“MAGPAHINGA na po kayo, Don Felipe.” Nang matapos kong painumin ng mga gamot nito ang Don. Inayos ko rin ang kumot sa may baywang nito pagkuwa’y iniligpit ko na rin ang mga gamot nito na nasa bedside table.
“Salamat hija.”
“Walang anuman po. Kung may ipag-uutos po kayo mamaya tawagan n’yo lang po ako.”
Ngumiti ulit sa akin ang Don. “Go on, take a rest hija. I know you’re tired already.”
“Actually po, hindi naman po ako napagod sa trabaho ko ngayon kaysa po sa trabaho ko sa bar. Pero, sige po at lalabas na po ako para makapagpahinga na po kayo. Good night po, Don Felipe.”
“Good night, sweetheart.”
Isang matamis na ngiti pa ulit ang ibinigay ko sa Don saka ako naglakad na palabas ng silid nito. Dahil hindi pa naman ako inaantok... sa halip na pumanhik sa silid ko ay nagdiretso ako sa kusina para kumuha muna ng tubig na malamig at parang nanunuyo ang lalamunan ko. Nadatnan ko naman doon si Natalija na abala sa pagpupunas ng kitchen counter.
“Hindi ka pa magpapahinga?” tanong nito sa akin nang makita ako nito.
“Hindi pa naman ako inaantok, e!”
“Gusto mo ipagtimpla kita ng gatas para makatulog ka ng maaga?”
Saglit kong tiningnan ang wrist watch na suot ko. Alas nuebe pa lang naman. Hindi pa ako inaatok at hindi rin naman masakit ang katawan ko ngayon. Wala naman kasi akong ginawang mabigat na trabaho rito buong araw, hindi kagaya sa bar na marami akong trabaho kaya kapag umuwi ako sa gabi ay bumabagsak agad ang katawan ko at biglang nakakatulog.
“Hindi na Natalija, salamat.” Turan ko rito at naglakad palapit sa refrigirator. “Gusto ko lang ng malamig na tubig.”
“Sige. Pero kung gusto mong magtimpla kapag hindi ka makatulog agad, bumaba ka na lang dito. Nandiyan lang naman sa cabinet ang gatas.” Saad pa nito.
“Okay,” sabi ko. Pagkatapos kong magsalin ng tubig sa high glass ay nangalumbaba ako sa kitchen counter habang pinagmamasdan ang ginagawa nito. “Si sir sungit pala?” naitanong ko mayamaya.
Tumingin naman sa akin si Natalija at biglang ngumiti.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “B-bakit ka nakangiti riyan ng ganiyan?” nagtatakang tanong ko.
“Crush mo siya ano?” walang atubiling tanong nito sa akin.
Napamaanga ako saglit. “H—”
“Nako, huwag kang mag-alala. Marunong naman akong magtago ng sikreto, e! Secret lang natin na may crush ka kay Sir Kidlat.” Saad nito hindi pa man ako tapos sa gusto ko sanang sabihin. At halatang nanunudyo pa ito sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin dito. “Hindi, a!” Sabi ko. Haynako, okay ng alam nina Xia at Cj na may gusto ako sa sungit na ’yon. Hindi na kailangang malaman ni Natalija. At isa pa, no’ng nakaraan lang ako may gusto sa kaniya at hindi na ngayon. Sa ginawa niyang panglalait sa luto ko kanina, ah, hindi na siya dapat maging crush. Ang sungit na nga niya tapos pangit pa ang ugali niya at mapanglait pa. Hindi ko mapigilan ang mapairap sa hangin nang maalala ko na naman ang nangyari kanina sa hapag.
“Sus! Halata kaya.” Saad pa nito at mas lalong lumapad ang pagkakangiti sa akin.
“Pangit ang ugali niya tapos nilait pa niya ang luto ko kanina. So, sino ang magkakaroon ng crush sa lalaking katulad niya, aber Natalija?” mataray na tanong ko rito.
“Ako,” sabi nito. “Aaminin ko sa ’yong kahit masungit si Sir Kidlat minsan... crush ko siya,” sabi nito. “Okay lang naman pangit ang ugali, guwapo naman, e!” Humagikhik pa ito.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...