NAKAPIKIT pa rin ako nang maramdaman kong unti-unti na niyang pinakawalan ang aking mga labi. Mabigat pa rin ang aking paghinga dala sa labis na pagkagulat ko dahil sa ginawa niyang pag-angkin sa mga labi ko.
Oh, sweet Jesus! Ano ba itong pabigla-biglang ginagawa niya sa akin? Kanina ay ginulat niya ako nang bigla siyang magsalita sa likuran ko, tapos ngayon binigla niya ako sa muling pag-angkin niya sa mga labi ko!
Aba! Namimihasa ata ang lalaking ito? Kaninang umaga ay hinalikan niya rin ako habang nasa swimming pool kami, tapos ngayon, heto na naman! Ano ba ang gusto niyang mangyari sa akin?
Banayad akong napalunok ng aking laway pagkuwa’y dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Only to see him staring at me intently. Oh, God! Ang mga mata niyang namumungay habang nakatunghay sa akin, kay sarap pakatitigan. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na mapatitig sa mapupula niyang mga labi. Damn. May asukal ba ang kaniyang mga labi para maging ganoon iyon katamis sa panlasa ko?
“Cosa mi hai fatto, Psyche? Il solo pensiero di te mi fa impazzire. Nel poco tempo che ti ho conosciuto, è così che provo per te. È difficile da ammettere, ma ti amo già.”
Nangunot ang aking noo dahil sa mga sinabi niya na hindi ko naintindihan. Ano raw? Ano ang mga tinuran niya? Galit ba siya? Nagagalit ba siya sa akin ngayon?
“A-Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya habang mataman akong nakikipagtitigan sa kaniya. Ramdam ko na ang panglalambot ng mga tuhod ko ngayon pero hindi naman ako nag-aalala na matumba ako dahil nakahawak pa rin sa baywang ko ang isang kamay niya. Nakahawak din ako roon, samantalang ang isang kamay ko ay nakahawak sa damit niya, sa may tiyan niya.
Sa halip na sagutin ang tanong ko sa kaniya ay ngumiti siya sa akin at umangat sa tapat ng aking mukha ang isang palad niya at masuyong hinawi ang hibla ng buhok ko na bahagyang nagkalat doon. Inipit niya iyon sa likod ng tainga ko.
Oh, Diyos ko! Mawawala na po ba ako sa mundo kaya ganito ang nararamdaman ko? Kaya ganito ang ginagawa sa akin ng lalaking ito?
“Sei così bella, amore mio.”
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya.
Ano ba naman ang lalaking ito! Ano bang salita ang ginagamit niya ngayon? Para siyang alien at hindi ko ma-gets ang mga sinasabi niya. Hello! English at Tagalog lang ang alam kong salita. Hindi pa naman ako nakakarating sa Mars para matutong magsalita ng alien words.
“Hindi kita maintindihan. Baka puwede mong tagalogin, sir.” Saad ko at bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya, at ang kamay ko namang nasa may tiyan niya ay bahagyang nanulak para sana lumayo sa kaniya. Ngunit hindi ko pa man iyon nagagawa ay kaagad niya akong hinapit ulit sa baywang ko at itinulak ako papunta sa pinto ng silid ko. Isinandal niya ako roon.
And my heart! Oh, it’s pounding too fast. Pakiramdam ko ay lalabas na iyon sa ribcage ko.
Holy lordy!
Ngumiti siya sa akin nang matamis pagkatapos ay mabilis na ginawaran ulit ng halik ang nakaawang kong mga labi.
Oh! Namimihasa na talaga siya! Pero gusto ko rin naman.
“I said you’re so beautiful.” Saad niya nang lumayo siya sa akin.
Napatitig ako sa mga mata niya. Mayamaya ay naramdaman kong biglang nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya. Walang-hiya talaga ang lalaking ito! Bakit labis niyang pinapakabog ang puso ko ngayon?
Bakit mo ito ginagawa sa akin, Sir Kidlat? I mean, oo at inamin mo na sa akin na gusto mo ako. Pero ang puso ko, pakiramdam ko ay higit pa roon ang nararamdaman mo para sa akin.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...