CHAPTER 40

487 21 1
                                    

“PSYCHE!”

Bigla akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki na tumawag sa akin. Kakababa ko lang sa kotse ni Kidlat at nasa tapat na kami ng apartment na tinutuluyan ko no’ng nakaraan.

At nakita ko naman si Joel na naglalakad palapit sa direksyon ko habang may malapad na ngiti sa mga labi nito.

“Akala ko namalik-mata lang ako ng tingin,” sabi nito. “Ikaw pala talaga ’yan.”

Napangiti naman ako. “Hi, Joel!” bati ko rin dito.

“Kumusta ka na? Saan ka galing? Bakit ilang araw kang hindi umuuwi rito?” sunod-sunod na tanong pa nito sa akin.

“Um, may iba na kasi akong trabaho ngayon,” wika ko.

Bahagya namang nagsalubong ang mga kilay nito at tinitigan ako ng mataman nang makalapit na ito nang tuluyan sa harapan ko.

“May iba ka ng trabaho? Hindi ka na nagtatrabaho sa Casa de Esperanza?”

Umiling ako. “Hindi na ako nagtatrabaho roon,” sagot ko.

“Saan ka na nagtatrabaho ngayon?”

Magsasalita na sana ako para sagutin ang tanong sa akin ni Joel, pero bigla akong napalingon sa gawi ng driver’s seat nang bumukas ang pinto roon at malakas ding sumarado. Ang seryosong mukha ni Kidlat ang nakita ko.

“Driver mo?” tanong ni Joel.

At dahil hindi ko pa naman inaalis ang tingin ko kay Kidlat, kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ni Joel.

“Um, h-hindi, Joel,” sabi ko at pilit na ngumiti rito nang magbaling ako rito ng tingin.

“Oh, I’m sorry.” Paghingi agad nito ng paumanhin kay Kidlat. “Akala ko kasi... I’m sorry, bro.”

“Siya si Kidlat,” sabi ko at tiningnan ko rin siya. “Si Joel pala, kapit-bahay ko.” Pagpapakilala ko rin kay Joel sa kaniya.

Pero hindi naman nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Seryoso pa rin at tila ba ano mang sandali ay mang-hahamon siya ng away.

Binalingan ko na lamang ulit ng tingin si Joel.

“Ano pala ang ginagawa mo rito, Psyche?” tanong nito ulit sa akin.

“Kukunin ko lang ang natira kong gamit diyan sa loob,” sagot ko.

“Ganoon ba? Halika at tutulungan na kita—”

“I can do that.”

Sabay pa kaming napalingon ni Joel kay Kidlat nang magsalita siya. Kung seryoso na ang hitsura niya kanina, mas lalo namang naging seryoso iyon ngayon. Halos mag-isang linya na ang makakapal niyang mga kilay. And the way he looked at Joel, parang gusto niya itong saktan.

Naglakad siya palapit sa akin. “Let’s go to your apartment,” aniya at hinawakan niya ang braso ko upang patalikurin na ako kay Joel.

Wala naman akong nagawa kun’di ang maglakad na lamang nang bahagya niya akong itulak papasok sa gate.

Nang nasa tapat na kami ng pinto ng apartment ko, nilingon ko si Joel na nasa labas pa rin at nakatingin sa amin. Pilit na lamang akong ngumiti kahit nahihiya ako rito ngayon dahil sa inasal ni Kidlat.

Ngumiti rin naman ito sa akin at tumango.

Nang maipasok ko sa keyhole ang susi na hawak ko ay mabilis na pinihit ni Kidlat ang doorknob at hinawakan ako sa balikat ko at iginiya na ako papasok.

Hindi na lamang ako umangal sa kaniya. Sa halip ay inilapag ko sa sofa ang bag ko.

“Is this your apartment?”

BELONGS TO HIM ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon