CHAPTER 6

541 26 2
                                    

“SORRY PO SIR! H-hindi ko na naman po sinasadya, e!” Nakayuko pa ring sabi ko at kaunti na lamang hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko. Paano naman kasi, nasa akin na nakatuon ang paningin ng mga taong narito ngayon sa swimming pool area. Nakakahiya ang nagawa ko! Kung bakit kasi ngayon pa nagkaroon ng problema! Bakit ngayon ako nakagawa ng kapalpakan?

“Sorry? Look what you did to my laptop?” galit pa ring bulyaw niya sa akin.

Wala sa sariling nakagat ko naman ang pang-ilalim kong labi upang pigilan ang mga luha kong nagbabadya sa sulok ng aking mga mata.

“What is happening here?”

Narinig ko ang boses ni Don Felipe. Ayoko man sanang mag-angat ng mukha dahil mas nahihiya ako sa Don dahil sa nagawa kong pagkakamali sa inaanak nito, pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Mas lalong nanlabo ang paningin ko dahil sa pag-uulap ng mga mata ko.

Tumingin din sa akin si Don Felipe habang magkasalubong ang mga kilay nito.

“What happened, hija?”

“D-don... Don Felipe,” naiiyak na sabi ko.

“She poured juice on my laptop, Ninong. My laptop broke because of that stupid woman.”

Bigla akong napatitig sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. What? Grabe naman ang lalaking ito! Hindi ko naman sinasadya ang nangyari a! Tapos kong maka-stupid naman siya akala niya buhay niya ang natapunan ko ng isang basong juice.

“Dahan-dahan naman po kayo sa pagsasalita ninyo sir! Hindi ko naman po sinasadya na matapunan ko ng juice ang laptop ninyo, a! Humingi rin naman agad ako ng pasensya sa inyo—”

“Why, will my laptop work again if I accept your apology to me, woman?”

“Hijo, Giulio,” sabi ng Don Felipe. “Hayaan mo na. Hindi naman daw sinasadya ni Psyche ang nangyari. Just buy a new laptop.”

“But Ninong—”

“That’s not a big problem, hijo. Mare-restore mo naman ang mga files mo riyan. So, huwag ka ng magalit kay Psyche.”

Kitang-kita ko kung paano siya magtiim-bagang kasabay ng pagpapakawala niya nang malalim na buntong-hininga dahil sa sinabi ng Don Felipe. Matalim ang titig niya sa akin. Kung wala siguro si Don Felipe ngayon sa harapan namin, ewan ko lang kung ano ang gagawin niya sa akin. Siguro, babalian niya ako ng leeg o ipaghahahampas niya sa akin ang laptop niya.

“That’s okay hija. Don’t cry.” Sabi sa akin ni Don Felipe nang hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Naglakad ito palapit sa akin at hinawakan ako sa likod ko. Masuyo nitong hinaplos ang likod ko para aluhin ako sa pag-iyak ko.

Bahala na kung magmukha akong tanga rito ngayon! Nasaktan lang ako dahil sa pagtawag niya sa akin na stupid. Grabe kasi at parang hindi siya lalaki para magsalita sa akin ng ganoon.

“I’ll go ahead, ninong.” Aniya at dinampot niya ang kaniyang laptop ’tsaka siya tumalikod at naglakad palayo.

Napatungo akong muli nang makita ko ang mga taong nasa paligid, nakatingin pa rin sa akin. Ah, nakakahiya talaga!

Muli kong kinagat ang pang-ilalim kong labi at banayad na nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Pasensya po ulit, Don Felipe. H-hindi ko—”

“That’s okay hija. Don’t cry.” Anito dahilan upang maputol ako sa pagsasalita ko. Ngumiti pa ito sa akin. “Don’t worry, I’ll talk to him. I’m sure na nabigla lang siya. Mamaya ay wala na rin ang galit at init ng ulo niya.”

Sus! Ang sungit na ’yon mawala agad ang galit sa akin? E, kanina nga lang habang nasa harapan ko siya halos lamunin na ako ng buhay.

“Go ahead, go back to your work.”

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon