KEYCEE'S POV
"Naholdap ka?!" sabay na tanong nila sa 'kin.
"Oo. Kanina habang naglalakad ako papunta rito sa school." Isa na namang kasinungalingan ang sinabi ko. Ang totoo n'yan, binenta ko 'yong cell phone ko, tutal naman hindi ko masyadong kailangan. Mas kailangan ko ng pera para hindi na 'ko hihingi kay mama.
"Ang burara mo kasi!" sermon sa 'kin ni Jezza sabay iling.
***
Kahit na daldal nang daldal sa pagtuturo 'yong prof namin hindi ako makapag-concentrate. Iniisip ko pa rin kasi ang paghahanap ng part time job. Ang totoo n'yan meron na akong nakita kanina at magsisimula na ako bukas. Kaso mukhang hindi pa rin sapat ang magiging sweldo ko ro'n kaya pinag-iisipan ko pa kung hahanap pa ako ng part time job na panggabi.
"Hoy," tinabig ako ni Marian. "Day dreaming ang peg mo d'yan. May problema ba?" Ang galing n'ya talaga. Alam n'yang may iniisip akong problema.
"Wala," sagot ko na lang sa kaniya habang diretso pa rin ang tingin sa teacher namin na nasa harapan.
"Wala raw, e, bakit parang stress ka?"
"Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi."
"Bakit hindi ka nakatulog?"
"P'wede ba Marian, makinig muna tayo kay ma'am? Baka mamaya mag-quiz, pareho tayong nganga," baling ko sa kaniya. Sinunod niya naman ako kaya tumahimik siya kahit parang nagdududa. Nakinig na ulit kami sa prof namin, tulad ni Jezza.
***
"Mauna na kayong umuwi ni Jezza." Napatingin sa 'kin 'yong dalawa dahil sa sinabi ko. Naglalakad kasi kami palabas sa gate dahil tapos na ang klase.
"Hindi ka sasabay sa 'min?" kumunot ang noo ni Marian.
"May pupuntahan lang ako saglit."
"Sama na lang kami, para sabay-sabay pa rin tayong umuwi," hirit ni Jezza. Tumango naman si Marian na parang sumasang-ayon sa sinabi niya.
"Hindi p'wede. Mauna na lang kayo."
"Bakit hindi p'wede?" ulit ni Jezza. Makulit talaga lahi nito.
"Basta hindi p'wede. May inutos kasi sa 'kin si mama, baka matagalan ako. 'Di ba magre-review pa kayo dahil may quiz tayo bukas?" paalala ko sa kanila.
Para namang biglang natauhan si Marian. "Oo nga pala, buti pinaalala mo."
"Oh sige, kung ayaw mo talagang sumabay sa 'min, mauna na kami," napilitan na ring sabi ni Jezza.
"Bye. Ingat," pahabol ko sa kanila. Pareho silang kumaway sa 'kin kaya kinawayan ko rin sila habang nakangiti nang mabahagya.
"Ikaw rin," sigaw naman nila pareho habang naglalakad na palayo. Noong nakalayo na sila nang tuluyan, 'tsaka pa lang ako umalis sa kinatatayuan ko.
Naglakad-lakad ako at naghahanap ng p'wede kong maging part time job tuwing matatapos ang klase ko sa hapon. At dahil maswerte ako, nakakita agad ako. Isang café. May nakapaskil na hiring sa pintuang salamin kaya agad akong pumasok sa loob para mag-inquire.
Sabi sa 'kin ng lalaki na manager sa café, magpasa na lang daw ako ng resume as soon as possible kaya naman lumabas agad ako at naghanap ng malapit na computer shop. Gumawa ako ng resume at pinaprint 'yon. Medyo natagalan ako pero sulit naman kasi p'wede na raw akong magsimula bukas. Ang swerte ko talaga.
Simula bukas dalawa ang magiging trabaho ko. Sa umaga kailangan 6:00am nasa canteen na ako, sa una kong inaplayan at 11:00am naman ang out ko ro'n. After no'n may klase na ako ng 12:00pm to 4:00pm. Then trabaho ulit ako sa café ng 5pm-10pm.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
JugendliteraturHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married his strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...