EWAN ko, pero bigla akong nakadama ng inis nang makita ko si Luana. Naglalakad ito palapit sa amin ni Kidlat. My God! Masiyadong revealing ang damit na suot nito. Bodycon red two piece dress. Halos lumuwa ang malalaki nitong dibdib at sigurado ako, isang maling upo lang nito ay masisilipan agad ito sa sobrang iksi niyon. Lihim na lamang akong napairap at bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Kidlat.
“Luana!” anang Kidlat.
Ngumiti naman ito. “Hi, Kidlat.” Ani nito. “Hi, Psyche!”
Tipid na lamang akong ngumiti rito.
“What are you doing here, Luana?” tanong ni Kidlat.
“Well, I just wanted to visit Tito Felip. I heard kasi na isinugod siya rito sa ospital,” wika nito na biglang lumamlam ang hitsura. Mataman din itong tumitig sa akin. “Oh, I feel bad for you, Psyche. But don’t worry, I know tito will be fine again.”
Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga. “Salamat sa pagpunta mo rito, Luana.”
“Um, can I see him?”
Tumingin naman sa akin si Kidlat. Tila tinatanong ako ng mga mata niya kung papayagan ko itong pumasok sa kuwarto o hindi. Napaka-rude ko naman kung hindi ko ito papapasukin gayo’ng kakilala rin ito ng itay ko.
“Pumasok ka na lang,” sa huli ay sabi ko.
“Thank you, Psyche.” Ani nito saka humakbang palapit sa pinto at pumasok doon.
Nanatili naman kami ni Kidlat sa labas. At nang balingan ko siya ng tingin, seryosong titig ang ibinigay ko sa kaniya.
“W-What?” tanong niya.
Umismid ako. “What? E kung makatitig ka sa dibdib ng babaeng ’yon—”
“Baby, of course I’m not.” Mabilis na saad niya kaya napahinto ako sa pagsasalita ko.
“Of course I’m not e, kitang-kita ko nga ang titig mo sa kaniya.” Naiinis na saad ko pa.
Bumuntong-hininga naman siya at napahagod sa leeg niya. “Psyche,” seryosong wika niya sa akin. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at kinuha ang isang kamay ko at hinila ako lalo papunta sa kaniya. “I’m not staring at her boobs.”
“H—”
“Huwag mo akong pag-isipan ng hindi maganda, Psyche.” Pinutol niya ulit ang sasabihin ko sana. “Baby, I swear to God; I didn’t stare at her boobs. I don’t even glance at it. I was only staring at her face.”
Buntong-hiningang nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Sorry,” sabi ko at ipinilig ulit sa dibdib niya ang ulo ko.
“Ever since I fell in love with you, I promised myself that I would never look at another woman. If I look, I assure you that there is no malice. Because I made a promise to myself too that I want to be faithful to the woman I love. With you, Psyche. I want to be faithful to you,” aniya at naramdaman kong ginawaran niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. “I love you so damn much, baby. Higit ka pa sa sobra kaya bakit titingin pa ako sa iba? Bakit maghahanap pa ako ng iba kung ikaw pa lang, sobra-sobra na?”
Hindi ko na napigilan ang mapangiti nang matamis dahil sa mga sinabi niya. Oo na! Praning lang talaga ako at biglang sumukob ang selos ko kanina dahil sa pagdating ng Luana na ’yon.
Mula sa pagkakapilig sa dibdib niya ay nag-angat ako ng aking mukha upang tingin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko. Kaagad niya naman akong hinagkan.
“I love you, Psyche.” Nang pakawalan niya ang mga labi ko.
“Mahal na mahal din kita, Kidlat,” malambing na tugon ko sa kaniya. “Salamat at nasa tabi kita ngayon. Salamat.”
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...