CHAPTER 33

493 26 2
                                    

NAPANGITI akong muli nang matawa na naman ng pagak si Arwin. Bakas pa rin sa mukha nito ang halo-halo at hindi maipaliwanag na reaksyon. Napapailing pa ito nang magpakawala nang malalim na paghinga.

“I still can’t believe it,” sabi nito. Tinitigan ako nito nang mataman.

“Ayaw mong tanggapin na tita mo ako?” pabirong tanong ko.

“No. I mean, nabigla lang ako sa mga kuwento ni lolo kagabi.” Ani nito. “You know last night, hindi ako nakatulog kakaisip sa ’yo pati sa naging relasyon ni lolo at mother mo.”

Sumandal ako sa puwesto ko. “Ako rin naman. No’ng sinabi sa akin ni Don Felipe ang lahat...”

“Wait, Don Felipe pa rin ang tawag mo kay lolo?” tanong nito dahilan ng pagkaputol ng pagsasalita ko.

Tumango naman ako. “Oo,” sagot ko.

Nagsalubong naman ang mga kilay nito. “But why? I mean, you are his daughter. You should call him dad or papa.”

“Kinausap ko na ang Don Felipe tungkol diyan,” sabi ko. “Gusto niyang tawagin ko na rin siyang tatay, pero ang sabi ko sa kaniya, kung puwede ay bigyan niya muna ako ng time para mag-sink in nang tuluyan sa utak ko ang lahat ng ito. Nabigla ako sa mga nalaman ko kaya sigurado akong ganoon din ang magiging reaksyon ng mga tao sa paligid kapag nalaman nilang anak pala ako ng Don Felipe. Ayoko naman na pag-isipan nila ako ng kung anu-ano. Puwede namang dahan-dahanin ang sitwasyon ngayon, e!” Pagpapaliwanag ko.

“Well, sabagay!” pagsang-ayon nito sa akin. “And I don’t think if papa knows anything about this.”

Bigla ko ngang naalala si Sir Vince; ang nag-iisang anak din ng Don Felipe sa una nitong asawa.

Paano kung hindi pa nito alam ang tungkol sa akin? Paano kung kapag nagkita kami ay magalit ito sa akin? Paano kung hindi nito matanggap ang tungkol sa akin? Mga katanungang nagpangamba sa ’kin. Pero siguro naman, kung sakaling malaman ni Sir Vince ang totoo tungkol sa naging relasyon noon ng tatay nito sa nanay ko, sana hindi ito magalit sa akin kagaya kay Arwin. Naintindihan agad nito ang paliwanag ng lolo nito.

Sana lang!

“What are you thinking?”

Napabuntong-hininga akong muli at nag-iwas ng tingin dito. “Iniisip ko lang ang papa mo,” sabi ko. “Nag-aalala lang ako sa kung ano ang magiging reaksyon o sasabihin niya kapag malaman niya ang tungkol dito. Ang tungkol sa akin.”

Kumilos naman sa puwesto nito si Arwin. Lumapit ito sa gilid ng mesa at inabot ang mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Masuyo nitong ginagap ang mga palad ko at ngumiti sa akin.

“You don’t have to worry about papa. I know, kung wala pa man siyang alam tungkol sa ’yo... I’m sure, kagaya ko makikinig din siya kay lolo. I know him, mabait si papa. Matatanggap ka agad niya.”

“Sana nga, Arwin. Sana nga!”

Muli itong ngumiti at binitawan ang mga kamay ko. “So, should I call you Tita Psyche now?” pagkuwa’y tanong nito.

Napangiti na rin akong muli. Parang nakakailang naman. Parang hindi bagay kung tatawagin ako nitong tita, e hindi naman nalalayo ang edad naming dalawa.

“Parang ang panget naman,” sabi ko.

Natawa na naman ito. “No it’s not. Maganda naman pakinggan, a! Tita Psyche. See?”

Napasimangot na lamang ako habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. Inismiran ko rin ito. Parang pinagti-trip-an ako nito ngayon, a!

“I will call you tita from now on.”

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon