KEYCEE'S POV
Pagkatapos namin mag-dinner pumasok agad si Ace sa room niya. Sa narinig ko kanina sa pag-uusap nila ni Yaya Miranda, mukhang magche-check siya ngayon ng test paper. Kailangan ko nang makita 'yong result ng exam ko as soon as possible bago pa 'ko mabaliw kakaisip kung nakapasa ba 'ko o hindi.
Kakatok pa lang sana 'ko sa kwarto niya nang bigla niyang binuksan 'yong pinto.
"Kung ano man 'yang binabalak mo, 'wag mo nang ituloy. Alam kong alam mo na magche-check ako ng papers ngayon, at kung iniisip mong masisilip mo 'yong sa'yo...nagkakamali ka." Bigla niyang isinara ang pinto at narinig ko rin 'yong pag-lock niya sa loob.
Wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik na lang sa kwarto ko. Kailangan ko talagang hintayin na lang ang kinabukasan para malaman kung ano'ng score ko.
Ang damot naman kasi no'n, para titingnan lang ba naman, e!
***
KINABUKASAN, sabay kaming nag-breakfast ni Ace. Tinatanong ko siya about sa resulta ng exam ko pero hindi niya ako pinapansin.
"Sir naman, sige na, sabihin mo na sa 'kin kung naka-ilan ako. Mamamatay na yata ako kaiisip. Hindi ka ba naaawa sa 'kin? Tingnan mo 'yong mata ko, hindi ako nakatulog magdamag!" Patuloy ko pa rin siyang kinukulit, tipong patapos na siyang kumain pero ako hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko dahil sa pagmamakaawa na malaman ang score ko.
"Kapag hindi ka pa kumain, 'wag ka nang sumabay sa 'kin," sagot niya habang patuloy pa rin sa pag-ubos ng pagkain niya. Hindi man lang siya lumingon sa 'kin.
"Sir naman kasi—" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang biglang mag-ring 'yong cell phone ko. It's Ryan. Sumulyap ako kay Ace bago ko 'yon pasimpleng sagutin. "Hello, Ryan?" Natigilan si Ace sa pagkain, although hindi suya direktang nakatingin sa 'kin, alam kong nakikinig siya. "Mamaya? Sure." Binaba ko na agad ang phone ko at tiningnan si Ace. "Sabihin mo na sa 'kin ang score—"
"What did he say?" he interrupted me. This time nag-angat na siya ng tingin sa 'kin at tinitigan ako. 'Yong mukha niya kaninang seryoso ay mas lalo pang naging seryoso.
Agad naman akong may naisip. "Secret," I smiled at him. "Sabihin mo muna sa 'kin kung ilan ako tapos sasabihin ko sa'yo kung ano'ng sabi n'ya. Deal?"
"No, thanks." Agad na siyang tumayo sa upuan niya at nagpaalam kay yaya bago tuluyang lumabas. Nataranda naman ako dahil hindi pa 'ko nakakapagsimulang kumain man lang.
"Ace, sandali!" Hindi ko na nagawang kumain dahil napilitan na rin akong tumayo para sundan siya. "Hindi pa 'ko kumakain," reklamo ko nang makasakay na 'ko sa loob ng sasakyan niya.
"It's your fault," he said as he start the engine, "sa halip na kumain ka, kinukulit mo 'ko sa score mo."
Bumaling naman ako sa kaniya. "Pa'nong hindi kita kukulitin, e, 'yong kaba sa dibdib ko isang kilo!" I exclaimed.
"Malalaman mo rin naman mamaya ang score mo, hintayin mo na lang."
Hindi na ulit s'ya nagsalita at gano'n rin ako. Parang nawalan ako ng ganang makipagtalo sa kanuya dahil nanlalambot ako sa gutom. Tumahimik na lang ako habang nakahawak sa tiyan ko na kasalukuyang nag-aalarm.
Ilang sandali pa, biglang nag-iba ang direksyon namin.
"Sa'n tayo pupunta?" taka kong tanong, pero hindi niya 'ko sinagot. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa McDo na kami, drive thru. He ordered a cheeseburger, large fries and coffee, then he gave it to me.
"Para may lakas ka mamaya kapag nag-announce na 'ko ng result ng exam."
***
"Mary Ann Agustin, 42."
"Sarah Bulanadi, 37."
"Joyce Candido, 48."
Kahit hindi nawala na ang gutom ko dahil sa biniling McDo ni Ace, pakiramdam ko hindi pa rin nawala ang panlalambot ko. Kinakabahan akong malaman 'yong score ko. Lalo na at malapit na 'kong tawagin.
"Zaila Dizon, 29."
Kapag ako bumagsak iuuntog ko na lang ang sarili ko sa pader.
"Keycee Dela Vega..." biglang tumingin sa 'kin si Ace, kinakabahan ako sa tingin niya. Saksakin mo na lang ako kaysa sabihin mong bagsak ako! "Got 63 points out of 80."
Nakatulala ako at nakatingin kay Ace habang ang mga classmates ko nagsimula nang magbulungan.
"Wow, naka sixty-three sy'a? Ang galing naman..."
"Pa'no n'ya kaya nagawa 'yon? First time 'to. Baka nandaya."
Sabagay, hindi ko sila masisisi. Sino ba naman ako para makakuha ng sixty-three, e, sobrang boplakers ko sa math.
"Keycee Dela Vega got 63 points on the exam, it's a miracle so please give her a big hand," Ace continued. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Si Ryza at Christia naman ay tumingin sa 'kin na para bang hindi makapaniwala. Sila lang ang hindi pumapalakpak. Oh, 'di ba, supportive! "Dahil marami ang bumagsak sa inyo sa exam, magbibigay ako ng chance. May isang simpleng tanong na kailangan n'yong sagutin, kung masagot n'yo 'yon nang tama, I'll give you plus 10," sabi ni Ace.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti nang sabihin n'ya 'yon. Feeling ko kasi parang gusto ko pa ng plus ten. Parang hindi ako kuntento sa sixty-three points kahit na alam ko naman na pasado na 'ko. Gusto kong ipamukha kay Ace na hindi ako bopis katulad nang iniisip niya!
***
Nasa desk si Ace at may papel sa harap niya. Doon niya isinulat ang tanong na sasagutin namin. Pero isang studyante lang ang p'wedeng lumapit, kapag hindi niya nasagot, 'yong kasunod naman niya sa upuan ang pupunta sa harap. At ang policy pa, bawal mong itanong sa naunang tumayo kung ano ang nakasulat sa papel.
Halos kalahati na ng section namin ang pumunta sa harap pero wala pang nakakasagot. Ako kaya? Masasagot ko kaya 'yon?
"Hoy Keycee, ikaw na!" sabi sa 'kin ng katabi ko. Kinakabahan naman akong tumayo at pumunta sa tabi ni Ace. Tiningnan ko muna siya bago ko binasa 'yong tanong sa papel na nasa harap niya.
It comes once in a year, twice in a week but never in a month.
"What is the answer?" tanong ni Ace sa 'kin habang nakatitig ako sa maliit na papel. Tiningnan ko naman siya na parang nagtataka. It comes one in a year, twice in a week but never in a month? Ano 'yon? Christmas? New year? Valentines Day? Birthday? Halloween? No, no, no! Uhmm...anniversary? Monthssary? "If you don't know the answer go back to your seat para mabigyan ng chance ang iba," he snapped me out of my thought.
"Wait lang sir, nag-iisip pa po ako ng sagot." Once in a year? Twice in a week? But never in a month? Haaaay! Bakit ba kasi ganito ang tanong niya? Akala ko pa naman related sa math na mga inaral ko. Nakakaloka!
Nang matantiya ko na walang pag-asang masagot ko 'yon, tumalikod na 'ko kay Ace para bumalik sa upuan ko. Pero nasa kalahati pa lang ako nang bigla akong mapahinto. Lumingon ako at tiningnan ko si Ace.
"Yes, Miss Dela Vega? May nakalimutan ka ba?" tanong ni Ace sa 'kin pagharap ko sa kaniya.
It comes once in a YEAR, twice in a WEEK but never in a MONTH?
Agad akong humakbang pabalik sa kaniya at ngumiti nang malapad dahil parang gets ko 'yong tanong niya.
"Sir, alam ko na ang sagot."
***
Don't forget to click the STAR, comment and follow. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/6305381-288-k498893.jpg)
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...