HINDI pa man nakakaparada nang maayos ang sasakyan ay kaagad na bumaba si Kidlat at nagmamadaling napatakbo palapit sa bahay na nagliliyab na sa laki ng apoy.
“Psyche!” sigaw niya habang binabayo nang malakas ang kaniyang dibdib dahil sa takot at pag-aalala para sa nobya. “Psyche!”
“Bro, hindi ka puwedeng pumasok diyan! Malaki na ang apoy,” wika ni Ulap na bigla siyang pinigilan sa kaniyang braso nang akma na sana siyang lalapit sa pintuan ng bahay.
“I need to find, Psyche, Guilherme!” mariing saad niya.
“Pero delikado na kung papasok ka pa sa bahay na ’yan, Kidlat,” sabi rin ni Arn sa kaniya.
“Fuck,” tiim bagang na usal niya, pagkuwa’y sunod-sunod at malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya sa ere. Nagparoo’t parito siya nang lakad habang pinagmamasdan ang bahay na kinakain na ng malaking apoy.
Saan niya hahanapin si Psyche? He needs to find her para mailigtas niya ito mula kay Luana.
Oh, Psyche! Where are you?
“Giulio!” tawag ni Ulap sa kaniya nang maglakad siya palapit sa may bintana.
Kahit ramdam niya ang labis na init dahil sa apoy ay hindi niya iyon ininda, pinilit niyang silipin ang loob ng bahay sa pagbabakasakaling naroon pa sa loob ang kaniyang nobya.
“Psyche! Psyche, are you in there?” sigaw niya habang nanliliit pa ang kaniyang mga mata at pilit na inaaninag ang loob. Hindi niya ganoong makita ang loob ng bahay dahil sa makapal na usok, pero mayamaya ay nakarinig siya ng mahinang pag-ubo ng babae. “Psyche?” nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang mula sa likod ng makapal na usok ay nakita niya ang isang babae na nasa sahig na. “Psyche!” Bigla siyang napatakbo palapit sa may pinto.
“Kidlat!” Napatakbo rin si Ulap at muli siyang pinigilan sa kaniyang braso. “Hindi ka puwedeng—”
“Nasa loob si Psyche, Guilherme!” galit na saad niya sa kapatid.
“What?” rumehistro din ang labis na pag-aalala sa mukha nito dahil sa sinabi niya.
“I need to save her, Guilherme,” aniya at agad siyang tumalikod sa kapatid at malakas na tinadyakan ang pinto hanggang sa masira iyon. Napaubo pa siya nang biglang lumabas ang makapal at maimit na usok. Nang makabuwelo na siya, walang pag-aalinlangang pumasok siya sa pinto. “Psyche! Psyche!” tawag niya sa dalaga habang hinahanap ng kaniyang paningin ang daan papunta sa silid kung nasaan ang kaniyang nobya.
Sunod-sunod siyang napaubo ulit habang dahan-dahan siyang naglalakad. Kahit sobrang init na ng buong katawan niya ay hindi siya sumuko. Muntikan pa siyang matamaan ng kisame na nahulog, mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag. Hanggang sa makarating siya sa tapat ng isang kuwarto. Malakas na tinadyakan niya rin ang pinto niyon. At nang masira iyon, doon ay nakita niya nga si Psyche na wala ng malay habang nakatali sa isang upuan at nakasubsob na sa sahig.
“Psyche!” Nagmamadaling nilapitan niya ang dalaga. Hinawakan niya ang mukha nito. “Psyche! Damn it.” Nagkukumahog na tinanggal niya ang pagkakatali nito at pagkatapos ay binuhat niya ito. Saktong pagkapihit niya ay saka naman may nahulog ulit na nasirang kisame. Mabuti at nakailag siyang muli. Mas lalong lumakas ang apoy sa buong paligid.
“Kidlat!”
Narinig niya ang boses ni Ulap. At mayamaya ay pumasok din ito sa silid.
“Hey! Come on, hurry! Mas lalong lumalakas ang apoy.”
Kaagad naman siyang kumilos. Kahit medyo nanghihina na ang kaniyang katawan dala sa init at kapal ng usok na kanina pa niya nalalanghap ay pinilit niyang humakbang palabas ng silid habang buhat-buhat ang nobya. Tinulungan na rin siya ni Ulap, hanggang sa makalabas sila sa bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...