MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ni Kidlat sa ere habang matalim ang titig niya kay Gloria na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Nakatali ito sa upuan habang may duct tape rin ang bibig nito.
“I still can’t believe na si Luana pala ang may kagagawan nito kay Ninong Felipe,” sabi niya at napailing pa.
“Kahit ako hindi rin makapaniwala, bro,” sabi naman ni Ulap sa kaniya. “Narinig namin ang mga sinabi ni Gloria habang kausap niya sa cellphone si Luana.”
“Yeah, and I recorded it. Baka kasi magkaroon ng problema sa inyo ni Psyche,” sabi naman ni Arn na nakaupo sa isang silya habang nakataas ang mga paa nito sa mahabang mesa. Kumakain ito ng mansanas. “Kasi ang sabi ni Gloria kay Luana, plano raw talaga ng ex mo na sirain kayo ni Psyche para makuha ka niya. Tsk. Iba talaga ang saltik ng utak ng ex mo, bro. Maganda sana, pero baliw lang.” Tumawa pa ito.
Kunot ang noo na nilingon ni Kidlat ang kaibigan.
“He’s right, bro. Iyon ang dinig namin sa mga sinabi ni Gloria. Kaya ngayon, kailangan nating makita agad si Luana bago pa siya may gawing hindi maganda kay Psyche.”
Muli siyang napabuntong hininga at napatiim bagang. “Do everything Guilherme para magsalita si Gloria kung nasaan si Luana ngayon. We need yo find her as soon as possible.”
“Don’t worry, ako na ang bahala. Magsasalita rin ’yan kapag nagising na,” ani ng kaniyang kapatid.
“Kailangan ko na ring bumalik sa ospital, baka magalit na naman sa akin si Psyche. Ang paalam ko sa kaniya ay saglit lang akong mawawala roon,” aniya at tumalikod na. Pero bago pa man siya makalabas sa lumang bodega na iyon ay nilingon pa niya si Arn. “Give it to me, Arn.”
“Send ko na lang sa ’yo, bro,” ani nito. “Ay, hindi pala tayo friend sa facebook, ’no?” tanong pa nito.
“Damn it. Just give it to me, Arn.”
Sumimangot naman ang binata at ibinaba ang mga paa nitong nakaunat sa ibabaw ng mesa. “I can’t give you my phone, bro,” wika nito.
Tumawa naman si Ulap na ngayon ay naglalakad na rin palapit sa isang upuan. Pumuwesto ito roon. “Why? Kasi may mga hiden videos ka sa cellphone mo?” tanong pa nito.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Arn. “Damn. I’m not like you, Guilherme. I saw you watching adult videos before.”
“Just give it to me, Arnulfo,” seryosong sabi ulit ni Kidlat sa kaibigan.
Bumuntong hininga naman ito nang malalim saka napipilitang dinukot ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon nito. “Grabe ka naman, Kidlat. Huwag kang magbabasa ng mga messages ko riyan, a!”
Mabilis niyang kinuha iyon sa kamay ng kaibigan, saka walang salita na tumalikod na siya upang lisanin ang lugar na iyon.
“Hoy, Giulio Ortiz-Navarro! Walang password ’yan! Huwag kang titingin sa files ko kun’di sisiraan ko rin si Psyche sa ’yo!” pahabol na sigaw pa nito bago tuluyang makalabas si Kidlat sa pinto ng kuwartong iyon.
Napailing na lamang siya at tuloy-tuloy na naglakad hanggang sa makalabas na siya sa bodegang iyon.
Habang nasa biyahe ay tahimik lamang siya habang iniisip kung saan maaaring nagtatago ngayon si Luana. Hindi pa rin talaga siya lubos na makapaniwalang magagawa iyon ni Luana sa matandang Da Silva. Mabait naman kasi ang dalaga kay Don Felipe. Close ang dalawa simula pa man. Tapos ngayon ay ito pala ang nagtangkang kitilin ang buhay ng matanda.
Muli siyang napahugot ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere.
NAGPAPAROO’T parito ako sa loob ng silid ng itay, kanina pa. Hindi ako mapakali at nagpupuyos na naman ako ng galit kay Kidlat dahil sa mga nalaman ko. Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba ay tatay na rin ang turing niya sa tatay ko? Pero bakit naatim niyang saktan o kitilin ang buhay ng tatay ko?
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...