“HINDI ako naniningil, hija. Kusang loob at taos puso akong nagbibigay sa ’yo ng tulong kaya hindi mo kailangang bayaran ang lahat ng ito.”
“Bakit po napakabuti n’yo po sa akin, Don Felipe?” naitanong ko.
“Because... you are Yolanda’s daughter.” Ani nito.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ng Don Felipe at muli akong pinakatitigan nang mataman.
Ewan ko ba, pero biglang kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa klase ng titig ng Don sa akin. Tila ba may nais itong sabihin sa akin ngunit nagdadalawang-isip pa ito.
Mayamaya ay muli nitong binuksan ang malaking photo album na nasa mesa. May kung ano itong kinuha roon.
“Here, take a look at this, hija.” Iniabot nito sa akin ang isang picture na parang mas malaki lang ng kaunti sa wallet size. Bagama’t colored ang larawan, pero mapapaghalataang luma na iyon.
Nagtataka man ay kinuha ko iyon at tiningnan. Pinakatitigan ko ang picture na iyon bago muling tiningnan ang Don.
“Ang... ang inay po ito, Don Felipe,” sabi ko.
May maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ng don at bahagyang tumango. “Yeah. That’s your late mother, hija.” Ani nito.
“E, s-sino po ang lalaking kasama ng inay rito sa picture? Sigurado po akong hindi po ito si tatay.” Saad ko pa nang muli kong tingnan ang larawan. Maraming picture ang inay at itay noong bata pa sila kaya alam ko kung ano ang hitsura ng Tatay Pastor ko noong bago pa lamang sila mag-asawa ni nanay.
“That’s me,” sabi nito.
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang muli akong mag-angat ng mukha upang tingnan ulit ang Don. Ano raw? Itong lalaking kasama ng inay ko sa larawan ay ang Don Felipe? Pero bakit sila magkasama? Tapos base sa mga hitsura nila sa picture na ito ay pareho silang masaya! Nakahawak pa sa baywang ng inay ang isang kamay ng Don Felipe.
Ano ang ibig sabihin nito? Na... na may namamagitan sa kanilang dalawa ng inay nang mga panahong kinunan ang larawan na ito?
Biglang dinagsa ng samo’t saring katanungan ang isipan ko.
“P-paano pong...” hindi ko natapos ang tanong ko, sa halip ay muli kong pinakatitigan ang picture.
“My wife and I had been married for twenty years when I met your mother,” sabi pa nito at muling nagbuntong-hininga. “Yolanda was twenty-three at that time.”
Napatitig akong muli sa Don. Tila biglang may nabuhay na kuryusidad sa kalooban ko dahil sa mga sinabi nito. May dapat ba akong malaman na nangyari noon sa nanay ko pati kay Don Felipe? Pakiramdam ko kasi, oo.
“M-may... may gusto po ba kayong sabihin sa akin, Don Felipe?” naglakas-loob akong tanungin ito. Ramdam ko kasi sa sarili ko na may dapat akong malaman ngayon na nangyari sa pagitan nila ng inay noon.
Ipinatong ng don ang magkabilang siko nito sa armchair at ipinagsalikop ang mga palad sa tapat ng tiyan nito at tumitig sa kawalan.
“Bagong salta rito sa Maynila noon ang inay mo. Nagtrabaho siyang kasambahay rito sa mansion,” paninimula na sabi nito. “Mabait ang nanay mo. And the first time I could look into her eyes, I saw that she was full of innocence. Iyon ang naging dahilan upang makadama agad ako ng kakaibang tibok ng puso ko para sa kaniya. I fell deeply in love with Yolanda.”
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...