ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nakatayo na ako sa labas ng pintuan ng opisina ni Don Felipe. Kinakabahan ako kung ano ang maaaring sabihin sa akin ng Don dahil sa mga nangyari kanina. Oh, God! Kasalanan ko naman, e! Lalo na ang nangyari kanina sa amin nina Jass at Xia. Pareho lang kami ni Xia na hindi na nakapagtimpi dahil sa mga sinabi ni Jass sa akin. So, kung anuman ang mga sabihin o gawin ng Don Felipe ngayon, deserve ko siguro ito. Ugh! Bahala na nga!
Mayamaya ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko hinawakan ang seradura at pinihit ko iyon pabukas. Nakita ko naman agad ang Don na nakaupo na sa swivel chair nito.
Muli, lihim akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga kasabay nang paghakbang ko papasok hanggang sa makalapit ako sa harap ng lamesa nito. Nang tumingin sa akin ang Don, wala akong ibang nagawa kun’di ang magbaba ng mukha. Nahihiya talaga ako rito, lalo na at nakikita ko ang seryoso nitong mukha ngayon. Parang sinasabi sa akin ng mga mata nito na nadismaya ito nang dahil sa akin.
“I’m... I’m sorry po Don Felipe,” sabi ko matapos ang ilang segundong katahimikan na namayani sa apat na sulok ng opisina nito. “Alam ko pong kasalanan ko ang nangyari kanina. Hindi ko na po sana pinatulan si Jass. Pero alam ko rin po na, kahit magpaliwanag po ako sa inyo ngayon...” Ugh! Gusto ko na namang maiyak ngayon. Lalo na at ramdam ko ang kirot sa dibdib ko sa isiping nagagalit sa akin ang Don Felipe. “Kung tatanggalin n’yo po ako sa trabaho ko, o-okay lang po. Ano—”
“And who told you na tatanggalin kita sa trabaho mo, hija?”
Bigla akong natigilan nang marinig ko ang sinabi ng Don. Mula sa pagkakayuko ko, dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tinapunan ng tingin ang Don. Seryoso pa rin naman ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Pero mayamaya ay ngumiti ito sa akin.
“H-hindi... hindi po kayo g-galit sa akin dahil po sa nangyari—”
“I saw and heard everything that has happened earlier, hija. Kaya hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin.”
“Po?” ang tanging nanulas sa bibig ko.
Bumuntong-hininga nang malalim ang Don at sumandal sa upuan nito. “Bigyan mo nga ako ng tubig, hija.”
Mula sa kinatatayuan ko, kaagad akong tumalima. Naglakad ako palapit sa center table at kinuha ko ang pitcher at nagsalin ng tubig sa isang high ball glass.
“Ito po, Don Felipe.” Nang makalapit ulit ako sa mesa nito.
“Thank you, hija.” Anito. “Have a sit.” Matapos itong uminom.
Umupo naman ako sa visitor’s chair habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko rito. Wait, hindi galit sa akin ang Don Felipe? Hindi ito galit dahil sa nangyari kanina?
“H-hindi po kayo galit sa akin, Don Felipe?” tanong ko ulit mayamaya.
Tumingin din naman ito sa akin. “Bakit naman ako magagalit sa ’yo?” sa halip ay balik na tanong nito.
Tipid naman akong ngumiti at bahagyang nagbaba ng tingin.
“I told you, nakita at narinig ko ang mga nangyari kanina. Alam ko na si Jass ang nag-umpisa ng gulo. Nagbitaw siya ng hindi magandang salita sa ’yo kaya hindi mo napigilan ang emosyon mo, maging si Xia man.”
Oh, so narinig ng Don Felipe ang sinabi ni Jass sa akin kanina na nilalandi ko ang matanda?
“Pasensya po ulit Don Felipe," sabi ko at muling nagbaba ng mukha. “Pati po tuloy kayo nadamay. I mean, pati po kayo ay pinag-iisipan ng masama dahil sa akin. Kung anuman po ang mga sinabi ni Jass kanina tungkol sa... sa akin, sa atin po. Hindi naman po ’yon totoo—”
BINABASA MO ANG
BELONGS TO HIM ✓
RomanceGiulio 'Kidlat' Ortiz-Navarro & Psyche Goncalves HIM SERIES 1 *** "I believe I was made for loving you." When Psyche meet Kidlat Ortiz-Navarro, ang inaanak ng Don Felipe na siyang tumulong sa kaniya upang makapagtrabaho sa hotel na pag-aari nito, bi...