Chapter 86. Punishment

20.6K 379 19
                                    

KEYCEE'S POV

Dahil sa ginawa ni Ace na panlalapastangan sa 'kin sa office niya, hindi na ako nakaidlip dahil napag-abutan na ako ng oras ng klase. Ngayon tuloy ay hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng teacher namin sa harapan dahil pinipilit ko na lamang idilat ang mga mata ko na kanina ko pa gustong tukuran ng palito ng posporo para lang manatili akong nakadilat.

"Bes, hindi ko na talaga kaya. Antok na antok na 'ko..." baling ko kay Marian na akala mo naman seryosong nakikinig sa discussion, pero nagpapanggap lang naman, pati si Jezza. Luminga naman siya at itinuro sa akin ang puwesto ng mga kaklase naming kalalakihan na nasa likuran lang din. May tatlong armchair na bakante sa likuran nila at binulungan ako ni Marian na lumipat doon para umidlip.

"Hindi ka makikita ni ma'am kapag nakadukdok ka sa armchair dahil matatakpan ka ng mga burdagol," dagdag pa niya. Lumingon naman ako sa harapan at noong nakita ko ang teacher namin na busy sa pagsusulat sa white board ay agad na akong pumuslit para lumipat sa puwesto na itinuro ng magaling kong kaibigan.

"Gisingin n'yo ako kapag business math na..." halos pabulong kong sabi sa dalawa bago ako tuluyang dumukdok. Susunod na kasi ang klase namin kay Ace kaya mas mabuting umidlip na ako ngayon kaysa sa klase pa niya ako makatulog. Mahirap na. Nabanggit pa naman niya noon sa akin na kapag nasa school na kami ay magiging istrikto na ulit siya kahit pa sa akin.

Pero siguro naman ay hindi niya ako parurusahan nang malala kapag nahuli n"ya akong natutulog. Love n'ya ako, 'di ba?

ACE'S POV

Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng classroom ay agad na akong binati ng mga estudyante ko. Pero hindi ko nagawang sumagot sa kanila dahil nag-init ang ulo ko nang bumungad sa akin ang tatlong nakadukdok na estudyante sa harapan at mukhang natutulog. Dalawang babae at isang binabae. Lahat kasi ng mga kaklase nila ay biglang umayos ng upo at tumahimik nang dumating ako, bukod tangi na silang tatlo ang hindi kumilos.

I simply looked around trying to find my wife pero hindi ko siya nakita. Saan s'ya nagpunta? Oras na ng klase!

Ibinalik ko ang aking tingin sa tatlong natutulog sa harap na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaramdam. Sinadya kong lakasan ang pagbagsak ng libro sa mesa ko sa pagbabakasakaling magising sila at hindi naman ako nabigo.

"Good morning!" I greeted them, sarcastically. Agad bumakas sa mukha nila ang pagkapahiya at natarantang umayos sa pagkakaupo.

"Sorry, Prof–"

"Stand up. You three. Here." Sumenyas ako sa harap, gawing kanan ko kung saan sila tatayo. At dahil alam nila ang rules ko, wala na akong narinig pa sa kanila na kahit ano. Mabilis silang kumilos pero lahat sila ay nakasimangot. "Hindi ngunit nakakaantok ang oras ng klase ko, tutulugan n'yo na!" Alas-dos hanggang alas-tres kasi ng hapon ang oras ng klase ko sa kanila, Business Math. At talaga nga namang nakakaantok ang oras na 'yon pero hindi ko tino-tolerate ang mga pasaway na estudyante.

Lumapit muli ako sa aking desk, bubuklatin ko na sana ang libro para hanapin ang pahina ng lesson na ituturo ko, ngunit biglang nagsalita ang isa sa mga babaeng nakatayo sa harap. "Bakit si Jian po hindi n'yo pinatayo? Natutulog din naman s'ya."

Agad akong lumingon sa direksyon kung saan siya nakatingin. At natanaw ko nga si Keycee, nakadukdok sa likuran ng mga kaklase niyang lalaki. Nakukublihan siya ng mga 'yon kaya naman pala hindi ko siya napansin kanina.

F*ck it! Bakit ba kasi naisipan n'yang maupo ro'n?!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya namamalayan na narito na ako sa classroom, halatang masarap pa rin ang tulog. Agad naman siyang nilapitan ni Marian para gisingin. At nang mag-angat siya ng ulo, nagtama ang tingin naming dawala.

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon