CHAPTER 39

469 24 0
                                    

“ANO kaya ang ibig sabihin ng sinabi niya sa akin kagabi?” tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa dining.

Maaga akong nagising kanina kahit halos dalawang oras lang ang naging tulog ko sa nagdaang gabi dahil labis na sinakop ng kilig at kiliti ang buong sistema ko dahil sa nangyari sa amin ni Kidlat kagabi. Pero feeling ko kumpleto pa rin ang naging tulog ko. Ni hindi man lang ako nakakaramdam ng antok simula kanina nang magising ako. Masaya rin ang mood ko. Para akong nakalutang sa alapaap. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari kagabi sa labas ng kuwarto ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ring nakalapat sa mga labi ko ang mga labi ni Kidlat.

Oh, Kidlat! Mas nakakakilig pala kung pangalan lamang niya ang sasambitin ko lagi at wala ng kasamang sir.

“Teamo amor miyo?” kunot ang noo na muling sambit ko sa mga katagang tinuran niya sa akin kagabi. Hindi ko man maintindihan kung ano ang ibig sabihin niyon, ngunit may pakiramdam akong sweet at nakakakilig ang mga salitang iyon. Nararamdaman ko sa puso ko.

Mayamaya ay bigla akong nakaisip ng paraan para malaman ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng cotton short na suot ko. Ma-search nga kung ano ang ibig sabihin n’on.

Mabilis akong nagtipa sa screen ng cellphone ko.

“Teamo amor miyo. Huh? Ano ba ang spelling n’on?” Kunot ang noo na tanong ko ulit sa sarili. “Te-amo a mor miyo. Ganito ba ang spelling? Ay mali.” Ibang spelling naman ang lumabas sa mga salitang sinearch ko. At ’yong nasa pinakaunang result na lamang ang pinindot ko para basahin kung ano ang ibig sabihin n’on. At ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mabasa ko ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. At hindi rin nagtagal ay biglang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ko. Bigla ring nangapal ang buong mukha ko nang maramdaman kong nag-init iyon.

Wala sa sariling napatutop ako sa bibig ko. “I... I love you, my love.” Binasa ko iyon.

Ramdam ko ang pagliliparan ng mga paru-paro sa sikmura ko sa mga sandaling ito. Oh, Diyos ko! Parang gusto kong tumili ngayon dahil sa labis na kilig. Ang puso ko ay biglang tumibok nang pagkalakas-lakas. Para bang tinatambol ito ngayon.

“I love you, my love. Ti amo, amor mio.” Muling sambit ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at impit akong napatili habang nakatutop pa rin ang isang palad ko sa bibig ko. Bahagya na rin akong napatalon at napaikot.

“Iyon ang sinabi niya sa akin kagabi? My, God!”

Muli akong napatili ng mahina.

“Hoy! Ano ang nangyayari sa ’yo riyan?”

Bigla akong natigilan at napalingon sa may pinto ng dining nang marinig ko roon ang boses ni Natalija. Kunot ang noo na nakatitig ito sa akin. Nagtataka kung bakit ako nagtatatalon at impit na sumisigaw.

“Nanalo ka ba ng lotto?” tanong pa nito at naglakad palapit sa akin.

Mabilis kong sinupil ang aking sarili at kaagad na pinatay ang aking cellphone at ibinalik ko iyon sa bulsa ng short ko.

“Hi, Natalija! Good morning.” Masiglang bati ko rito. Kaagad din akong yumakap sa braso nito nang tuluyan itong makalapit sa akin.

“Aba! Ang saya natin ngayon, a!” Ani nito at ngumiti na rin sa akin.

“Maganda ang gising at umaga ko, kaya dapat lang ay masaya ako ngayon,” wika ko.

“Wow! At ano naman ang dahilan bakit maganda ang gising mo?”

“Unang-una, kasi nagising ulit ako at nasilayan ko ulit ang maganda at panibagong umaga. Pangalawa, kasi okay ako at wala akong sakit na nararamdaman ngayon sa buong katawan ko, pangatlo, kasi nakita ko ulit si Don Felipe nang silipin ko siya sa kuwarto niya kanina, tapos ngayon naman nakita kita. At pang-apat, kasi naaamoy ko na ang mabangong pagkain mula sa kusina.” Nakangiting saad ko.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon