KEYCEE'S POV
"Si Ryza."
Pakiramdam ko may kumurot sa dibdib ko nang banggitin ni Ace ang pangalan ni Ryza. Idagdag pa na walang bakas nang pagsisinungaling sa boses niya. Pinaghalong galit at lungkot ang bigla kong naramdaman. Para 'kong maiiyak pero pinigilan ko.
Paano niya nagawa sa 'kin 'yon? Bakit niya 'ko pinangunahan kay Ace? Dahil tuloy sa ginawa niya kaya lumala at gumulo ang sitwasyon noon.
Pero ayoko munang isipin ang bagay na 'yon. Saka na kami mag-uusap ni Ryza kapag nagkita na kami. May mas mahalaga pa akong kailangan isipin kaysa sa pangta-traydor niya sa 'kin.
"Uhm, Ace...h-hindi ka pa ba matutulog?" Napansin ko kasi 'yong orasan sa bedside table niya at mag-aalas diyes na. Siguradong kanina pa nagte-text sa 'kin si Kuya Edie dahil siya ang susundo sa 'kin ngayon. Mabuti na lang at naiayos ko na ang mga gamit ko sa maleta.
"Hindi pa 'ko inaantok," he responded, pero 'yong boses niya ang nagpapatunay na inaantok na siya. Mahina na lang kasi 'yon, parang pinipilit niya na lang magsalita. Hindi na 'ko kumibo at hinaplos na lang ang buhok niya nang paulit-ulit para lalo siyang antukin.
"Good night, Ace." I said softly. Mamaya na lang siguro ako aalis kapag tulog na tulog na siya.
Ngayon pa lang naiiyak na 'ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kapag iniwan ko na si Ace. Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko kapag sinunod ko ang gusto ni lola. Ayokong iwan si Ace pero ayoko rin naman na nahihirapan si mama. Marami na siyang hirap na pinagdaanan dahil sa 'kin. Siguro panahon na para ako naman ang magsakripisyo para sa kaniya.
"Keycee," mahinang tawag ni Ace, ang lalaking mahal na mahal ko, na mamaya lang ay kailangan ko nang iwan. "Dito ka lang sa tabi ko...'wag kang aalis...'wag mo 'kong iiwan." Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa 'kin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko pero pilit kong pinipigil na 'wag umiyak. Hindi ako p'wedeng umiyak ngayon dahil baka makahalata siya.
"Oo, Ace. Hindi ako aalis sa tabi mo." Pumikit ako pero kasabay naman no'n ang tahimik na pagpatak ng luha ko. Ang hirap umiyak nang walang tunog, ang sakit sa dibdib. Paano ko magagawang iwan ang taong mahal ko kung hindi pa ako umaalis ay pinipigilan na niya ako?
Sumiksik ako lalo sa dibdib ni Ace. Parang hindi ko yata kaya. Hindi ko na kayang malayo pa sa kaniya.
"I love you, Keycee." That's the last word that I heard from Ace's mouth before he fell asleep.
"I love you too, Ace."
***
I opened my eyes and looked at my phone. Its 3:00 AM. I think this is the right time para umalis na ako. Tulog na tulog na rin kasi si Ace.
Tinanggal ko 'yong pagkakayakap niya sa 'kin at saka na ako bumangon sa kama. Lumabas ako sa kwarto niya at dahan-dahang isinara ang pinto.
Tinawagan ko si mama. Nakatatlong ring pa bago niya sagutin 'yon, at halata sa boses niya na kagigising niya lang.
"Ma, ipasundo mo na 'ko kay Kuya Edie." Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ko.
"Nasa apartment ka ba?"
"Yes ma, sabihin mo kay Kuya Edie bilisan, baka magising pa si Ace."
Binaba ko na 'yong cell phone ko nang marinig ko ang pagsang-ayon ni mama. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha 'yong maleta na may mga gamit ko. Dahan-dahan ko 'yon hinila palabas sa apartment, sa tabi ng gate.
Umakyat ulit ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Ace. Tulog na tulog pa rin siya.
Naaawa ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Wala siyang kaalam-alam na iiwan ko na siya. Ano kayang magiging reaksyon niya bukas kapag nagising siya nang wala ako sa tabi niya? Naiiyak tuloy ako. Hindi ako makapaniwalang malalayo ulit ako sa kaniya. Pero kailangan. Ito ang pangalawang beses na iiwan ko siya.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Teen FictionHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...