CHAPTER 28

575 33 2
                                    

KAAGAD akong nagbawi ng tingin kay Sir Kidlat nang ilang segundo na siyang nakatitig sa akin habang nasa hagdan pa rin siya. Mayamaya ay nagmadali na rin akong maglakad papunta sa kwarto ng Don Felipe. Bago ko pinihit ang doorknob ay kumatok muna ako ng tatlong beses.

“Oh, nandito ka na pala hija!” anang Don nang makapasok ako at makita ako nito. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang may binabasang libro.

“Pasensya po Don Felipe kung medyo natagalan po kami.” Paghingi ko agad ng paumanhin. Medyo nahihiya talaga ako ngayon dito. Kung hindi lang talaga si Sir Arwin ang nagsama sa akin sa mall, hindi ko iiwan nang basta-basta ang trabaho ko. Bawat oras ko naman ang binabayaran ng Don pero heto at nagagawa ko pang mag-mall. Although, hindi ko naman talaga kasalanan.

“That’s okay hija. No problem.” Saad nito at isinarado ang hawak na libro at tinanggal din ang suot na salamin. Ipinatong ang mga iyon sa bedside table nito. “Where is Arwin?”

“Um,” lumingon muna ako sa likuran ko. Ang akala ko kasi ay nakasunod pa rin ito sa akin. “Nasa labas po. Magkausap po ata sila ni Sir Kidlat.” Saad ko na lang.

“Ganoon ba? Alright, come here hija. Tulungan mo ako at gusto kong tumayo. Parang nananakit na ang likod ko.”

Kaagad akong kumilos. Saglit kong inilapag sa sofa ang paper bag na bitbit ko ’tsaka lumapit sa puwesto nito. Inalalayan kong makabangon ang Don.

“Lalabas po ba kayo?”

“Yeah.”

“Saglit po at kukunin ko po ang wheel—”

“No need hija. I just want to walk.”

“Sigurado po kayo?” Kunot ang noo na tanong ko.

Ngumiti ito sa akin at kinuha ang isang kamay ko at ipinulupot sa braso nito. Nagsimula itong humakbang palabas ng kwarto kaya napasabay na rin ako. “I’m sure hija. I can walk. Look,” sabi pa nito. “I think mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon kaysa nitong mga nakaraang araw.”

“Sigurado po kayo? Baka po pinipilit lang ninyo na maglakad pero ang totoo po ay nahihirapan pa kayo.”

Tumawa ito ng pagak. “You know what hija,” anito at tinapik pa ang kamay kong nakahawak sa braso nito. “Hindi ako nagkamaling kinuha kitang nurse ko. Kasi, magaling kang mag-alaga. You see, dalawang araw mo pa lang akong inaalagaan, but I feel better now. Not totally, but I know nag-improved ang lakas at sigla ng katawan ko.”

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng Don. “Talaga po?” Nakakatuwa naman kung ganoon. Ibig sabihin ay very good ako sa trabaho ko!

“Yeah.”

“E, mabait at masunurin din naman po kasi kayong pasyente kaya po madali po ang paggaling ninyo,” sabi ko pa.

“Well, kung kagaya mo namang nurse ang mag-aalalaga sa akin araw-araw, lagi akong magiging mabait at masunuring pasyente, hija.” Bahagyang tumawa ulit ang Don pagkasabi niyon.

Hindi ko na rin napigilan ang mapahagikhik dahil doon.

“Oh, hijo Kidlat, kailan ka pa dumating?”

Bigla akong napatingin sa unahan namin ni Don Felipe nang marinig ko ang sinabi nito. At doon, nakita kong nakatayo nga sa harapan namin si sir sungit, seryosong nakatitig sa amin; or sa akin lang ata tapos magkasalubong pa ang mga kilay. Para bang naiinis or galit na naman siya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

“Um, kanina lang ninong. I went to your room when I arrived, pero nagpapahinga kayo.”

Tumango naman ang Don at muling humakbang. “So, kumusta naman ang trabaho mo sa France?” tanong nito.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon