CHAPTER 58

449 17 0
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kidlat sa ere nang nasa tapat na siya ng hospital room na inuokupa ng kaniyang Ninong Felipe. Mas lalo siyang nakadama ng kaba ngayon habang iniisip niya kung ano na naman ang magiging reaction ng kaniyang girlfriend dahil sa dalawang araw na hindi niya ulit pagpapakita rito. Sigurado siyang galit na naman ito sa kaniya lalo pa at nakipag-break na ito sa kaniya sa text message. Naiinis din naman kasi siya sa kaniyang sarili. Kung bakit kasi nawala sa kaniyang isipan na tawagan ito no’ng araw na hindi agad siya nakabalik sa ospital. Naging busy kasi siya kasama sina Ulap at Arn. Nang sabihin kasi sa kaniya ni Psyche na may kutob itong may balak si Gloria na patayin ang kaniyang Ninong Felipe, kinausap niya ang kaniyang kapatid at si Arn na tulungan siyang imbestigahan ang private nurse ng Don Felipe kaya naging abala siya ng dalawang araw at nawala na nga sa kaniyang isipan na tawagan ang nobya. Hindi na nga rin siya nakakauwi sa mansion ng kaniyang ninong at sa condo na ng kaniyang kapatid siya natulog ng dalawang gabi.

“Damn! I’m sure she’s mad at me again,” aniya sa sarili at muling napabuga nang malalim na paghinga.

Saglit siyang nagparoo’t parito nang lakad sa tapat ng pinto bago siya humarap ulit doon.

“Okay. I need to see her, I need to talk to her, I need to explain to her,” sabi pa niya sa kaniyang sarili at muling nag-ipon ng lakas ng loob. Nang akma na sana niyang hahawakan ang doorknob upang pihitin iyon ay bigla naman iyong bumukas.

“Sir Kidlat!” nang lumabas si Natalija.

“Natalija,” sambit niya sa pangalan nito. Kaagad naman niya itong hinawakan sa braso at hinila palabas at muling isinarado ang pinto.

“Sir, bakit ngayon lang po kayo dumating?” tanong nito sa kaniya.

“Um, it’s a long story, Natalija. But, is she inside? Nasa loob ba si Psyche?” tanong niya.

Tumango naman ito. “Opo, sir! Pero galit po, e! Umiiyak din kanina.”

Muli siyang napabuga ng paghinga. “Damn!” tanging nasambit niya saka siya napahagod sa kaniyang batok. Napatiim-bagang pa siya.

“Kayo naman kasi sir, alam n’yo na pong ayaw ni Psyche... o kaming mga babae na umaalis na lang po bigla ang mga jowa namin nang hindi man lang nagpapaalam. Siyempre magagalit po kami o maiinis sa inyong mga lalaki. Tapos pagkabalik n’yo po kung anu-ano pa ang ipapaliwanag ninyo sa amin na gusto n’yong paniwalaan agad namin. Sino ba naman po kasi ang hindi magagalit kapag ganoon, sir? E, kung kami pong mga babae ang gumawa n’on sa inyong mga lalaki, hindi po ba’t magagalit din po kayo? Kaya sana po—”

“Chill, Natalija! You’re not my girlfriend,” aniya upang putulin sa pagsasalita ang dalaga.

Bigla naman itong huminto at napangiti sa kaniya. Nag-peace sign pa bigla. “Sorry po, Sir Kidlat! Nadala lang po ako,” sabi nito. “Sige po, pumasok na po kayo at ng makapagpaliwanag na po kayo sa girlfriend n’yo,” ani pa nito at binuksan ang pinto para sa kaniya.

Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at napailing. Mayamaya ay dahan-dahan na nga niyang itinulak ang pinto. Nang sumilip siya sa loob ay kaagad naman niyang nakita si Psyche na nakaupo sa sofa habang may binabasa itong magazine. Saglit siyang nag-ipon ulit ng lakas ng loob bago siya tuluyang humakbang papasok. Tumikhim pa siya upang kunin ang atensyon ng dalaga, pero hindi ito nag-abalang tapunan siya ng tingin. Pero sigurado siyang sumilip ito sa gilid ng mata nito dahil saglit itong huminto at saka kumilos upang tumalikod sa kaniya.

Damn. She’s really mad at me right now. Sa isip-isip niya.

Naglakad pa siya hanggang sa tuluyan siyang makalapit dito. At bago siya magsalita’y tinapunan niya muna saglit ng tingin ang kaniyang Ninong Felipe na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon