CHAPTER 43

402 22 1
                                    

HINDI ako mapakali at paroo’t parito ang lakad ko sa loob ng aking kuwarto. Katatapos lamang namin magkausap ng itay at sinabi nga nito sa akin kanina na gusto raw ako nitong ipakilala mamayang gabi bilang isang anak nito. Ayoko pa sanang pumayag dahil hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako sa kung ano man ang maaaring sabihin ng mga tao sa akin, pero sa huli ay hindi ko na rin natanggihan ang itay. It’s his birthday at nakiusap ito sa akin, kaya wala na rin akong nagawa. Kung iyon ang ikatutuwa nito sa araw ng birthday nito, bakit hindi ko pagbigyan, hindi ba?

Hindi ko lang talaga mapigilan ang kabahan nang masiyado.

Muli akong bumuntong-hininga nang malalim upang tanggalin ang kaba sa dibdib ko. At mayamaya lamang ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kuwarto ko. Hindi pa man din ako nakakasagot ay bumukas na iyon at ang nakangiting mukha ni Arwin ang nakita kong papasok.

“Hi Aunt Psyche!” bati nito sa akin.

Bigla namang sumilay ang ngiti sa mga labi ko at naglakad ako upang salubungin ito.

“Arwin! Kakarating mo lang ba?” tanong ko rito.

Bago nito sinagot ang tanong ko ay niyakap muna ako nito at hinalikan sa magkabilang pisngi ko.

“Yeah, kakarating lang namin.”

Nangunot naman bigla ang noo ko. “Namin?” tanong ko at tinitigan ito ng mataman.

Tumango naman ito. “Kasama ko si papa.”

Biglang naging seryoso ang hitsura ko at ang kaba na nararamdaman ko kanina ay mas lalo pang lumakas. Kung hindi lang naging alerto si Arwin, malamang na bigla akong bumagsak sa carpet nang manlambot ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang at maagap ako nitong nahawakan sa kamay ko at hinila ako nito papunta sa katawan nito kaya hindi ako natumba.

“Hey, careful.” Natatawang saad nito sa akin.

Feeling ko rin ay namumutla ako ngayon.

“Um, s-seryoso ka na nandito rin ang papa mo?” tanong ko ulit.

“He wanted to talk to you that’s why I came here.” Ani nito. “Halika, nasa ibaba siya at naghihintay sa ’yo.” Hinawakan nito ang kamay ko saka ako hinila upang lumabas sa silid ko.

Kahit nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko ay pinilit ko pa ring maglakad nang maayos hanggang sa makarating kami sa hagdan. Hindi ko naman nakita sa sala ang papa nito.

“Maybe he’s in lolo’s room.”

“Ngayon niya ba ako gustong makausap?” tanong ko ulit.

“Yeah.”

Muli akong humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Nang nasa sala na kami, nakita ko si Kidlat na papasok naman sa main door. At nang makita niyang hawak-hawak ni Arwin ang kamay ko, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay, pero nang tumingin siya sa akin at pinandilatan ko siya, bigla naman siyang ngumiti sa akin at kumaway. Gusto ko tuloy matawa dahil sa naging hitsura niya, pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Hanggang sa makarating na kami sa kwarto ng itay.

Pagkabukas pa lamang ni Arwin sa pinto ay kaagad kong nakita ang lalaking nakatalikod, nakatayo sa gilid ng kama ng itay. At ilang segundo lang ay lumingon ito sa direksyon namin ni Arwin. And there, I saw his face. Ewan ko ba, ang kaba na kanina ko pa nararamdaman sa dibdib ko ay parang bulang naglaho. Pakiramdam ko ay bahagyang bumagal ang pagkabog ng puso ko habang unti-unti akong lumalapit sa lalaking iyon.

Kamukhang-kamukha niya ang itay. Guwapo, matangkad, mestizo, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay at parang binata pang tingnan dahil sa magandang postura ng katawan nito.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon