, tinitigan niya lang ako at sinabing, "I'm sorry..."
"For what?"
"I made you cry before I went to shower." Pinatong niya ang kanang kamay sa ulo ko at saka niya hinaplos ang buhok ko pababa.
"Ako ang dapat mag-sorry, hubby." Inabot ko ang kamay niyang nakasapo na ngayon sa kaliwang pisngi ko. "Sorry for making you think na wala akong tiwala sa'yo. Natakot lang talaga 'ko. Hindi ko na kasi kaya na mawala ka."
"Hindi naman ako mawawala, at hindi ko rin kaya na mawala ka sa 'kin... that's why I'm here. Ni hindi ko kayang mawala ka sa paningin ko. Hindi ako mapakali." Yumuko siya nang bahagya para halikan ang noo ko. "Next time, ayoko nang sa text ka magpapaalam kung may pupuntahan ka man. Come and talk to me so I could kiss and hug you before you go. Understand?"
Para akong tanga na biglang tumulo ang luha habang nakangiti. Kinilig kasi ako at the same time nakunsensya sa pag-alis ko na hindi man lang nagpaalam sa kaniya nang maayos. Feeling ko nabastos ko siya sa part na 'yon. Idagdag pa na bahagya akong nagsinungaling. Sinabi ko sa kaniya na okay lang ako– okay lang sa 'kin na puntahan niya si Rhian, pero deep inside, gusto kong sabihin sa kaniya na, 'Ayoko! H'wag kang pumunta sa kan'ya! Dito ka lang sa tabi ko!'
"Understood, Professor Lee. H'wag mo na rin akong tatalikuran sa susunod. Masakit, eh." Ngumisi pa ako nang bahagya para itago ang naramdaman kong sakit noong maalala ko ang pagtalikod niya sa 'kin kahit alam niyang umiiyak ako.
"I won't, wifey. And promise me, we'll be honest with each other. No hiding. No lies. Malaki man o maliit na bagay, kung kinakailangan kong malaman, tell me. Mmm?" Sunud-sunod ang naging pagtango ko sa kaniya habang magkakonekta ang mga mata naming dalawa.
***
Ipinaghila ako ni Ace ng upuan pagdating namin sa dining area. Magkatabi kami, si mama naman ay kaharap namin habang si lola ay sa pinaka-head nakaupo. Hanggang ngayon din ay hindi maalis ang ngiti sa labi ni mama dahil ikinuwento ko rin sa kaniya kanina ang senaryo sa balcony.
Although hindi pa talaga kami nakapag-usap ni lola nang maayos, kahit papaano ay gumaan na ang dibdib ko dahil parang okay na sa kaniya si Ace. Hindi man niya 'yon sinabi nang diretsahan, pero noong sinabi niya ang salitang family dinner, naramdaman kong tinanggap na niya si Ace bilang pamilya.
Hinintay ni Ace makakuha ng kanin si lola at si mama–kahit na mayroon naman sa harap namin–bago niya ako lagyan sa plato ko.
"What do you want?" tanong niya sa 'kin. Mahina lang ang boses niya, tipong parang kami lang ang magkausap. Iginala ko naman ang paningin ko sa iba't-ibang putahe ng mga pagkaing nakahain sa mesa. May mga karne, gulay at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon at ganito karami ang ipinahanda ni lola. Pero masarap naman sa mata kaya ayos lang.
Nang mahagip ng paningin ko 'yong pritong isda na ginataan, bigla akong natakam. Hindi naman ako mahilig sa isda pero parang masarap 'yon sa paningin ko.
"That one." Itinuro ko 'yon kay Ace kaya agad niyang inabot at inilapit sa 'kin.
"Anything?" Muli akong sumulyap sa mga pagkain pero wala na akong nagustuhan kaya umiling na lang ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Novela JuvenilHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...