CHAPTER 25

550 36 5
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ni Kidlat habang nasa veranda siya ng kaniyang kwarto na nakaharap sa swimming pool area. Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw naman niya sa ibaba si Arwin habang kausap nito si Psyche.

Damn, simula kanina at magpahanggang ngayon ay ganoon pa rin ang kaniyang nararamdaman. Naiinis pa rin siya dahil sa sinabi ni Arwin na gusto nito si Psyche. Ewan niya sa kaniyang sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya! Naiinis siya dahil pakiramdam niya tinatraydor siya ngayon ng kaniyang puso; ng dalaga; ng halik na nangyari sa kanilang dalawa ni Pyche nang nagdaang gabi. Pero ang totoo ay wala naman talaga siyang dapat ikainis dahil wala namang may namamagitan sa kanila ng dalaga. Or... maybe, he likes her already kaya ganoon ang nararamdaman niya ngayon? Oh, no! Hindi 'yon puwedeng mangyari. Psyche is not his type! Malayong-malayo ang dalaga sa ilang naging ex-girlfriends niya dati. She's not his type.

"Oh, for Christ's sake! Sriously, kailan ka pa na-stress kakaisip sa isang babae, Kidlat?" Naiinis na usal niya at natawa pa siya ng pagak. Napailing din siya. "I don't like her. She's not my type." Iritadong saad pa niya sa sarili pagkuwa'y muling nagpakawala nang malalim na paghinga at pabagsak na umupo sa sofa na naroon.

Mayamaya ay napaangat uli ang kaniyang likod mula sa pagkakasandal sa sofa nang marinig niya ang malakas na tawa ni Arwin. Sinilip niya ang dalawa sa swimming pool area. Mukhang nagkakasundo ang dalawa.

Napatiim-bagang na lamang siya at muling napasandal sa kaniyang puwesto. "This is crazy! I shouldn't be thinking of her."

"DON FELIPE!" No'ng pagkarating ko sa lanai ay nadatnan ko roon ang Don. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti.

"Hija, come here."

Naglakad ako ng tuluyan palapit sa puwesto nito. Madilim na sa labas at tanging mga ilaw sa itaas ng pader at sa poste ang nagbibigay liwanag sa buong garden ng mansion. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin.

"Hindi pa po ba kayo papasok? Malamig na po rito."

"It's okay hija. I'm enjoying the beautiful view." Nakangiti pang saad nito. "Come, have a sit." Itinuro nito ang sofa na nasa gilid nito.

Hindi ako nag-atubiling umupo roon. Alas syete na ng gabi at mayamaya lamang ay kakain na rin ng haponan para makainom na ng gamot ang Don Felipe.

Nang tumingala ako sa kalangitan, napangiti na rin ako nang makita ko ang mga bituing parang dyamanting isinaboy sa kalawakan. Ang gandang tingnan at nagkikislapan.

"Ang ganda po," sabi ko.

"Yeah. It's beautiful... just like you."

Napatingin ako sa Don at alanganing ngumiti nang makita kong nakatitig na pala ito sa akin.

"Sabel mentioned to me earlier that you are Yolanda's daughter." Anito.

"Um, opo. Nasabi nga rin po sa akin ng Nanay Sabel na rito nga raw po nagtrabaho ang inay at itay noon."

"Yeah. Yolanda was one of my personal maids and... Pastor was my personal driver." Ngumiti ito ng matamis. "I was shocked nang malaman ko kanina mula kay Sabel na ikaw nga ang anak ni Yolanda. Oh, kaya naman pala magaan ang loob ko sa 'yo simula no'ng unang beses na magkita tayo sa park na iyon. And I have no regret that I have helped you. Lalo na ngayong nalaman ko na anak ka pala ng taong malapit sa puso ko."

Muli akong napangiti ng matamis dahil sa mga itinuran ng Don. Mayamaya ay hindi ko na namalayan na mataman na akong nakikinig sa mga kuwento ng Don Felipe tungkol sa inay at itay ko. Kung paanong nagtrabaho noon ang magulang ko rito sa mansion. Tama nga ako na maraming magagandang kuwento tungkol sa namayapa kong magulang. Sa pamamagitan ng pagkukuwento ng Don, para na rin akong nandoon sa kapanahunan nila at nakikita ko kung paano ang buhay nila rito sa mansion.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon