ACE's POV
Change oil mo - come to my room, let's do it now because I miss you.
Napaupo ako sa kama at kusang ibinagsak ang katawan ko ro'n matapos kong mabasa ang schedule na ginawa niya—lalo na ang nakalagay sa hulihan. Hindi ko tuloy alam kung kulang ba ang kinain ko kaya nakaramdam ako ng panghihina o baka sadyang kinikilig lang ako.
Kaya siguro gano'n ang suot niya. She's teasing me dahil alam niyang nasabik din ako sa kaniya nang sobra. Pati tuloy ang ngiti ay ayaw umalis sa labi ko habang iniisip ko ang mga p'wedeng maganap sa oras na pumasok ako sa kwarto niya.
Hahalikan ko siya at ihihiga sa kama. Muling sasambahin ng kamay at bibig ko ang bawat parte ng katawan niya. Ang pagbuka ng mga hita niya sa 'kin at pagsabunot niya sa buhok ko habang umuungol dahil—
Nasampal ko bigla ang sarili ko nang maalala na bago ang change oil ay kailangan muna namin mag-usap. "Get your senses back, Lee!"
Bumangon ako pero hindi ko na naman naiwasang mapangiti nang muli kong sulyapan ang hawak kong papel. Itinupi ko 'yon at iniwanan sa kama bago ako nagmadaling pumasok sa banyo para ayusin ang sarili ko at maghanda para sa nalalapit na bakbakan. Kailangan ko na lang mag-toothbrush tutal naman ay nag-shower na 'ko kanina bago bumaba para kumain.
At bago ako lumabas sa banyo, naisipan kong silipin ang alaga kong mas excited pa sa 'kin at hindi na mapakali sa loob. You're always clean, huh?
Natawa pa ako nang bahagya. Ayaw kasi ng asawa ko na may buhok 'yon kaya lagi kong nililinis. Tulad ng sa kaniya, ni minsan hindi ko pa nakitaan ng buhok. Mayro'n man pero sobrang nipis lang. Parang balahibo ng pusa and for me—it's cute.
"Let's go. You're gonna have your change oil after so many years." Nakangiti akong lumabas sa kwarto para puntahan si Keycee. Pero bago ko itulak ang pinto niya, sinikap ko munang alisin ang ngiti sa labi ko. Gusto kong isipin niya na kaya ako narito ay para magkausap kami—hindi para sa change oil. Magpapanggap muna 'ko na hindi ko pa nakikita ang ginawa niyang schedule.
KEYCEE's POV
Nakahiga ako sa isang gilid ng kama, patagilid, habang hinihintay si Ace. Sa totoo lang, medyo kinakabahan pa rin ako. Nilalabanan ko lang 'yon sa pamamagitan ng pag-alala sa mga bilin sa 'kin ni mama. Pati na rin ang pagmamahal ni Ace na lagi niyang pinaparamdam sa 'kin ay binabalikan ko. At kahit papaano naman, natatakpan no'n ang takot ko.
"Wifey..." Nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang malambing niyang pagtawag sa 'kin na ngayon ko na lamang ulit narinig. Ang sarap sa tainga. Nakatalikod kasi ako sa pinto—nakaharap ako sa gawing bintana kaya hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto ko.
"Hubby..." Kasabay no'n ang paglingon ko sa kaniya. Naglakad siya palapit sa 'kin, sa kama, at saka siya pumuwesto sa kabilang side. Hindi siya humiga, sumandal lang siya sa headboard.
"Let's talk." Sinulyapan niya ako saglit bago siya yumuko sa mga kamay niya. "About that night..." Alam ko na 'yong tungkol sa pagpapatuloy niya kay Rhian dito ang tinutukoy niya.
Bumangon din ako at ginaya ang ayos niya. Pareho na kami ngayon nakasandal sa headboard ng kama habang nakatakip ng kumot ang mga binti ko hanggang sa baywang. "Mmm. I...want to know more about that night. Bakit mo 'ko iniwan habang tulog ako? Bakit mo s'ya pinuntahan? Bakit mo s'ya dinala rito when in the first place alam mong sinabihan n'ya 'ko na babawiin ka n'ya sa 'kin. Bakit n'ya suot ang damit mo? Bakit..." Ipinikit ko ang mga mata ko sabay hugot nang malalim na buntong hininga dahil para akong maiiyak sa susunod na tanong ko. "Bakit mo sinabi sa kan'ya na hindi mo iparerehistro ang kasal natin?"
Alam kong wala na 'kong dapat ikasama pa ng loob dahil rehistrado naman ang kasal namin. Pero gusto ko lang malaman kung bakit niya 'yon nasabi kay Rhian noon.
BINABASA MO ANG
MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (Self-Published)
Novela JuvenilHighest rankings: #1 Plottwist, #1 College, #2 loveaftermarriage, #3 teenromance Keycee Dela Vega, a cheerful student who secretly married her strict, math teacher-Ace Lee. Though not academically gifted, Keycee has a bright and compassionate person...