“DID you enjoy our date, baby?” Tanong sa akin ni Kidlat nang matapos na kaming kumain at naglalakad na kami sa hallway papunta sa elevator. May isa pa raw kasi siyang surprise para sa akin kaya dadalhin niya ako papunta roon. Hindi ko alam kung saan iyon, wala naman kasi siyang sinabi.
Magkahawak kamay kaming naglalakad.
Nilingon ko siya at malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. “Sobra,” sabi ko. “Sobra akong nag-enjoy ngayon. Kaya maraming salamat, mahal ko.” Saad ko sa kaniya at mabilis akong dumukwang palapit sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya.
“I love you.”
“I love you too, Kidlat.” Nakangiti at buong pagmamahal na saad ko sa kaniya.
Binitawan naman niya ang kamay ko at ipinulupot niya sa baywang ko ang isang braso niya at kinabig ako palapit sa kaniya. Hinalikan niya rin ang gilid ng noo ko.
Mayamaya, nang nasa tapat na kami ng elevator, biglang tumunog ang cellphone ko.
“Wait lang, mahal. May tumatawag sa akin,” sabi ko. Kaagad na kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng maliit kong bag. “Oh, si Natalija pala,” sabi ko.
“Don’t answer her call, baby. Mangungulit lang ’yan. At isa pa, I have another surprise for you kaya kailangang puntahan muna natin ’yon bago tayo umuwi sa mansion.” Kinuha niya sa kamay ko ang cellphone ko at mabilis na pinatay ang tawag ni Natalija.
“Pero, baka nasa Casa pa rin siya hanggang ngayon! Nakalimutan ko siyang kausapin kanina bago tayo umalis. Malamang na naghintay iyon doon sa akin.” Saad ko. “Baka walang may maghatid sa kaniya pauwi.”
“Nandoon naman si Mang Oscar kaya ihahatid din siya pauwi sa mansion.”
Ay, oo nga! Hindi naman umalis si Mang Oscar sa Casa kanina nang umalis kami ni Kidlat doon.
Pero mayamaya, muling tumunog ang cellphone ko. Muli rin iyong pinatay ni Kidlat. At sa pangatlong pagkakataon na nag-ring iyon ulit, kinuha ko na iyon sa kamay niya bago pa man niya mapindot ang end call.
“Baka kasi importante ang sasabihin ni Natalija,” sabi ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga na lamang siya.
“Natalija, bakit? Nasa Casa ka pa rin ba ngayon?” tanong ko nang masagot ko na ang tawag mula sa kabilang linya.
“Psyche!”
Biglang nangunot ang noo ko nang mahimigan ko ang boses ni Natalija sa kabilang linya na parang umiiyak.
“Natalija, b-bakit?” nagkakatang tanong ko. “Umiiyak ka ba?”
Sunod-sunod itong suminghot. “Psyche, b-bumalik ka na rito. Tumawag sa akin si lola, isinugod daw sa ospital si Don Felipe.”
Bigla akong napahinto kasabay niyon ang malakas na pagkabog ng puso ko. Ang mga kamay at mga tuhod ko ay bigla ring nanginig. Hindi ko agad nagawang makapagsalita dahil sa labis na pagkabigla ko. Ano raw? Isinugod sa ospital ang itay?
“Psyche! Nariyan ka pa ba?” dinig kong tanong ni Natalija mayamaya.
“A-Aano... Ang sinabi mo, Natalija?” nauutal na tanong ko at nag-umpisa ng mag-init ang sulok ng aking mga mata.
“Ang sabi ng lola, isinugod daw sa ospital ang itay mo. Papunta na kami roon ni Mang Oscar. Nasaan ka ba ngayon?”
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha at pagkuwa’y napatingin ako kay Kidlat. Kunot din ang noo niya habang nakatingin sa akin.
“Why, baby? Is there a problem?” tanong niya na bigla ring nag-alala para sa akin.
Bumuka ang bibig ko, pero walang kataga ang namutawi roon. Mayamaya ay kinuha niya ang cellphone sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...