NAPATINGIN ako sa pinto ng library na opisina rin ng itay, bumukas iyon at pumasok si Kidlat. Malapad ang ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa akin.
“Hey, baby. I was looking for you.”
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko at sinamaan ko siya ng tingin. Pagkatapos ay muli kong ibinalik ang paningin ko sa librong binabasa ko.
“Hey, baby—”
“Huwag mo nga akong matawag-tawag diyan na baby. Bakit, sanggol ba ako? Anak mo ba ako?” Inis na tanong ko sa kaniya nang muli ko siyang tapunan ng matalim na tingin.
Aba! Ano ang akala niya? Hindi ako nagalit o nawala kaagad ang inis ko sa kaniya dahil sa mga nangyari kanina sa labas? Puwes, hindi ganoon kadaling mawawala sa isipan ko ang panlalandi ng Luana na ’yon sa kaniya kanina.
Narinig ko siyang nagbuntong-hininga saka umupo sa tabi ko. Akma na sana niya akong aakbayan, pero mabilis akong kumilos at umusod ng puwesto ko.
“Huwag mo akong hawakan.”
“Baby—”
“Sabing hindi ako sanggol, e!”
“Bakit ka ba nagagalit ngayon sa akin? E, ikaw nga itong sinipa ang paa ko roon sa labas.”
Ibinaba ko ang librong hawak ko saka ko siya hinarap. Halos mag-isang linya na ang mga kilay ko dahil sa inis sa kaniya. “At kasalanan ko pa kung bakit ko sinapa ang paa mo?” tanong ko sa kaniya. “E, ikaw nga itong nakikipaglandian sa ex mo—”
“What? Of course not—”
“Of course not, of course not. Buwesit!” Akma na sana akong tatayo sa puwesto ko para lumabas, pero mabilis naman niyang nahuli ang kamay ko at hinila niya ako pabalik sa kaniya. Dahil sa ginawa niyang iyon, napaupo ako sa kandungan niya. “Ano ba! Bitawan mo nga ako, Kidlat!” inis na saad ko sa kaniya.
“No. We need to talk—”
“Wala tayong pag-uusapan.”
“Are you jealous?”
“Hindi ba halata? Kaya nga ako naggagalit ngayon sa ’yo kasi nagseselos ako, kasi nagagalit ako sa ’yo at sa Luana na ’yon.”
“And why are you jealous?”
Tiim-bagang na tinitigan ko siya saglit at muling bumuntong-hininga. “Nagseselos ako kasi, ’yong ex ng boyfriend ko, nakasandal sa balikat niya. Kasi ’yong boyfriend ko, hinahaplos na nga ang braso niya ng ex-girlfriend niya sa harapan ng girlfriend niya, pero hindi man lang niya magawang sawayin. Kasi ang boyfriend ko, hinahayaan niya lang na tawagin pa rin siyang babe ng ex niya. Kasi ang ex ng boyfriend ko, inaaya lang naman nito ang boyfriend ko na maging ka-date sa reunion nila sa college pero hindi man lang makatanggi. At ang boyfriend ko, tinatanong ako ngayon ng are you jealous? E, samantalang may karapatan naman akong magselos sa mga ex niya. Kaya lintik lang—”
“Watch your words, Psyche.”
“Ah wala akong pakialam. Buwesit! Pakawalan mo nga ako.” Galit na saad ko sa kaniya at pinilit na tanggalin ang pagkakakadena ng mga braso niya sa baywang ko, pero mas lalo lamang iyon humigpit. “Ano ba, Kidlat!”
“Okay, I’m sorry. Don’t get mad at me,” sabi niya. “Pero wala naman akong plano na um-attend sa reunion na ’yon. At mas lalong wala akong plano na pumayag sa gusto ni Luana na maging ka-date ako sa araw na ’yon.”
“At gusto mong paniwalaan ko ’yang mga salita mo?”
“Yeah.”
“Puwes ayokong maniwala. Magpaliwanag ka sa kapit-bahay mo.” Inis pa ring saad ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...