BIGLA akong naalimpungatan at nagmulat ng mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. At nang mapatingin ako sa bahagyang nakabukas na pinto ng silid na inuokupa ng itay ay nakita kong naroon sa labas si Kidlat. Parang may kausap yata siya.
Dahan-dahan akong kumilos sa puwesto ko upang umupo at saglit na inayos ang buhok at damit ko, at pagkatapos ay tumayo ako at naglakad palapit sa pinto. Sumilip pa ako sa siwang niyon upang saglit na pakinggan ang pagsasalita ni Kidlat, pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya kasi ibang lenggwahe ang gamit niya. Basta ang nakikita ko sa naka-side view niyang mukha ay sobra siyang seryoso ngayon. Nang sinilip ko rin kung sino ang kausap niya, nakita ko ang kakambal niyang si Ulap. Kaagad naman ako nitong nakita na nakadungaw sa siwang ng pinto, kaya bigla itong huminto sa pagsasalita at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Kidlat, kaya napalingon na rin siya sa akin.
“Hey!” aniya at itinulak niya ang pinto upang bumukas iyon nang maluwag.
Wala naman akong nagawa kun’di ang lumabas na. “Um, ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa?” tanong ko.
Nagkatinginan naman silang magkapatid bago siya muling tumingin sa akin. “N-Nothing. We’re just talking about Gloria,” sabi niya at muling tumingin sa kapatid niya.
Ipinagpalipat-lipat ko rin ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ewan ko, pero parang may iba sa mga tinginan nilang dalawa ngayon.
“Alright,” wika ni Ulap. “Ako na ang bahala sa sinasabi mo. Mauuna na rin ako,” sabi pa nito at bahagyang tinapik sa braso ang kapatid pagkatapos ay tinapunan din ako ng tingin at tumango. “Psyche, mauuna na ako.”
Tumango na lamang ako.
Kaagad naman itong tumalikod at naglakad na palayo. Saglit namin itong sinundan ng tingin ni Kidlat bago siya muling tumingin sa akin.
“Are you hungry?” tanong niya sa akin.
Pero sa halip na sagutin ko agad ang tanong niya, pinakatitigan ko siya nang mataman sa kaniyang mga mata. Parang may kakaiba akong nararamdaman ngayon, lalo na dahil sa pag-uusap nila ni Ulap kanina. Bakit kailangan pa nilang mag-usap na iba ang salita?
“Are you okay?” tanong pa niya ulit.
“Ano ang pinag-usapan ninyo ng kapatid mo?” sa halip ay balik at ulit na tanong ko sa kaniya.
Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin at bahagyang bumuntong hininga. “Pinag-usapan lang namin ang tungkol kay Gloria,” sagot niya.
Hindi ko pa rin inaalis sa kaniya ang seryoso kong tingin.
“May bagong nakuha na impormasyon si Ulap tungkol sa babaeng ’yon, kaya inutusan ko siya na isama si Arn na pumunta sa mansion at manmanan doon si Gloria,” pagpapaliwanag pa niya nang muli siyang tumingin sa akin.
Banayad naman akong bumuntong hininga at napatango na lamang dahil sa sinabi niya.
“Are you hungry, baby?” tanong niya ulit sa akin at hinawakan pa niya ang baywang ko nang lumapit siya sa akin.
“Hindi pa naman. Mamaya na lang ako kakain.”
“Pero hindi ka pa kumakain simula kanina.”
“Ayos lang ako, Kidlat,” sabi ko saka ako naglakad pabalik sa sofa. Umupo ako roon habang nakatingin ako kay itay. “Nasaan pala si Natalija?” tanong ko sa kaniya.
“Pinauwi ko na muna sa mansion. Nandito naman ako para samahan ka,” sagot niya, saka siya tumabi sa akin. “Is there a problem, Psyche?” tanong niya ulit sa akin.
Nilingon ko siya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“I mean, are we still not okay?” tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...