MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere matapos kong hakutin sa walk in freezer ang lahat ng mga alak, prutas at pagkain na bagong deliver dito sa bar. Kagaya sa sinabi ni Ma’am She sa akin kanina, nag-over time nga ako ng tatlong oras. At lahat ng natirang trabaho ng pang-umagang shift ay ako na ang gumawa. Dapat ay sa labas lang ang trabaho ko at hindi ako ang nakatoka para sa paghahakot ng mga ito rito, pero dahil sa masungit kong manager na parang siya ata ang next na tagapagmana ng Casa de Esperanza, hayan at grabe kung parusahan ako sa trabaho ko.
“Psyche, tapos ka na ba?” tanong sa akin ni Xia, isa sa mga katrabaho at kaibigan ko rito.
“Um, katatapos ko lang hakutin ito lahat,” sabi ko. “Pero kailangan ko pang i-arrange sa lalagyan.”
“Tutulungan na kita—”
“Hindi na, Xia. Baka mapagalitan ka pa ni Ma’am She.” Putol ko sa iba pa sanang sasabihin nito.
Umirap naman ito sa akin at naglakad na papasok sa walk in freezer. “Kanina pang umalis ang madam mo kaya hindi niya malalaman kung tutulungan kita rito.” Anito. “At isa pa, ginawa na rin namin ni CJ kanina ang trabaho mo sa labas para makauwi ka na rin ng maaga. Nauna na ring umuwi ang bruha dahil over time ka raw.” Sabi pa nito.
Napangiti na lamang ako. Kahit papaano ay nakadama ako ng ginhawa dahil sa sinabi ni Xia. Oh, ang akala ko’y pagkatapos ko rito may gagawin pa akong trabaho sa labas. Mabuti na lang at mababait sa akin itong mga kasamahan ko. Lalo na itong si Cj at Xia. Mga halos kasabayan ko rin sila noong pumasok kami rito sa Casa de Esperanza kaya close friends kaming tatlo.
“Thank you, Xia!” nakangiting sabi ko.
Ngumiti na rin ito sa akin at nag-umpisang tulungan ako na ilagay sa lalagyan ang mga alak. “Mabuti na lang pala at night shift ako ngayon. Kung hindi, mamaya ka pa makakauwi dahil walang may tutulong sa ’yo rito.”
“Oo nga, e!” Sabi ko.
“Huhulaan ko, pumutok na naman ang bunbunan ni Madam Sheila kaya mainit na naman ang ulo sa ’yo ano?” natatawang tanong nito sa akin.
Nagkibit-balikat ako at bumuntong-hininga ulit habang nakangiti pa rin. “Lagi naman mainit ang ulo at dugo ni Ma’am She kapag ako ang nakikita n’on. Hindi na magbabago.”
“Grabe talaga ang matandang dalaga na ’yon! Siguro malapit na mag-menopause kaya mas lalong umiinit ang ulo at dugo sa ’yo.”
Sabay na lamang kaming tumawa ni Xia dahil sa sinabi nito. Baka nga, kaya laging ganoon sa akin si Ma’am She. Laging mainit ang ulo. Laging aburido.
Inabot pa kami ni Xia ng isang oras bago namin natapos ang trabaho sa loob ng walk in freezer. Pagkatapos ay kaagad din akong nagpaalam dito na uuwi na ako dahil inabot na rin ako ng apat na oras sa over time ko.
Pagkalabas ko sa employees entrance, sakto namang nakita rin ako ni Don Felipe.
“Hija, Psyche!” tawag nito sa akin.
Kaagad naman akong naglakad palapit dito habang may ngiti na naman sa mga labi ko. “Good evening po, Don Felipe.” Bati ko rito.
Kunot ang noo na tiningnan naman nito ang suot na wrist watch. “It’s already nine in the evening. Hindi ba’t hanggang alas sinco lang ng hapon ang pasok mo? Bakit narito ka pa hija?” nagtatakang tanong nito sa akin.
“Um, over time po, Don Felipe.” Sagot ko.
“Why?”
“M-marami pa pong tinapos na trabaho, e!”
“Over time ng apat na oras? Hindi naman kasali sa kontrata na puwedeng mag-over time ng ganoon katagal ang empleyado rito sa hotel. At isa pa, may mga naka-duty naman sa gabi so bakit kailangang ikaw pa ang gumawa ng trabaho?” kunot pa rin ang noo na tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...