“SI LUANA ang nag-utos kay Gloria para patayin si Tito Felipe?” mahinang tanong ni Arn kay Ulap habang nakasilip pa rin ang mga ito sa loob ng kuwarto.
“Nasa mansion pa ako ngayon ni Don Felipe. Naghahanap ako ng pera dito. Oo naman! Papatayin lang din naman natin ang matandang ’yon, kaya bakit hindi pa ako kumuha ng pera niya? Luana, relax ka lang. Don’t worry. Pagkabalik ko ngayong gabi roon sa ospital, sinisigurado ko sa ’yo na hindi na magigising nang tuluyan ang matandang iyon, at sinisigurado ko rin na magtatagumpay ka sa plano mo. Kapag namatay na ang matandang ’yon at malaman ni Psyche na si Kidlat ang nag-utos na ipapatay ang tatay niya, sigurado akong kamumuhian ni Psyche si Kidlat at puwede mo na siyang balikan ulit. So, chill ka lang! Sa ngayon, hayaan mo muna akong maghanap ng kayamanan dito. Tatawagan kita mamaya kapag nakabalik na ako sa ospital.” Pagkuwa’y pinatay na nito ang tawag mula sa kabilang linya at muling nangialam ng mga gamit doon.
Muling nagkatinginan sina Arn at Ulap nang marinig nila ang mga sinabi ni Gloria.
Mayamaya, itinulak ni Ulap ang pinto at pumasok ito. “What are you looking for, Gloria?”
Gulat at nanlalaki naman ang mga mata ng babae nang mapalingon ito sa may pinto. Halata sa mukha nito ang labis na pagkabigla dahil sa hindi nito inaasahang pagdating ng dalawang binata.
“Naghahanap ka ng pera ni Ninong Felipe?” tanong pa ni Ulap.
Pumasok din naman si Arn at ini-locked nito ang pinto. Sumandal pa ito roon. “Si Luana pala ang nag-utos sa ’yo na patayin si Tito Felipe! Mmm, I got curious kung ano pa ang dahilan ni Luana para ipapatay si tito, bukod sa balak niyang isisi kay Kidlat ang kasalanan niya para magkahiwalay sila ni Psyche.”
“Ano ang sinasabi ninyo, sir?” kunot ang noo at kunwari ay tanong nito.
Ngumisi si Ulap, “Come on, Gloria! We heard you talking to Luana awhile ago. Hindi mo na kailangang umarte na inosente ka sa nangyari kay ninong.”
Bumuntong hininga naman nang malalim ang babae at ang malamlam at kunwari ay inosente nitong mukha ay biglang naging seryoso. Ipinagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa dalawang binata at pagkatapos ay ngumisi ito.
“Okay. Hindi ko na kailangang umakting. Nahuli n’yo na ako,” sabi nito at namaywang pa. “Ano na ang gagawin ninyo sa akin ngayon?” tanong pa nito. “Huhulihin n’yo ako ngayon at dadalhin sa presento para ipakulong?”
“Yeah,” mabilis na sagot ni Ulap.
“Ibabalik ka lang namin sa dapat ay lugar na kinalalagyan mo,” wika rin ni Arn. “Alam namin ang background mo, Gloria. Isa kang ex-convict.”
Tumawa nang pagak ang babae at pumalakpak pa. “Bravo! Ang galing n’yo naman! Nahuli n’yo agad ako. Pero...”
Dahan-dahan pa nitong pinagapang ang isang kamay papunta sa likod nito, pero bago pa man nito mabunot ang armas na nakatago sa likuran nito’y naunahan na ito ni Arn kaya napahinto ito. Itinutok ni Arn sa babae ang hawak nitong calibre 45.
“Tsk. Tsk. Tsk. Don’t try me, Gloria. Sharpshooter ako,” ani Arn.
Ngumisi lamang ulit ang babae at dahan-dahang itinaas ang dalawang mga kamay. Umiling pa ito. “Naunahan mo lang ako, bata,” wika nito.
“Nasaan si Luana ngayon?” tanong ni Ulap.
“At bakit ko naman sasabihin sa inyo kung nasaan siya ngayon?” sa halip ay balik na tanong nito. “Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa inyo, magsasayang lang kayo ng oras. Dahil kahit ano mang pilit ang gawin ninyo sa akin, wala kayong mapapala sa akin. Hindi ninyo makikita si Luana.”
Bumuntong hininga naman si Ulap at balewalang nagkibit ng mga balikat nito. “Alright. Mabilis naman akong kausap,” wika pa nito at mabilis na hinugot ang baril na nakasuksok sa tagiliran nito at binaril ang babae.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...