CHAPTER 12

550 33 4
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere kasabay nang pagbangon ko mula sa pagkakahiga ko sa aking kama. My God, ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat; walang ginagawang trabaho. Nakakatamad at bagot na bagot ako kapag nandito lang ako sa apartment ko. Kung bakit kasi sinabi pa ng Don Felipe kahapon na hindi na muna ako pumasok ngayong araw?! E, samantlang kaya ko naman magtrabaho. Hindi naman ako nasaktan nang husto dahil sa nangyari kahapon.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas dyes pa lang ng umaga? Bakit parang ang tagal naman ata ng oras ngayon? Kanina pa ako nakahiga sa kama ko at nakatitig lang sa kisame, tapos hindi pa pala nag-iisang oras simula nang humiga ako? I really hate this day. Mabuti sana kung day-off ko ngayon ay okay lang, kasi alam naman ng katawan ko na kailangan ko talagang magpahinga. Pero itong alam kong weekdays ngayon... ano na lang ang gagawin ko? Mahaba pa ang araw. Hindi ko naman kakayaning maghapon ay makipagtitigan lang ako sa kisame at bilangin ang mga kabayo, tupa, kambing at butiki na dumaan sa isipan ko.

Muli akong napabuntong-hininga nang malalim ’tsaka tumayo na sa puwesto ko. Lumabas ako sa kwarto ko at nagdiretso rin sa labas ng apartment ko.

“Wala ka palang pasok ngayon, Psyche?”

Tanong sa akin ni Aling Marites, kapitbahay ko. Nasa labas ito at nagsasampay ng mga nilabhan nitong damit.

“Wala po. Bukas pa.”

“Hindi ba’t hindi mo naman day-off ngayon? Bakit wala kang pasok?” tanong pa nito. “At isa pa...” anito nang mai-hanger ang isang puting damit at mailagay sa sampayan. Binitbit nito ang basket na wala ng laman at nagmamadaling lumapit sa akin. “Nakita kita kahapon, sakay ng isang mamahaling sasakyan. Aba, Psyche... nobyo mo ba ang naghatid sa ’yo? Ang guwapo ng lalaki, a! Mukhang mayaman talaga. Nako, kung ako sa ’yo Psyche, iyon na lang ang asawahin mo at huwag na si Joel. Kasi sa nakita ko kahapon sa lalaking kasama mo, paniguradong magbubuhay-prinsesa ka. Hindi mo na kailangang magtrabaho at tumira dito sa apartment na ito. Wala ka ng poproblemahin. At bagay na bagay rin kayo.” Walang prenong sabi nito habang malapad ang pagkakangiti sa akin.

Lihim na lamang akong napaismid at bumuntong-hininga dahil sa mga sinabi nito. Diyos ko, kahit kailan talaga, tsismosa itong si Aling Marites. Kung ano ang makita ay binibigyan agad ng meaning.

“Kapag ikinasal kayo Psyche, imbitahan mo ako, a! Malamang na marami kayong handa at masasarap pa. Aba’y matagal na rin akong hindi nakakakain ng letsyong baboy.” Humagikhik pa ito.

Pilit na lamang akong ngumiti rito. “Sige po Aling Marites, pupunta lang po ako sa park at magpapahangin.”

“Sus! Ang sabihin mo, makikipagkita ka sa nobyo mo.” Anito na mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti.

Hindi na lamang ako umimik at tumalikod na. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad ko kahit panay pa rin ang salita ni Aling Marites.

Ilang minuto lang na paglalakad ay nakarating din ako sa park na nasa tapat ng bakery na pinagtatrabahuan ko dati. Ito rin ang park na madalas kong puntahan noon. Dito ko nakilala ang Don Felipe.

Nang makaupo ako sa isang semento na upuan, kaagad akong humugot nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa aking dibdib. Pumikit ako at tumingala ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Pagkamulat ko sa aking mga mata ay ang kulay asul at walang ulap na kalangitan ang nakita ko. Napangiti ako. Biglang nawala ang pagkabagot na nararamdaman ko kanikanina lang. Mayamaya ay sumagi rin sa isipan ko ang inay at itay.

“Kumusta po kayo riyan, inay, itay?” tanong ko at mapait na ngumiti. “Miss na miss ko na po kayo. Alam ko pong hindi n’yo ako pinapabayan at lagi kayong narito sa tabi ko.” Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi nang bahagyang mag-init ang sulok ng aking mga mata. Tumungo rin ako. “I love you, inay, itay.” Sabi ko pa at nanahimik.

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon