BIGLA akong napabitaw sa kaniya at bahagyang lumayo nang makita kong naroon na rin pala si itay at nakatingin sa amin ni sir sungit. Dahil sa hiyang naramdaman ko ay mabilis akong nag-iwas ng tingin kay itay. Hindi ko rin magawang balingan ng tingin si Sir Kidlat. Oh, nakakahiya at nahuli kami ng itay na nasa ganoong tagpo. Kanina pa ba ito roon?
“Good morning, ninong!” Dinig kong bati niya sa itay.
“Are you enjoying the water?”
Dahan-dahan naman akong nag-angat ng mukha upang tapunan ng tingin ang itay. “Um...” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Basta ang alam ko lang, labis talaga akong nahihiya ngayon at gusto ko na lamang na ilubog sa ilalim ng tubig ang sarili ko para itago ang kahihiyang nagawa ko ngayon. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng itay dahil sa mga nakita nito? Baka kung ano pa ang isipin nito ngayon sa akin!
“Malamig ang tubig, ninong,” dinig kong sagot niya.
“I see. Mukhang nag-i-enjoy nga kayong dalawa.”
Ewan ko ba, pero hindi ko matukoy kung ano ang nais ipahiwatig ng itay. Hindi ko matukoy kung nagbibiro ba ito o seryoso ito nang sambitin nito ang mga katagang iyon. Hindi ko na kasi nagawang tumingin pa ulit dito dahil ramdam ko na ang pangangapal ng mukha ko.
“Okay, just continue your swimming and—”
“Um, a-aahon na po ako, Don Felipe.” Mabilis na saad ko hindi pa man ito tapos sa pagsasalita. At kahit ramdam kong nanghina bigla ang mga tuhod ko na nasa ilalim pa rin ng tubig ay pinilit kong lumangoy papunta sa may hagdan at dahan-dahan akong umakyat doon hanggang sa makalapit ako sa mesa kung saan ko inilapag kanina ang tuwalya ko. Kaagad ko iyong ipinatong sa mga balikat ko at niyakap iyon. Nang lingunin ko naman ulit si Sir Kidlat ay seryoso siyang nakatingin sa akin, pero mayamaya ay bigla rin siyang ngumiti.
Oh, holy lordy! That smile. Napakaguwapo niya talaga.
Dahil doon ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti sa kaniya bago ako muling nag-iwas ng tingin at lumapit kay itay.
“Sorry po. Magbibihis lang po ako,” sabi ko.
“Okay hija. I’ll wait for you here.”
Tumango na lang ako ’tsaka nagmamadali ng tumalikod at naglakad papunta sa main door at pumanhik ako sa hagdan nang makapasok ako roon.
PAGKATAPOS kong maligo at magbihis ay kaagad din akong bumaba at nagtungo sa kusina. Sakto namang pagkapasok ko roon ay inihahanda na ni Natalija ang almusal ng itay.
“Ako na ang magdadala niyan kay Don Felipe, Natalija,” sabi ko.
“Sige bes. Heto at tapos ko ng i-arrange.”
“Salamat.” Nakangiti pang saad ko ’tsaka dinampot ang tray nang makalapit ako sa mesa. “Maiwan muna kita rito bes, a!”
“Sure. Asikasuhin mo muna si Don Felipe.”
Kaagad din naman akong lumabas sa kusina, hanggang sa makalabas din ako sa main door at tinungo ang swimming pool area. Si itay na lamang ang naroon at wala na si Sir Kidlat. Malamang na pumanhik na rin siya upang maligo at magbihis.
“Ito na po ang almusal ninyo, itay,” nakangiting sabi ko.
“Salamat, anak. Come here at umupo ka na rin.”
Iyon nga ang agad na ginawa ko. Umupo ako sa isang silya na nasa tapat ng puwesto ng itay. Naging tahimik muna kami habang kumakain na. Pero mayamaya ay narinig ko itong tumikhim kaya napatingin ako rito.
“I have a question, hija.”
“Ano po ’yon?” tanong ko.
“Do you like... Kidlat?”
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...