MALAKAS na pumapailanlang sa buong silid ang kantang Señorita nina Shawn Mendes at Camila Cabello. Dance practice lang naman ito, pero marami rin ang nanunuod sa amin na mga kasama namin dito na nagsasayaw rin kanina. Mayamaya, nang matapos ang kanta ay malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa buong kuwarto. Hinihingal man ay inabot ko ang kamay ni Sir Arwin at pareho kaming nakangiti ng malapad at nag-bow.
“Ang galing mo talagang sumayaw, Sir.” Nakangiting sabi ko rito.
“Ikaw rin naman. Kaya nga idol kita, e!” anito na mahahalata nga sa mukha ang pagka-amazed dahil sa naging performance namin ngayon.
I know how to dance dahil bata pa lamang ay iyon na ang hilig ko. Nang minsan ay makita ako ni Sir Arwin na nagsasayaw sa gilid ng kalsada habang tinuturuan ko ang mga street kids, kinausap ako nito na kung puwede ay samahan ko itong mag-practice kapag may free time ako sa trabaho ko. May isang taon na rin simula nang makilala ko si Sir Arwin at naging magkaibigan kami. Apo ito ni Don Felipe. Mabait naman ito kaya kahit papaano ay nagkakasundo kaming dalawa at pumayag na rin akong samahan ito sa dance practice nito kahit hindi ko naman sigurado kung para saan ang pagpa-practice nito ng sayaw.
“Thank you!”
“Paano, practice ulit tayo bukas huh!”
“Oo naman, kapag naka-break ako.” Sagot ko.
“Alright. I gotta go. See you around, Psyche.” Anito at kaagad na tumalikod sa akin para lapitan ang bag nitong nasa gilid ng kuwarto at nagmamadali ng lumabas sa dance practice room.
Mayamaya ay bigla akong napalingon sa may pinto nang may pumalakpak na isang babae mula roon. Bigla naman akong kinabahan nang maglakad ito palapit sa kinaroroonan ko habang nakataas ang isang kilay pagkuwa’y namaywang.
“Hindi ko alam na magaling ka pala sumayaw, Psyche.” Anito.
Kahit alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyon ng mukha nito ngayon, tipid pa rin akong ngumiti. “A, s-salamat po ma’am.” Nauutal pang sabi ko.
Tinitigan ako nito ng seryoso. “But, as far as I can remember... hindi naman ito ang trabaho mo rito sa Hotel, hindi ba? Hindi rito ang puwesto mo kun’di nandoon sa bar or sa swimming pool area.” Turan pa nito.
“Sorry po ma’am. Si Sir Arwin po kasi ang nagpapunta sa ’kin dito kanina—”
“I don’t care,” sabi nito dahilan upang maputol ang pagsasalita ko. “Wala akong pakialam kung sino pa ang nag-utos sa ’yo na pumunta rito at magsayaw imbes na nasa labas ka at nagsisilbi sa mga guest natin. For God’s sake, Psyche. Ilang beses pa ba tayo mag-uusap pagdating sa trabaho mo? Simpleng rule lang naman ang kailangan mong sundin pero bakit parang napakahirap para sa ’yo?” pagalit na sabi nito.
Dahil sa mataas na boses nito; naging dahilan iyon para marinig ng mga taong narito pa sa dance practice room na pinapagalitan na naman ako ng manager ko. Well, this is not the first time, kaya sanay na akong laging napapahiya sa harap ng maraming tao.
“Sorry po ma’am,” sabi ko na lang at yumuko habang hawak-hawak ko ang puting tuwalya na ibinigay sa ’kin ni Sir Arwin kanina.
Nagbuntong-hininga naman si Ma’am She ’tsaka tumalikod na sa ’kin. Pero mayamaya ay muli itong huminto at nilingon ako.
“Hurry up kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho mo.” Galit na sabi pa nito.
Wala sa sariling napatakbo naman ako sa sulok ng kuwarto para kunin ang bag ko at para bumalik sa locker area at magpalit ng uniform ko.
“ANG SABI ko naman kasi sa ’yo... iwasan mo na ang mapagalitan ka lagi ni Ma’am She. Kilala mo naman ang ugali ng bruhang ’yon e!” anang Cj sa akin habang magkaagapay naming tinatahak ang mahabang pasilyo ng hotel para bumalik sa locker at magpalit ng uniform ko.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...